Chapter 3

533 15 5
                                    

Caleb's POV

After three months.

10 pm nung makalabas na ako ng office. I had a lot of things to do. Nakakapagod pero isa iyon sa way ko para malimutan lahat ng iniisip ko.

Nagda-drive na ako pauwi. Umuulan ng malakas. Madilim na rin ang ibang daanan.

Napalakas ang preno ko nung mahagilap ko ang isang babae na nakaupo sa waiting shed doon sa bus stop.

She's crying.

Nakatitig lang ako sa kanya at parang kumikirot ang puso ko na makita siyang nagkakaganyan.

Bakit ka umiiyak?

Hindi ko pa din pinapaandar ang kotse ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Nagtatalo ang puso't isipan ko kung bababa ba ako dito o hahayaan na lang siya doon.

My mind is telling me na hayaan ko na lang siya dahil hindi din naging maganda ang nangyari sa amin nung muli kaming nagkita three months ago pero sinasabi ng puso ko na I should go to her.

Hanggang sa may bumusina sa likuran ko kaya napilitan akong paandarin ang sasakyan ko.

Ipinark ko iyon sa isang gilid at kumuha ng payong.

Kailangan kong gawin kung ano ang sinasabi ng puso ko.

Bumaba na ako ng sasakyan at pinuntahan si Maggie.

"Hey.." tawag ko sa kanya at gulat naman siyang tumingin sa akin.

"W-why are you here?"

"I was about to go home, pero nakita kita."

Umupo ako sa tabi niya at napaiwas naman siya ng tingin. Pinunasan niya ang luha niya and tried to calm herself.

"Why are you crying?"

Hindi niya ako sinagot.

"Did he make you cry?"

Hindi nanaman siya sumagot.

"Answer me."

Inis na tumayo siya at tiningnan ako.

"Pwede ba, just mind your own business. Wag mo ako pakailaman dito." naglakad siya paalis sa shed kahit na umuulan.

Inis ko siyang hinabol at hinila ang kamay niya para mapalapit siya sa akin. Nakasilong na kami sa iisang payong.

"Paanong hindi kita papakialaman? Umiiyak ka dito sa kalye? P-para kang baliw!"

Hinigit niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at tiningnan ako ng masama.

"Wala kang alam!"

"Kung ayaw mong may makialam sayo, eh di wag kang umiyak dito! You look pathetic!"

Natigilan siya nung sumigaw ako.

Yumuko lang siya at nag-umpisa nanamang umiyak.

"Why.. Why is this happening to me?" umiiyak na sabi niya. "Ganun ba ako kadali iwan?" tanong niya at tumitig pa sa mga mata ko. Kitang kita ang sakit sa mga mata niya.

"Hindi ko alam. Ang tanga tanga ko. Hindi na ako natuto. Tang ina! Alam kong hindi ako perfect pero I am always trying my best para hindi niyo ako iwan. Bakit sa huli ako yung umiiyak?!"

Naiintindihan ko ang sinasabi niya pero naguguluhan ako sa sitwasyon.

"Tang ina! Palagi na lang ba ganito? Ikaw! Iniwan mo ako dahil sa isang bagay na hindi ko naman ginawa! Iniwan mo ako sa isang pitik. You don't know how much I was hurt! At ngayon nauulit lahat. Nauulit 'yun. Iniwan niya ako."

My Life's Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon