Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang pinakamalaki. Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin. Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.
Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at esmeralda at kapirasong kahoy na mula sa bangka ni San Pedro.
Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. May mga ilang kaibigang dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay pinahintulutan naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago maghapunan si Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiyago si Ibarra na sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon siyang hinihintay na bisita.
Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay napagitna kina Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama siya ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni Sinang. Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra at pinuri naman si Maria. Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya na sumama ito sa kanya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka sa monte si Padre Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado kung ano ang ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi.
Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa saliw ng kanyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.
Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kanyang mga kasama. Kinuha ng ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa may harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng mukha si Maria at pinahid ng panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha.
Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin. Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta. Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol.
Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong kulang-palad.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
Historical FictionAng inyong mababasa ay buod ng bawat kabanata ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal