Chapter 10

352 12 5
                                    

Maggie's POV

"W-what did you say?" sabi ni Caleb sa kausap niya sa phone at hindi ko maipaliwanag kung bakit tila gulat na gulat siya.

"O-okay Mom.."

Nakita ko kung paano bumagsak ang balikat niya nung ibaba niya ang tawag. Tsaka siya parang may tinext sa phone niya. Umupo siya sa tabi ko sa couch.

"L-love, I need to go. M-may aasikasuhin lang ako." nakita ko ang sunod sunod na pagpatak ng pawis niya.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko pero pilit siyang ngumiti.

"W-wala."

"Tell me. Anong problema?"

"Love, may problema lang sa kumpanya. I need to go. I'll see you later, okay?"

"S-sure."

Pero hindi ako na-convince sa sinabi niya. Pakiramdam ko may kakaibang nangyayari.

"I love you." he kissed me on my cheek and leave.

Nagmamadali siya.

Napansin ko na naiwan niya ang phone niya sa couch kaya lumabas ako to check kung nandoon pa siya pero wala na.

Nakita ko na may message sa phone niya mula sa taong nag-ngangalang Kaye. Binuksan ko iyon at nakita ko ang message ni Caleb sa kanya. Alam kong masama makialam pero may karapatan ako na malaman kung sino 'tong babaeng 'to.

Kaye

Kaye I need you
Let's meet

What happened?

Nasan ka
I'll tell you later
Just meet me at the same
place

Okay
Does your wife know?

Iyon ang huling reply nung babaeng nag-ngangalan na Kaye. I started to get irritated. Tumayo ako at lumabas ng bahay.

I know I have to trust him but, not now. Ayokong ibigay nanaman ang buong tiwala ko especially in this kind of situation. Different conclusions and assumptions are running through my mind right now. At ayokong manatiling ganun. I want a confirmation.

I drove my car and texted the girl using Caleb's phone. I asked her where she is. Wala pang isang minuto ay may reply na siya.

Kaye

Papunta na.

I'll change the place.
Let's meet at Cowell's grill

Okay. Wait for me.

Nakarating ako sa Cowell's grill at hinintay siya doon sa labas ng restaurant. Nagulat ako nung may babaeng dumating at gulat din siya na makita ako.

She was with Caleb earlier. The girl with a bouquet of flowers.

"Maggie?" she asked.

She even knows my name. What the heck?

"Yes I am."

"W-why are you here? Where's Caleb?"

Itinaas ko ang kamay ko at pinakita ang phone ni Caleb.

My Life's Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon