Chapter 13

361 10 6
                                    


"Sige lang, ilabas mo lang yang sakit na nararamdaman mo."

Lalong humigpit ang yakap ko kay Felix. Inilabas ko lahat ng luha at sakit na nararamdaman ko.

Alam kong hindi maganda tingnan. He's my ex, wala na kami. Hindi ako dapat sa kanya humihingi ng comfort. Pero nandito siya, at ngayon, siya lang ang meron ako.

Naramdaman ko ang pag-haplos niya sa likod ko at ang pagpatong ng baba niya sa noo ko. Lalo akong napaiyak. Hindi ko alam kung dahil pa ba 'to sa sakit na ginawa ni Caleb o dahil kay Felix?

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Tiningnan ko siya at nakatingin rin siya sa akin. Unti-unti niyang pinunasan ang mga luha ko gamit ang thumb niya.

"Anong nangyari sayo?"

Gusto kong sabihin na niloloko ako ni Caleb pero hindi ko magawa.

"Thanks Felix."

Iyon na lang ang tanging nasabi ko. Hindi na siya nagsalita pa at tinitigan lang ako. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Umuwi ka na." sabi niya at napaisip ako. Naalala ko si Caleb.

Ayaw ko siyang makita.

"Ako na ang magdadrive ng sasakyan mo. Tara na."

Sumakay kami parehas sa sasakyan at siya ang nag-drive. Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa malapit na kami sa apartment ko.

"Felix.. Ayokong umuwi."

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Gabi na, delikado. Umuwi ka na, baka nag-aalala na rin yung boyfriend mo."

"Please." pakiusap ko at parang nakaramdam naman siya na ayoko talaga umuwi. "Kahit ngayon lang."

Tumango siya at lumiko sa ibang direksyon. Nakahinga ako ng maluwag.

Patuloy lang sa pagmaneho si Felix at hindi ko alam kung saan kami papunta pero wala na akong pakialam pa. I badly want to escape from the pain.

Dalawang oras ang naging byahe namin at namangha ako sa lugar na hinintuan namin. Isang garden. Bumaba ako ng sasakyan at kahit gabi ay manghang mangha ako sa paligid na punong puno ng bulaklak at mga Christmas lights sa paligid. Napakaraming tao ang namamasyal at may iilang nagbebenta ng mga pagkain sa gilid.

Napatingin ako kay Felix na kakababa lang din ng sasakyan. Nginitian niya ako. Yung ngiti niya tuwing alam niyang napapasaya niya ako.

"Ang ganda." sabi ko.

"Tara."

Hinawakan niya ako sa braso at naglakad kami sa garden. Amaze na amaze ako. Binitawan niya ang braso ko at lumapit sa batang nagtitinda ng sunflower. Bumili siya ng isa at lumapit sa akin.

"Favorite mo." sabi niya at pilit akong ngumiti. Inabot nya sa akin ang sunflower at kinuha ko iyon.

"Salamat."

"May bayad yan." biro niya.

"Gago." sabi ko at tumawa siya.

Felix's POV

Natawa ako nung murahin niya ako. Hindi pa rin nagbabago 'tong babaeng 'to. Ang hilig niya pa ding magmura. Kahit ganun, mahal na mahal ko pa din 'to.

Maswerte ako at naranasan ko ang pagmamahal niya. Kahit hindi ko na mararanasan yun ulit, kuntento na ako dun.

Alam kong hindi ako ang para sa kanya. Kung nalaman ko nga lang sana noong una pa, hindi ko na sana ginulo pa ang buhay niya. Hindi ko na sana siya nasaktan pa.

My Life's Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon