Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang Kastila at Tagalog. Ang pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat II, Kabanata IX, Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos sa pamamagitan ni Estres ng nagsasaad ng: Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang sila’y turuan, hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig mapawi ang kanilang pagkauhaw.
Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na magaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.
Nagpugay ang pari sa mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at itinuro ang pintong malaki. Inakala ng sakristan yaon ay isang pagturo sa kanya upang isara ang lahat ng mga pintuan. Nag-alinlangan ang Alperes, iniisip niyang tatayo at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa sapagkat nagsisimula ng magsalita ang predikador.
Sinabi ni Pari Damaso na kanyang binitiwan ang mga pananalita ng Diyos upang maging kapaki-pakinabang na tulad ng isang binhing umuusbong at lumalaki sa lupain ng banal na si Francisco. Hinikayat niya ang mga makasalanan na tularan ang mapagwaging si Gideon, ang matapang na si David, ang mapagtagumpay na si Roldan ng ka-kristiyanuhan, ang guwardiya sibil ng langit.
Nakita ni Pari Damaso na napakunot – noo ang Alperes sa kanyang tinuran. Kung kaya’t sa malakas na tinig, sinabi ni Damaso na opo, ginoong Alperes, higit na matapang at makapangyarihan bagamat walang armas kundi isang krus na kahoy lamang. Natatalo nila ang mga tulisan ng kadiliman at lahat ng kampon ni Lucifer. Ang mga himalang likhang ito ay tulad ng paglikha kay Diego de Alcala.
Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Pari Damaso sa wikang Kastila, kaya hindi maiintiihan ng mga Indiyo. Ang tanging naunawaan ng karamihan ay ang salitang guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San Francisco. Umasim din ang muha ng Alperes, kaya inakala ng marami na pinagalitan siya ni Pari Damaso dahil sa hindi pagkakahuli nito sa mga tulisan.
Nang mabanggit naman niya ang tungkol sa patente upang tukuyin ang pagwawalang – bahala ng mga tao sa kasalanan, isang lalaki ang namumutlang tumindig at nagtago sa kumpiskalan. Nagbebenta kasi siya ng alak at madalas na usigin siya ng mga karabinero dahil sa hinihingan siya ng patente.
Inaantok ang mga nakikinig. Si Kapitan Tiyago ay napahikab. Samantala, si Mariaay hindi nakikinig sa sermon sapagkat abala siya sa pagtingin sa kinaroroonan ni Ibarra na malapit lamang sa kanya. Nang simulan na sa Tagalog ang misa, ito ay tumagal ng tumagal. Lumilisya na si Padri Damaso sa sermon niya sapagkat puro panunumbat, sumpa, at pagtutungayaw ang isinasumbulat niya. Dahil dito,pati si Ibarra ay nabalisa lalo nang turulin ng Pari ang tungkol sa makasalanang hindi nangungumpisal na namamatay sa bilangguan na walang sakramento sa simbahan. Hindi rin nakaligtas sa pag-aglahi ng pari ang mga mistisilyong hambog at mapagmataas, mga binatang salbahe at pilosopo... ang mga parinig na ito ay nadarama ni Ibarra. Pero, nagsawalang kibo na lamang siya.
Naging kabagot-bagot na ang sermon, kung kaya nagpakuliling na si Pari Salvi upang huminto na si Damaso. Pero, sumabak pa rin sa pagsasalita ng may kalahating oras. Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki (ito ay si Elias) ang lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa bato sapagkat maari siyang mamamatay. Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
Historical FictionAng inyong mababasa ay buod ng bawat kabanata ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal