Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga SanDiego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi.
Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Mariasapagkat makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kanyang dating kababata sa bayan.
Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag nang isama ang Kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang Kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.
Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Mariasapagkat yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San Diego.
Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kanyang-ulo.
Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng Kura, kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya.
Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga anak.
At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
Historical FictionAng inyong mababasa ay buod ng bawat kabanata ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal