Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya ito ng nagsusulat ng heroglipiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain ang matanda. Pero napuna nito nang siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra, sinabi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindimauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salinlahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at malamang hindi maihahambing sa panahon ng kanilang mga ninuno.
Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao. Kung kaya’t isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang Kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayon pa rin sa kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hindinangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga pinagsangunian.
Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo pero mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan, ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman, ang lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan.
Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.
Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang di pagdaing ng bayan. Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati–rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping buntunghininga’y magsisiklab. Ang bayan ay maniningil ng pautang at sa gayo’y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan.
Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tintangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat, ang utos ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra sa usapan. Inungkahi muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian.
Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ay sunod-sunod na tanong ang kanyang pinakawalan: (1)Kailangan bang magyuko at mapanganyaya? (2)Kailangan bang maapi upang maging mabutiing Kristiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin? (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?
Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na Sapagakat ang lupang pagtatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay! Mariing sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing: humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa libingan. Ako’y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon. Ngunit ang anak ay hindi nakakalimot!
Sa sinabing ito ni Ibarra, inimungkahi ng matanda na habang buhay sa alaala ng binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abang naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.
Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa dayami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng Makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubsob sa punlong iyon, upang hindi na muling makabangon.
Tinanong ng binata kung malilimot ng Kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang–tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtuturo ay magiging kaagaw ng kumbento sa kayamanan ng bayan.
Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroonding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawasa iba na natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang Kura na marahil ay hindi naman kasingtulad ng umusig sa kanyang ama. Ipakikiusap din niya sa Kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
Narrativa StoricaAng inyong mababasa ay buod ng bawat kabanata ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal