Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay mayroong kaaway. Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan, pagdidiin pa ni Elias.
Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ngmga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing hindikakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo.
Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat kahit na ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nor Juan. Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang mababatid buhat sa kanya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan ng Diyos ang humatol at naging hukom.
Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay Ibarrakaya nagpaalam na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
Historical FictionAng inyong mababasa ay buod ng bawat kabanata ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal