May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Pari Damaso at tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy siya sa bahay ni Tiyago. Ang pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon.
Nahalata kaagad ni Kapitan Tiyago ang pagbabagong anyo ng Pari nang hindi nito iabot ang kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni Kapitan Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.
Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Pari Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kanyang paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Siniglahan siya ng matinding pagkaawa rito. Ikinuwento ni Pari Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na pagkakaalitan nina Pari Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni Pari Sibyla na si Ibarra ay taong mabait at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiyago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lubhang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong iyon.
Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga ari-arian. Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa iba’t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa kanila o higit pa.
Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita rin niya na ang Tinyente ay hindi rin nagsumbong sa Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Pari Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang buong pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Pari Damaso ay napalipat pa sa higit na mabuting bayan.
Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Pari Damaso. Sinisi ni Pari Damaso si Kapitan Tiyago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang inaama ni Maria Clara. Pag-alis ng Pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila kay Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong SanDiego.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
Fiksi SejarahAng inyong mababasa ay buod ng bawat kabanata ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal