Chapter 23

239 7 2
                                    


Maggie's POV

"Oh shit! What should I do? Caleb?!" Sigaw ko nung mawalan siya ng malay at nung tuloy tuloy na dumugo 'yung sa bandang tiyan niya.

Sa sobrang pagpapanic ko ay maka-ilang segundo pa ang lumipas bago ako tumawag ng emergency. Nakaka-blanko pala sa utak kapag hindi mo alam kung ano 'yung dapat gawin.

Maya-maya pa ay dumating na ang ambulansya at agad nilang sinakay si Caleb. Tahimik na umiiyak ako sa loob ng ambulansya habang pinapanood na binibigyan ng first aid ang sugat niya. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

Napahawak ako sa tiyan ko. Nakaramdam ako ng sakit pero pinilit ko iyong tiisin.

"Baby, don't worry. Your daddy will be alright. Hindi naman stress si Mommy, wag ka ma-sstress diyan." Pabulong na sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko.

Ang hirap.

Ilang minuto ay nakarating na kami sa Ospital.

According to the Doctor, naimpeksyon ang sugat niya na nag-cause din sa pagkakaroon niya ng lagnat at muling pagdudugo ng sugat.

Kasalanan ko 'to. Kaya pala napapangiwi siya kanina habang tinutulak ko siya. Ang sarap mag-mura. Pucha.

Nung mahimasmasan ako ay tsaka ko lang soya nagawang titigan.

Masyado ko lang bang inisip ang sarili ko noon? Why didn't I notice his pain years ago? Kung napansin ko ba aabot ba kami sa point na 'to?

Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot sa tuwing naaalala ko ang mga kwento niya. Lahat lahat mula nung iniwan niya ako hanggang sa mga pinagdaanan niya ngayon.

'Why do you have to keep this all yourself? Wouldn't it be better kung kasama mo ako sa lahat? Bakit ba ang hina ng tingin mo sakin?'

Sabi ko sa isipan ko habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog. Hinaplos ko 'yung pisngi niya.

'Ang kumplikado mo. Ang hirap mo  basahin. Hindi ko alam kung may hindi ka pa sinasabi.'

Napatingin ako sa sugat niya sa bandang tiyan. Mabuti naman at naagapan agad ang pagdudugo ng sugat niya.

'See? Kung hindi ka pa nag-collapse at kung hindi ko nakita 'yang pagdudugo ng sugat mo, hindi ko malalaman na may nangyari sayo. I do not know the whole story, pero alam kong hindi maganda ang mga nangyari lalo na nung mga araw na hindi tayo magkasama.'

"U-uhh!" Ungol niya nung imulat niya ang mga mata niya. Mukhang naramdaman niya ang sakit. Nagtaka pa siya nung makita ako na nasa tabi niya. "Are you real?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala pero 'di ko siya sinagot. "Ahhh, oo nga pala. I thought it was a dream." Mukhang naalala niya na ang mga nangyari kanina.

Tahimik ako na pinagmamasdan siya. Tinitigan niya ako at this time siya naman ang humawak sa pisngi ko.

"You should be resting. Why are you here?"

Hindi ko siya ulit sinagot. Ewan ko, parang anytime kasi na magsasalita o sasagutin ko siya, maiiyak ako. Ayoko na sana umiyak dahil pakiramdam ko umiiyak din ang dinadala ko. Gusto ko naman maramdaman ng anak ko na hindi iyakin ang mommy niya.

Mula sa paghawak niya sa pisngi ko ay hinawakan niya ang tiyan ko at napangiti.

"Tumataba ka na." Nakangiting pang-aasar niya.

Usually kapag sinasabihan akong tumataba ay naiinis ako pero this time napangiti ako.

Ngiti na may kasamang sunod sunod na pagpatak ng luha.

My Life's Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon