Chapter 16

303 9 1
                                    

Caleb's POV

'Sorry. Can't wait for you.'

Nang-hina ako sa binasa ko. Pero, I was expecting this to happen. Dama kong aalis si Maggie. Pinili niya ang sarili niya. She deserves it. Binigyan niya ako ng chance, pero puro sakit pa rin ang nadulot ko sa kanya.

Tumulo ang luha ko. Hindi ko nanaman siya nagawang alagaan.

It was so weak of me. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko masabi sa kanya ang lahat kahit alam kong si Maggie yun, ang taong pinaka-makakaintindi sa akin. Ilang beses ko sinubukang sabihin pero umaatras ang dila ko.

Pero anong magagawa ko? Gusto ko siyang protektahan lalo na nung naka-receive ako ng sulat mula sa tatay ko.

'Papabagsakin ko kayo ng mga mahal mo sa buhay, anak. :) Kaya umpisahan mo ng itago sila. Maglaro tayo ng tagu-taguan. Subukan mong hanapin ako :)'

Iyon ang nasa sulat. Nakita ko iyon na nasa ibabaw ng sasakyan ko matapos kong makareceive ng tawag na nakatakas si Jose Misteban, ang tatay ko.

After nun, hindi ako umuwi ng bahay kahit pa alam ko na nasaktan ko ng sobra si Maggie. Nag-check in ako sa isang hotel. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Jose. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

Tsaka ko naisip, paano kung nakita niya na si Maggie? Paano kung mapahamak si Maggie?

Kaya dali-dali akong umuwi nun at nag-masid masid muna ako kung may nakasunod ba sa akin at nung masigurado kong wala ay pumasok na ako ng apartment at sumalubong sa akin si Maggie. Hindi ko masabi sa kanya but I know naiintindihan niya ako.

Bumawi ako kay Maggie. Sinigurado kong mapoprotektahan ko siya. Sinigurado kong hindi siya masasaktan ni Jose.

May times din na hindi ako umuwi ng ilang beses sa apartment ni Maggie. Hindi ako nagparamdam. Dahil nararamdaman ko na may nagmamasid sa akin and when I decided to go home, nakita ko si Maggie na mahimbing na natutulog. Alam kong nasaktan ko nanaman siya ng sobra. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya.

Nung pumunta si Kaye sa school hindi ko na sinama si Maggie na maghatid kay Kaye sa parking lot dahil natatakot ako na baka nasa paligid lang at matsambahan kami ni Jose. At di nga ako nagkamali, pakiramdam ko may nagmamasid sa amin ni Kaye nung nasa parking lot kami. Inikot ko ang paningin ko at kinilabutan ako nung makita ang isang tao na nakatayo sa gilid ng poste. Nakasuot siya ng cap at di ko makita ang mukha niya. Pero alam kong si Jose iyon. Ngumisi siya at kinilabutan ako. Nanginig ako.

Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko that time para tawagan ang mga pulis pero agad akong pinigilan ni Kaye.

"Kaye, anong ginagawa mo?!" inis na sabi ko.

"Don't make a move yet, Caleb."

"Kailan pa? Pag nakatakas na siya."

"As long as you're here, hindi siya makakatakas. Ikaw ang target niya. Nakabantay siya sa kilos mo. Do you think hindi niya malalaman yung gagawin mo kapag dinial mo yan? Pinag-aaralan niya ang mga kilos mo."

"W-what should I do? N-nag-aalala ako kay Maggie. Palapit na ng palapit si Jose sa mga buhay namin. Ayoko madamay si Maggie."

"Then I'll offer myself." Nagulat ako nung halikan niya ako. Itutulak ko sana si Kaye pero tinitigan niya ako habang nakahalik pa rin sa akin. Nakita kong lalong ngumisi si Jose at umalis. Agad akong umalis sa pagkakahalik ni Kaye at tatakbo sana ako para habulin si Jose pero hinawakan ako ni Kaye.

"Ano ba?!" inis na sabi ko. "Dahil sayo nakatakas siya!"

"Huwag kang basta basta kikilos ng walang plano. Besides, pinaghahanap na siya."

My Life's Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon