Trianggulo Writers

329 11 0
                                    

Gabi na naman, heto at mag-isa ako sa kwarto ko habang nilalagok ang isang tasa ng kape. Nasa kalagitnaan na ako ng sinusulat kong short horror story na ipa-publish ko sa isang writing platform na kung tawagin ay Trianggulo Writers. Ang site na ito ay bago pa lang at mangilan-ngilan pa lang din ang nakakadiskubre nito. Nalaman ko lang ang tungkol dito nang minsang lumabas sa google ang pangalan ng site nila. Hindi ko man sinasadyang matuklasan ito dahil ang hinahanap ko noon ay triangle na may mata sa gitna, dinala pa rin ako ng kuryosidad ko na tingnan kung anong meron doon.


Ang Trianggulo Writers ay ginawa ng isang Pilipino Professor na nagngangalang Terencio Sotto. May kaunting impormasyon na mababasa sa ilalim ng pangalan niya pero ang ilang mahahalaga pang detalye tungkol sa kanya ay wala.


Base sa nakalap ko, dati siyang nagtuturo sa UP Manila. Isa ring journalist na kalaunan ay nagkaroon ng kaisipang bumuo ng isang writing platform na tumatalakay lang sa paksang katatakutan. Masyado mang misteryoso ang pagkatao ng founder ng Trianggulo Writers, sinubukan pa rin ito ng ibang undiscovered na manunulat sa bansa.


Nasa 302 members pa lang ang kalahatang bilang ng mga writer na nag-register dito noong huli ko itong i-check. Dahil hindi pa man ito kilala, at talagang natatakpan ng anino ng mga naglalakihang writing platform sa Pilipinas, naging mahirap para sa Trianggulo Writers na makahanap ng mga mambabasa.


Kaya nitong nakaraang araw lang, biglang nagkaroon ng pasabog ang pamunuan ng nasabing site.


Maraming nabago. Mula sa graphics, hanggang sa pinaka-content ng site ay talagang pina-enhance na nila. Nadagdagan na rin ng category at naging mas open ito sa lahat ng reader, mapa-18 below man.


At higit sa lahat, ang pinakanagustuhan ng mga writer na itinuring na pioneer, magkakaroon na ng bayad ang bawat short story na maipa-published sa kanilang site. Isang akda lang kada manunulat ang babayaran. Pero, kada reads na madadagdag naman nito ay katumbas ng isandaang piso. Awtomatikong papasok sa bank account na kinonekta ng writer ang kabayaran na matatanggap nila.


Dahil sa bagong pakulo ng Trianggulo Writers, kahit ako ay naengganyo rin. Kaya, tinatapos ko ngayon ang istoryang pinamagatan kong 'Please, Do Not Read' na isasalang ko roon. Ilang beses ko na itong nilinis at pinagaganda dahil ayaw kong maging pipitsugin lang ang ipapabasa ko sa mga mambabasa. Tsaka, isa pa, kapag maganda ang gawa mo ay talgang babalikan ito ng mga mahihilig sa horror.


Dahil kailangan ko ng pera para sa paparating na pasukan, naisip kong i-push ang Trianggulo Writers na ito. Tutal, wala naman akong ibang gagawin kundi umupo lang at mag-isip ng magandang idea.


"Done! I think, magugustuhan nila 'to!" sabi ko matapos pindutin ang mouse ng personal computer ko.


Nai-publish ko na ang gawa ko. At wala na kong ibang gagawin kundi ang hintayin na lang na may magbasa. Siyempre, nag-promote din ako sa lahat ng social media accounts na meron ako. Maging sa mga kaibigan ko ay pinabasa ko rin. Hindi ko sila tinigilan hangga't hindi sila nangangakong babasahin nila ang akda kong. . . 'Please, Do Not Read'.


Naghanap-hanap ako ng iba pang writer sa Trianggulo Writers. Tiningnan ko ang mga gawa nila na isinalang nila na babayaran ng site. At, napa-wow na lang ako nang makita ko ang gawa ni Delonix R. Winfour.

Ang Amoy Ng KandilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon