Chapter 12

346 10 7
                                    


Maggie's POV

Nagising ako nung maramdaman ko na may mga brasong nakapulupot sa katawan ko. Nabuhayan ako ng loob nung makita ko kung sino ang lalaking nakahiga ngayon sa tabi ko at nakayakap sa akin. Mahimbing siyang natutulog.

Tinitigan ko siya. Sobrang peaceful ng mukha niya. Tsaka ko naalala, ilang araw siyang hindi nagparamdam at nagpakita sa akin. Gusto kong magalit sa kanya pero ayokong sirain ang sitwasyon na 'to. Ang importante ay nandito na ulit siya.

Hinaplos ko ang buhok niya at nakangiting pinagmasdan siya.

"Atleast you came back."

Nagulat ako nang kaunti nung iminulat niya ang mga mata niya. He smiled at me at hinaplos niya ang pisngi ko.

"Na-miss kita." sabi niya at nginitian ko siya. "I'm sorry."

Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"No need to say sorry. Dito lang ako. Dito lang ako hanggang sa maging ready ka na sabihin sakin kung anong nangyari sayo."

Hinalikan niya ako sa noo at niyakap muli ng napakahigpit.

"Namiss ko kayo." sabi niya at hinaplos ang tiyan ko.




Bumalik na rin si Caleb sa school. Parang bumalik na rin siya sa dati. Yung awra niya ay naging gaya ng dati na chill lang at parang walang problema.

Sa ngayon, papunta ako ng canteen for lunch. Bibilhan ko na rin si Caleb nang isang pamilyar na tao ang nasalubong ko. Napahinto ako.

"Kaye.." sabi ko at napatingin siya sa akin. Hawak hawak niya ang dalawang sandwhich.

"Kaye!"

Napatingin ako sa tumawag sa kanya. Si Caleb.

"Kanina ka pa?" tanong ni Caleb sa kanya nang hindi man lang ako napapansin.

"Kakarating ko lang. I bought you a sandwhich." sabi ni Kaye at binigay ang isang sandwhich kay Caleb. "Maggie, are you okay?" tanong ni Kaye sa akin at gulat na napatingin sa akin si Caleb.

"Love.." Tawag niya sa akin at inakbayan ako.

Pilit akong ngumiti.

"What do you want for lunch? Come and join us." sabi ni Caleb sa akin at hinawakan ang kamay ko paupo sa isang table kasama si Kaye.

Kahit gusto kong paikutin ang mata ko sa inis ay pinigilan ko ang sarili ko. I have to be nice.

"Chicken with rice na lang sakin." sabi ko.

"Ikaw Kaye?"

Gusto ko bumusangot pero di ko magawa. Naiinis ako sa babaeng kasama namin.

"I'm okay with this." sabi niya at pinakita ang sandwhich na hawak niya.

"Wow diet." biro ni Caleb at nagtawanan sila.

"Magsasandwhich na lang din ako." sabi ko.

"Huh? Love, mabubusog ka ba niyan?"

"Anong tingin mo sa akin?" taas kilay na tanong ko. "Nabubusog ako sa sandwhich no." inis na sabi ko.

"Okay okay.." bigla siya yumuko at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Ayko lang magutom yung baby natin." sabi ko at napangiti ako. Tiningnan ko naman si Kaye at nakita ko ang pag-iba ng timpla ng mukha niya.

My Life's Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon