Chapter 20

197 5 7
                                    


Maggie's POV

"Maggie! Maggie!" dinig kong sabi ni Felix sa akin.

Mula nung huminto ang ferris wheel ay mabilis akong bumaba mula doon at tumakbo sa gitna ng nagkukumpulang mga tao. Tumutulo ang mga luha ko pero wala akong pakialam sa kung anong isipin ng iba. Patuloy naman si Felix sa paghabol sa akin.

Paikot ikot ang paningin ko sa paligid. Umaasang makikita si Caleb. Tila nanghihina ako.

Nakarating na ako sa part na kakaunti na lang ang mga tao pero hindi ko pa rin makita si Caleb. I tried calling his number pero cannot be reached.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay napaupo na lang ako sa isang bench at doon umiyak ng umiyak.

Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin at hinawakan ang mga mukha ko at pinaharap sa kanya.

"Anong problema?" tanong ni Felix na tila alalang alala sa akin.

Patuloy pa din sa pagpatak ang luha ko.

"I saw Caleb." sabi ko at kita ko ang gulat sa mga mata niya. "He was with Kaye."

Binitawan ni Felix ang mukha ko at hinawakan ang dalawang kamay ko na nakapatong sa lap ko. Lalo kong nailabas ang sakit ng nararamdaman ko.

"Hindi ko maintindihan Felix. Bakit ako pa? Bakit ako nanaman? Kailan ba matatapos to kasi pagod na pagod na ako sa mga nangyayari?"

Kita ko sa mukha ni Felix na naaawa siya sa akin. Sabagay, sino ba namang hindi? Kahit ako naaawa na sa sarili ko.

"Akala ko sa paglayo kong 'to, makakatulong sa akin at sa anak ko pero bakit parang mas nahihirapan ako? Bakit ang sakit sakit?"

Bumuntong hininga ako dahil ang bigat bigat na sa pakiramdam.

"Tang ina Felix. Hiyang hiya na ako sayo. Palagi mo akong nakikitang miserable." Pilit natatawang sabi ko. "Do you think I deserve this? Buong buhay ko pinilit kong maging mabuting tao, pinilit kong gawin lahat ng alam kong tama. Kahit ako na ang nasasaktan, kahit ako na ang nahihirapan. Nung iniwan ako ni Caleb, inintindi kong dahil yun sa kasalanan ng nanay ko. Nung iniwan mo din ako kasalanan din ng nanay ko ang dahilan mo." Napaiwas siya ng tingin at mas nalungkot sa sinabi ko. "Pero yung nangyayari ngayon, sa tingin mo involve pa din ang kasalanan ng nanay ko?"

"M-mags.."

Ngumisi ako at pilit pinapaluwag ang paghinga.

"Why do I have to be in pain? Bakit paulit ulit na lang? Bakit habang tumatagal mas nagiging kumplikado?"

Tinitigan ko siya.

"At ayokong malito Felix.. Dahil sa totoo lang hindi ko na alam kung ano ba tong mga nararamdaman ko sa inyo ni Caleb."

Tila natigilan siya sa sinabi ko. Hindi siya nagsalita. Para bang hinihintay niya kung ano ang mga sunod kong sasabihin.

"Hindi ko alam kung mahal pa rin kita.. Hindi ko alam kung sino ang mas mahal ko sa inyo. Mahal pa din ba kita dahil nararamdaman ko pa din yung sakit nung iniwan mo ako o sakit na lang yun dahil sa trauma na na-cause ng ginawa mo? Mahal ko ba talaga si Caleb o iniisip ko lang na mahal ko siya at pride ko lang ang nasasaktan dahil matapos niya akong hilahin pabalik sa buhay niya ay gagawin niya ito sa akin? Ang gulo diba? Even I, nacofonfuse. Hindi ko alam ang mga sagot kasi.." inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko at hinawakan ang dibdib ko.

"Parehas niyo akong napapasaya.. Parehas niyo din akong nasasaktan. Parehas akong takot mawala kayong dalawa sa buhay ko."

Nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya.

"Nung dumating ka kahapon nagagalit ako dahil ayokong dumating sa point na hanap hanapin kita at ayoko ding masaktan si Caleb. Ayokong mawala si Caleb, ayokong maagaw siya ng iba pero bakit parang hindi din kita kayang pakawalan?"

Tuluyan ng tumulo ang mga luha sa mata niya.

"Kaya anong karapatan kong magalit kay Caleb kung dalawa din kaming gusto niya? Eh in the first place, ganito ang nararamdaman ko."

Parang tanga na kaming nag-iiyakan dito.

"Ang selfish ko ba? Ang tanga ko ba? Ang two timer ko ba?"

Umiling iling naman siya sa sinabi ko at pinunasan ang luha ko. Hawak hawak niya ulit ang pisngi ko.

"You're not. Pilit mo kaming pinapalayo sa buhay mo pero kami tong lapit ng lapit. Pinili mo ang sarili mo this time pero mas nahihirapan ka dahil sa aming dalawa. Hindi ka selfish dahil kung ganun ka, noon palang.. Hindi mo ako tinalikuran nung mga panahong gusto kong bumalik sayo. Hindi mo pipiliin si Caleb kahit dala dala mo ang anak nyo sa sinapupunan mo kung selfish ka.. At babalik ka sakin kung mahal mo pa din ako. Maaaring naguguluhan ka dahil sa mga nangyayari pero ako mismo.. Nakikita ko kung sino talaga ang mahal mo. Isa lang ang mahal mo Maggie, and you have to find that out. Hanapin mo lahat ng sagot sa tanong mo. Kung naguguluhan ka, ayusin mo. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo." sabi niya at niyakap ako. "Pasensya na kung dahil sa amin nahihirapan ka. I promise you, I'll make you happy."

That night, hindi ko makalimutan ang mukha ni Caleb pero hindi ko din makalimutan ang mga sinabi ni Felix.

Kailangan kong hanapin ang mga sagot sa tanong ko. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang tunay na narardaman ko. Nakakatanga pero pipilitin kong masagot lahat.




A month passed since that happened. Felix and I had develop a very close bond as friends. Nothing more, nothing less.

Sobrang caring niya when it comes to me and my baby pero I know he's just doing his job.

Masaya ako na kasama si Felix and with that, I somehow forget na broken hearted ako because of what happened between me and Caleb. Pero di ko maitatanggi na iniisip ko kung kamusta na siya and kung anong nangyayari sa kanila ni Kaye. I tried calling him pero seems like he already changed his number. Pakiramdam ko, sinuko niya na ako. Pinipilit ko alisin sa utak ko ang ganung bagay since iniisip ko ang kalagayan ng baby ko.

Right now, wala pa ding sagot sa mga tanong na gumugulo sa utak ko.

"Good morning." Bati ni Felix sakin pagbaba ko ng kwarto.

I smiled at him and heto nanaman, sa tuwing tinitingnan ko siya mas lalo lang dumadami ang tanong ko. Mas lalo lang akong naguguluhan.

Hinawakan ko ang puso ko dahil habang tinititigan ko si Felix ay parang may nakakakiliting pakiramdam dito.

I don't know anymore.

Litong lito na talaga ako.

---------
Hi guys, sorry for the hiatus. Naging busy lang. Namiss ko magsulat.

Enjoy reading kung ma-enjoy nyo tong chapter na 'to. Hehe mejo lame eh. Sigi na.

My Life's Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon