Chapter 5

546 15 6
                                    


Maggie's POV

"Hey wait!"

Mabilis akong naglakad nung marinig ko ang boses niya. Nagkukunwari din akong hindi siya naririnig.

"Hoy Maggie!" tawag niya ulit sa akin at naramdaman ko na lang na may humila na sa braso ko.

Inis na tiningnan ko siya.

"Ano ba?!"

"Ba't ba naiinis ka?"

"Gago. Ang kulit mo kasi hayup ka."

Bigla siyang tumawa.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?!" inis na sabi ko ulit.

"Wala. Palamura ka pa rin eh, noh?"

Inirapan ko siya at tinalikuran.

"Hey wait. Binibiro lang naman kita. Hindi ba tayo pwedeng magusap tutal naman magkatrabaho na tayo?"

"Sinundan mo ba ako dito?"

"Oo. Kaya nga nasa harap mo ako."

"Bwiset. Yung tinutukoy ko ay kung nagtrabaho ka ba dito dahil sakin?"

"Medyo?" natatawang sabi niya at tiningnan ko siya na parang hindi ako makapaniwala sa sagot niya.

"Ang creepy mo. Para kang stalker!"

Tumawa ulit siya at hinaplos ang buhok ko na ikinagulat ko.

Ganun ang madalas niyang gawin noong kami pa.

"Bago ko pa nalaman na nagtatrabaho ka dito, I've already accepted the offer. So it's not stalking my dear." tila nang-aasar na sabi niya at inalis ko ang kamay niya sa buhok ko.

"King ina mo, Caleb. Pumunta ka na sa klase mo. Unang araw mo palang dito nambibwisit ka na."

Tumawa ulit siya. Ano ba kasing nakakatawa?

"Yes Ma'am Margarette Gustin. See you around!" sabi niya at kinindatan ako.

Tiningnan ko siya papalayo at inirapan siya tsaka bumuntong hininga.

Are you really still into me? Then, bakit mo ako iniwan non? What were your reasons, Caleb?

Caleb's POV

Sobrang lapad ng mga ngiti ko habang papasok ako sa unang klase na tuturuan ko.

"Good morning!" bati ko pagpasok ng klase at nanahimik sila pero may kakaunting bulung-bulungan.

"Hala Kuya Caleb, ikaw yung prof?" sabi ng isang student na familiar sa akin.

Siguro they were the students na nakaabot sa akin before I graduated. Hindi naman ganun katagal ang nakalipas nung naka-graduate ako. Isang taon pa lang naman.

"Oo. Bakit? Hindi ba pwede?" Biro ko sa kanila.

"Tang ina, ser!" sigaw nung isa at natawa ako nung makita ko ang kablock ko dati na nag-impluwensya sa akin uminom ng alak at manigarilyo. Good thing, naintindihan niya ako nung bumalik ako sa pagiging matino.

"Nandito ka pa din?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Baka naman pwede mo na ako ipasa niyan, Ser!" talagang ineemphasize niya pa yung salitang 'Sir'.

"Tumigil ka Billy ah!" natatawang sabi ko.

I introduced myself to the whole class as the substitute professor in this subject. They introduced themselves as well. Nakakamiss lang din maging estudyante.

"Sir, ang tagal niyo na ni Ma'am Maggie, no?"

Napatigil ako dahil sa tanong na yun.

Alanganing ngumiti ako at tumango tango.

My Life's Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon