Bakit isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?

1.7K 2 0
                                    

Ito ay isang isyu na pwede mong maikumpara sa konteksto ng lugar at panahon na kinabubuhayaan ni Dr. Jose Rizal. Hindi ito nangangahulugan na walang pagmamahal si Jose Rizal sa ating sariling wika. Nais lamang niya na mas maging epektibo ang pag kalat ng kanyang mga kwento, na sandali lang ang lumipas ay na ilathala na din sa iba't ibang mga wika at naging inspirasyon para sa maraming Pilipino na mag aklas at lumaban sa mga dayuhang kastila.

Sa katunayan, ang titulo ng librong ito na Noli Me Tangere ay kastilang wika na ang ibig sabihin ay Wag Mo Akong Salingin o kaya naman ay Touch Me Not. Ito ay tumutukoy sa mga mapang-api na dayuhan at mga prayleng nanunungkulan noong kanyang panahon. Hindi natakot si Jose Rizal na isulat ang librong ito sa wikang espanyol na nagpapakita lalo ng kanyang walang takot na pag laban sa mga dayuhan. Ang dali nga naman siguro kung sinulat na lamang niya sa tagalog o kaya sa iba pang wika upang mahirapan ang mga Kastila sa pagbasa nito. Pero pinakita niya na hindi siya natatakot at handa siyang lumaban gamit ang mga salita. Sabi nga sa kasabihan na la pluma es más poderosa que la espada (the pen is mightier than the sword). Napakita ni Jose Rizal na mas matalas at mas makapangyarihan ang kanyang mga sulatin at idolohiya kaysa sa mga sandata ng mga Kastila.

Nais din siyempre ni Jose Rizal na ang mga hinaing ng kanyang mga kababayan ay marinig sa internasyonal na komunidad. Malaking inspirasyon ang mga paglakbay ni Rizal sa kanyang mga naging desisyon at idolohiyang ipinaglalaban. Tulad ng mga nakita niyang progreso ng mga taga Cuba na siya rin kolonya ng Espanya noong mga panahon na iyon. Kung ating maalala sa ating pagaaral ni Rizal na hindi niya ninais ang magkaroon ng madugong rebolusyon. Ang gusto niya sana ay mapayapang assimilation o pagiging pagsama sa Espanya sa pamamgitan na pagiging estado ng Pilipinas ng Espanya.

Ang Noli Me Tangere ay ang pinaka unang libro o nobela na naisulat ni Jose Rizal. Sumunod ang El Filibusterismo na siya naman naging mas agresibo sa pag pakita ng kalupitan at pang-aapi ng mga kolonyalista.

Isa lamang ito sa sobrang daming naging kontribusyon ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Isang napakagandang kwento ang Noli at ang El Fili (ito ang karaniwang tawag ng mga tao sa mga librong ito) at ngayon ay nailathala na sa sobrang daming wika at natatangkilik ng sobrang daming tao sa buong mundo.

Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon