Chapter 19

219 5 2
                                    

Maggie's POV

"C-caleb?" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa taong nakatayo sa malayo.

"Huy, okay ka lang?"

Bumalik ang atensyon ko kay Felix.

"O-oo. Okay lang ako."

"Ba't parang nakakita ka ng multo?" takang tanong niya at lumapit sa akin. Kinapa niya ang noo ko. "Ba't namumutla ka? Are you sure na okay ka lang?"

Muli akong tumingin sa pwesto kung saan ko parang nakita si Caleb ngunit wala na siya doon. Agad nag-paikot ikot ang mga mata ko habang si Felix ay kapa-kapa pa din ang noo ko.

"Huy, ano bang nangyayari?"

Tinitigan ko si Felix. Hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa kanya.

Pero kung si Caleb yun, I'm sure na hindi siya mag-aalinlangang lumapit lalo pa't si Felix ang kasama ko.

Siguro nga namamalik-mata lang ako.

Nginitian ko na lang si Felix at umiling iling ako.

"Picture-an mo ko. Yung maganda kasi. Ayusin mo." utos ko kay Felix.

"Okay? Mukhang wala ka ngang problema." sabi niya at lumayo ng kaunti para kuhaan ako ng picture. "1, 2,3.. Smile!"

Nung matapos ko mag-pose sa pictures ay lumapit ako sa kanya at tiningnan ko ang kuha niya.

"Pucha naman. Sa dami ng kuha mo dalawa lang 'yung maayos. Hindi pa pang instagram."

Napakamot sya sa batok niya at tumawa.

"Alam mo namang negative ako sa ganyang skills."

Tinitigan ko si Felix at nginitian. Ang kalmado talaga ng paligid ko pag siya ang kasama ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero pakiramdam ko, parang kagaya lang kami ng dati. Basta, nahihirapan ako ipaliwanag kung ano 'to pero masaya ako.

"Picture tayo?" naka-ngiting tanong ko sa kanya.

Nag-aalinlangan pa siyang lumapit pero ginawa niya na din naman in the end. Tumabi siya sa akin at nag-selfie kami.

"Ang pogi ko." sabi niya at inirapan ko siya.

"As if?" pang-aasar ko.

"Kaya pala noon." pagyayabang niya kaya tinalikuran ko lang siya at naghanap pa ng magagandang spot para pag-picture-an.

Tsaka ulit pumasok sa isip ko si Caleb. Tiningnan ko ang phone na hawak ko at balak ko sanang idial ang phone number niya. Pinindot ko iyo pero bago pa mag-ring ay agad ko na 'tong cinancel.

Buong umaga din namin inikot ang Sirao Garden. Hindi man lang ako nakaramdam ng pagod dahil sa sayang nararamdaman ko. Para bang nakatakas ako sa lahat ng problema at pinagdadaanan ko.

Akala ko after namin mag-lunch ay uuwi na kami pero pansin ko na may iba pa kaming pupuntahan.

Pero mas nanlaki ang mga mata ko nung makita ko na nasa 'Temple of Leah' kami.

Taka ko siyang tiningnan.

Hindi ko maintindihan kung paano niya nalamang isa rin to sa top list na gusto kong puntahan sa Cebu. Or nagkataon lang talaga?

"Bakit? Pogi ko ba?" tanong niya sa akin at napaiwas ako nang tingin.

"Felix, pangarap mo rin bang puntahan 'to?"

"Hmm, oo." sagot niya.

Mukhang nag-kataon nga lang.

Naglibot libot lang kami. Tama ng ang sinabi niya, magiging masaya ako ngayong birthday ko. Hindi siya nabigo dun.

Nagawa ni Felix ang 'trabaho' niya.

Pero hindi pa rin pala tapos ang lahat.  At nagugulat pa din ako dahil kinumpleto niya ang mga lugar na gusto kong puntahan dito sa Cebu.

Nandito kami sa SRP. Sa isang perya.

Naguguluhan na ako dahil parang kilalang kilala ako ni Felix. Para bang nababasa niya ang isip ko.

May nagsasabi sakin na hindi pagkakataon ang lahat ng 'to.

Hindi ko ba talaga nasabi sa kanya ito noon?

Naging tahimik lang ako habang naglalakad kami papasok sa perya. Nakasunod lang ako sa kanya at nakatingin sa likuran niya.

"Ferris wheel?" tanong niya at wala sa sariling napatango na lang ako.

"I-ikaw bahala."

Sumakay na kami sa Ferris wheel at namangha ako nung unti-unti na kaming umakyat.

"Ang ganda." sabi ko.

"Ang ganda nga." dinig kong sabi ni Felix kaya tiningnan ko siya at nagulat ako nung nakatingin siya sa akin. Agad niya namang iniwas ang tingin niya at tumingin na rin sa labas.

Nakaramdam ako ng pagkailang. Nakaramdam din ako ng pagkalito. Naguguluhan ako. Naikuyom ko na lang ang kamao ko.

Biglang pumasok ang isang ala-ala sa isipan ko.


"Nabitin ako sa trip natin sa Cebu. Ang dami ko pa sanang gustong puntahan." sabi ni Caleb habang nag-dadrive siya pauwi samin.

"Tsh. Alam mo naman na for Hans and Jane only lang 'yung trip na 'yun eh." sagot ko at inaalala ang mga nakakakilig na eksena na nangyari kanila Hans at Jane.

"Ba't ka natatawa?" tanong ni Caleb.

"Ang cute lang kasi ni Jane at Hans. Paniguradong memorable for them yung Cebu trip."

Hinawakan ni Caleb ang kamay ko habang hawak naman ng isa niya pang kamay ang manibela ng sasakyan. Taka ko naman siyang tiningnan.

"Wow! Ang sweet mo ah. Kinikilig naman na ako niyan." pang-aasar ko at natawa siya.

"Sira. Balik tayo Cebu sa birthday mo?"

Napangiti ako sa tanong niya.

"Talaga?"

"Oo. Para naman moment na nating dalawa. Hindi 'yung tulay lang tayo."

Natawa naman ako sa kanya.

"Napaka-bitter mo naman." natatawang sabi ko. "Parang nasimot naman na natin yung pwede mapuntahan sa Cebu?"

Binitawan niya ang kamay ko at nag-focus na sa pag-drive.

"Diyan ka nag-kakamali love." nakangiting sabi niya. "There still lot of places in Cebu na kailangan natin puntahan."

"Saan naman?" tanong ko.

"Sirao Garden, Temple of Leah and sa SRP."

"Gusto mong pumunta tayo dun?"

Tumango tango siya.

"Yes. I'm sure you'd love it there."



Pero that didn't happen, at ngayon nandito ako kasama si Felix at hindi ang taong nag-plano nang lahat.

Pababa na ang ferris wheel sa pagkaka-ikot at nanlaki ang mga mata ko at tila nanlambot ako nung makita ko si Caleb sa labas ng ferris wheel sa gitna ng maraming taong nagsasaya sa perya. Nakatingin lang siya sa ferris wheel at muntik nang magtama ang paningin namin ngunit muli nang umikot ang ferris wheel paakyat. Sinilip ko siya sa baba at nanghina ako nung biglang may humilang babae sa kanya palayo sa Ferris Wheel.

Si Kaye.

Napatulo ang luha ko at tinakpan ko ang bibig ko sa pagpipigil ng hikbi ko ngunit naramdaman ko na lang na may mga brasong yumakap sa akin.

"Anong problema?" tanong ni Felix.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na lang nang umiyak. Hindi ko sinagot ang tanong ni Felix.

Bakit sa dami-dami nang lugar, araw at pagkakataon, bakit kailangan ngayon pa?

Hanggang kailan ba ako masasaktan?

My Life's Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon