Chapter 17

236 12 4
                                    


"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat na tanong ko kay Felix na may malapad na ngiti.

Sa halip na sagutin niya ako ay dere-deretso siyang pumasok sa loob ng gate kaya agad ko siyang hinarangan.

"Ba't nandito ka? Umuwi ka na." sabi ko pero umiling iling lang siya at kumindat.

"You can't shoo me away, Mags." sabi niya at sinara ang gate tsaka naglakad papasok ng pinto. Agad ko siyang hinabol.

"A-ano ba? Ano ba kasing ginagawa mo dito? At paano mo nalaman na nandito ako?"

Nang makapasok siya sa pinto ay humarap siya sa akin at nginitian ako. Dahan-dahan niyang itinuro ang nasa tiyan ko.

"Someone asked me a favor." sabi niya.

"H-ha?"

Was it Hina? For sure. Damn.

"I'm here for your little one." Patungkol niya sa tiyan ko. "Wag ka mag-alala, I won't touch you unless mag-makaawa ka." Pilyong pang-aasar niya at di ko mapigilang mapikon sa sinabi niya.

"W-what?"

Tinalikuran niya ulit ako at hinagis ang mga gamit niya sa sofa at humiga doon.

"Ughh! Napagod ako sa byahe." sabi niya at muling tumingin sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala. "Uhm, hindi mo ako oofferan ng tubig?" natatawang sabi niya at napaikot ako ng mata.

"Ano ba kasing kailangan mo?"

Muli siyang umupo at sumilay nanaman ang ngiti niya sa labi.

"Wala naman. Pero ako ang kailangan mo. Alam mo naman ako, always one call away lang."

"Wow ah? Wag kang feeler. First of all, kaya ko ang sarili ko. Pangalawa, I don't even need you. Not a bit."

Tumawa siya sa akin at tumango tango.

"Okay.. Okay. Ako na lang ang kukuha ng tubig." tumayo siya at dumeretso ng kusina.

"Fuck." bulong ko sa sarili ko. "Nahanginan na ata ang utak ni Felix."

Sumunod ako sa kanya sa kusina at nakita ko na umiinom siya ng tubig.

"Ba't sunod ka ng sunod?" tanong niya at lalong tumaas ang dugo ko sa sinabi niya.

"Seriously? Sino ba ang sumunod dito sakin?" inis na sabi ko.

"I came for the baby."

"You're not even my Baby's dad, Felix."

Napatigil siya at napakagat ako ng labi ko dahil sa sinabi ko. Pero agad din naman siyang ngumiti at lumapit sa akin.

"So? I can be your baby's Nanny." natatawang sabi niya at iniwan ako sa kusina kaya muli ko siyang hinabol.

"Seriously Felix? Kahit alam mong magiging nanay na ako at 'boyfriend' ko ang ama niya, aasta ka pa rin ng ganyan?"

Umupo siya sa sofa at tiningnan ako.

"Wala namang problema sakin. Someone asked me a favor. Hindi ako makatanggi." kalmadong sabi niya na para bang kaswal lang ang pakikipagusap niya sa akin.

"Pwede ka namang humindi."

"Alam mong hindi ako ganyan especially when it comes to this." nakangising sabi niya at itinaas ang kanang kamay niya na naka money sign pa. "I got paid for this job at ang magagawa ko lang ay sumunod sa utos ng boss ko at hindi sa utos mo. So walang feelings na involved kung ayan ang iniisip mo. Isa pa, hindi ako pumapatol sa may anak. It's a no no no." sabi niya na tila nang-aasar.

My Life's Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon