Chapter 18

223 8 5
                                    

Maggie's POV

9 am nang umaga nung magising ako. Tsaka ko naalala yung mga nangyari kahapon at kagabi. Dumating nga pala si Felix dito.

Wala pa akong gana bumangon kaya tiningnan ko ang phone ko.

"He didn't even dare to call me huh.." sabi ko sa sarili ko habang patuloy na nakatitig sa screen ng phone ko at tumamlay ang pakiramdam ko.

Sinabi ko na hindi ko siya kayang hintayin pero heto ako, umaasang kahit isang tawag man lang, kahit marinig ko lang ang malambing niyang boses, willing akong bumalik at puntahan siya.

Walang gana akong bumangon tsaka ko ulit naalala si Felix.

Oo nga pala, kailangan ko siyang mapaalis. Kaya I'll stick with my plans.

Nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas ng kwarto at bumaba. Agad ko namang naamoy ang masarap na luto ni Felix.

"Good morning." Bati niya habang umiinom ng kape sa hapagkainan. Hindi ko siya pinansin at umupo na lang sa tapat niya at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato. "Hina came last night. Kaso hindi ka na niya pinaistorbo pa sa akin. Nag-dala siya ng groceries."

"Tsh. Yung babaeng 'yun talaga." sabi ko sa sarili ko.

Maya-maya lang ay napansin ko na nakatitig sakin si Felix at tinaasan ko siya ng kilay habang patuloy lang ako sa pagkain ko. Ngumiti lang naman siya sa akin.

"What?" tanong ko sa kanya.

"Happy birthday." Nakangiting sabi niya at nanlaki ang mga mata ko.

"Shocks. Birthday ko pala no?" sabi ko sa kanya at natawa naman siya.

"Any plans for today?" tanong niya.

"Wala." tipid na sagot ko.

"Mag-prepare ka, may pupuntahan tayo."

Tinarayan ko siya at tinaasan ko ng kilay at takang tiningnan niya naman ako.

"Pwede ba? Mas gusto ko manahimik na lang dito sa bahay." inis na sabi ko. "Nananahimik ako ang gulo gulo mo."

Tila wala siyang pakialam sa sinabi ko.

"This is part of my job." seryosong sabi niya at muling uminom ng kape.

"Ano ba talagang sinabi sayo ni Hina? Na bumuntot sakin? Na alagaan ako dahil buntis ako? Na sumunod sakin? Ano ba talagang trabaho mo dito?"

"Bukod sa alagaan kayo ng anak mo, kailangan ko rin na pasayahin ka."

Napatigil ako dahil sa sinabi niya.

"I know you and Caleb aren't doing fine. Kaya ako nandito para pasayahin ka-"

"Anong karapatan mong pasayahin ako? Hindi porket ikaw ang nagiging takbuhan ko nung mga panahong nahihirapan ako dahil kay Caleb, eh hahayaan na kitang pakialaman ako! Fine, bantayan mo ako dito pero ang galawin pa ang emosyon ko, hindi ko na papayagan yan-"

"Do you still love me?"

Muli akong napatigil sa pagsasalita dahil sa tanong niya. Deretso at seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko kinaya ang mga titig niya kaya nawalan ako ng gana. Tumayo ako at aalis na sana sa hapagkainan nung hilahin niya ang kamay ko at niyakap ako.

"Do you still love me?"

"Ano ba!" inis na sabi ko at pilit ko siyang tinutulak.

Pakiramdam ko na may tumutusok sa puso ko kapag tinatanong niya 'yun.

"Kung mahal mo pa rin ako o hindi, wala akong pakialam. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Ginagawa ko 'to dahil binabayaran ako. No feelings involved. So please, makipagusap ka sakin ng maayos. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo, alam kong hindi rin tama na ako ang nandito pero may rason ako. Kung ako lang, gusto ko na talaga umiwas para hindi mo na ako makita pa ulit pero kailangan kong gawin 'to." lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. "Dama kong hindi na ako ang mahal mo, ganun din ako." sabi niya at tila nanghina ako sa sinabi niya. "But please, spend your birthday with me." binitawan niya na ako at hinawakan sa mga balikat ko atsaka ako tinitigan. "We're still friends, right?"

My Life's Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon