Buwan ng Oktubre noon nang lumipat kami ng kapatid kong si Clara sa isang kilalang hotel na malapit lang din sa dati naming tinitirhan. Napag-alaman kasi naming mas mura ang upa rito kumpara sa pinanggalingan namin na halos kalahati na yata ng sinasahod ko ay napupunta lang doon.
Masaya naman kami ni Clara sa paglipat namin. Kahit dalawa na lang kami ang magkasama sa buhay, nagagawa pa rin naming harapin ang umaga nang may ngiti.
Nagtatrabaho ako sa isang supermarket, hindi gano'n kalakihan ang sweldo ko pero kahit paano ay nakakaraos din naman kami. Tinutulungan din kasi ako ni Clara na kumita ng pera kapag wala siyang pasok sa eskwelahan.
Kakaunti lang ang gamit namin. Masyado itong kaunti para sa laki ng silid na nakuha namin. Kaya may mga parte talga ng kuwarto na naging bakante. Kung minsan nga, nagkakabiruan pa kami ni Clara.
"Ate, bumili pa tayo ng mga gamit para ma-occupied 'yong mga space, baka tambayan ng mga multo, e," pagbibiro niya nang minsan nagwawalis siya habang ako ay nanonood sa tv.
"Yaan mo sila, ano, gagastos tayo para sa kanila?" natatawa kong tugon.
Matatakutin kasi itong si Clara, lalo na kapag madilim. Lagi niyang sinasabi sa akin na kapag maghahanap kami ng malilipatan, doon dapat sa maraming ilaw para maliwanag. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit pumayag siya na dito na lang kami lumipat sa Umbra Hotel.
Kumpleto at gumagana ang lahat ng ilaw sa hallway rito, maging 'yong mga nasa hagdanan din ay nagana. Kaya kumportable talaga si Clara na maglakad sa labas ng kuwarto kahit pa siya lang mag-isa. Nagpepresinta na nga minsan na bumili sa labas at hindi na ako isinasama pa.
Sa ilang araw ng pagtira namin ni Clara sa Umbra Hotel, naging maganda at mapayapa naman. Friendly ang mga katabi naming kuwarto. Hindi rin gano'n kaingay dahil mahigpit na pinagbabawal ng management na magpatugtog o magsigawan nang malakas.
Wala kaming naging problema sa loob ng isang linggo. Pero kung hindi lang ako nakaranas ng kakaiba roon, siguro ay nandoon pa rin kami ngayon.
Alas-onse na noon ng gabi nang mag-out ako sa work. Iniisip ko nga na baka hindi na ako makapasok ng room namin dahil baka nakatulog na si Clara kakahintay sa akin. Nag-overtime kasi ako dahil hindi pumasok 'yong ka-partner ko sa posisyon ko sa trabaho.
Abala ako sa pag-scroll down sa facebook ko habang tinatahak ko ang hagdan paitaas. Nasa 4th floor ang room namin kaya minabuti kong libangin ang sarili ko habang humahakbang. Paraan ko ito para hindi ko gaanong maramdaman ang pagod kakaakyta.
Nasa third floor na ako nang biglang namatay ang pinakikinggan kong music, nag-hang din bigla ang phone ko kaya kahit anong pindot ko sa profile picture ko, walang nangyayari.
Napahinto ako sandali. Sinubukan kong pindutin ang power button at volume up. Pero, hindi umubra. Hindi namatay ang phone ko kaya naman ipinagpalagay ko na lang na malapit nang masira ito.
"Hay, wala pa kong pambili, e," bulong ko at napabuga pa ng hangin.
Maglalakad na sana ako sa sunod na baitang nang may makita akong anino mula sa likuran ko. At kung hindi ako nagkakamali, anino iyon ng isang babae. Para bang ay humawak sa paa ko at hindi ako makagalaw nang mga sandaling 'yon. Masyado akong nagulat dahil hindi ko talaga iniisip kahit kailan na makakakita ako ng gano'n. Napahawak na lang ako sa dibdib ko no'n at nanatiling nakatalikod sa kung sino man 'yong nasa likuran ko. Hindi ko na tinangka pang lumingon dahil pakiramdam ko, hindi ko magugustuhan ang makikita ko.
Pero, pinilit kong mag-focus at maging positibo. Dahil doon, naramdaman kong naigagalaw ko na ang mga paa ko. Sinamantala ko iyon para magpatuloy sa pag-akyat. Gusto ko sanang lumaktaw ng isang baitang para mas mabilis akong makaalis pero hindi ko maintindihan, dahil parang ang tipid ng mga hakbang ko.
BINABASA MO ANG
Ang Amoy Ng Kandila
HororSecond Compilation of Horror Stories of Delonix R. Winfour