Chapter 9

374 13 5
                                    


Caleb's POV

Sabado.

Umuwi ako sa bahay.

Pagbaba ko palang ng sasakyan ay nakakarinig na ako ng mga tawanan mula sa pinto ng bahay.

"Good morning Sir Caleb." Bati ni Manang Fe.

"Good morning. Sino yung mga nandyan?"

"Si Sir Connie po at yung pamilya niya."

Tumango tango ako at pumasok na sa loob.

"Bro!" bungad ni Connie sa akin.

Nakita ko si Mommy at Daddy pati na rin ang asawa ni Connie. Buhat buhat ni Daddy ang isang baby at si Mommy naman buhat buhat ang isang batang babae. Alam kong sila ang anak ni Connie.

"Wow. You're here!" kunwaring gulat na sabi ko.

Pinakilala ako ni Connie sa mga anak at sa asawa niya. Nginitian ako ng seven months old na baby ni Connie kaya napangiti rin ako.

"Mukhang gusto niya sayo Bro." sabi ni Connie at kinuha niya mula kay Daddy yung baby at ibinigay sa akin.

"Ganito pala yung feeling ng may buhat na baby." tuwang tuwa na sabi ko.

Napaisip ako. Ganito rin kaya ka-cute ang magiging anak namin ni Maggie? Napapangiti na lang ako.

"Bagay sayo." sabi ni Mommy at napatingin ako sa kanya.

"She's really cute." sabi ko.

Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang about sa amin ni Maggie at tingin ko hindi na nila kailangang malaman pa.

"Mom, Dad. I think it's about time for me to leave the company." sabi ko sakanila at nakita ko ang pagkagulat nila. "I'll turnover everything to Connie."

Hindi sila sumagot. Tahimik lang silang nakikinig.

"Wag kayong mag-alala, wala akong kinuhang pera. I'll leave everything here. I already found a job. I'll begin a new life by myself."

Wala pa ring nagsalita sa kanila. I know it is awkward to talk right now. Nagsasaya ang lahat pero I think this is the right time to say this.

"So when are you leaving?" tanong ni Dad.

"Next month."



1 pm nung umalis ako ng bahay. Biglang nag-ring ang phone ko at napangiti ako nung makitang nag-appear ang pangalan ni Maggie sa screen.

"Hi love." sabi ko.

"Bakit ang tagal mo?"

"Ay namiss agad ako?" pang-aasar ko. "Tuloy ba ang unlimited?"

"Gago. Gusto ko lang sana samahan mo ako mag-grocery."

"I'm sorry love but I can't make it today. I have an appointment."

"O-oh. Okay sure. Ako na lang. Just call me if uuwi ka dito ah?"

"Oo naman."

Napangiti ako. Ang sweet sweet na ni Maggie sa akin. Feeling ko bumalik na talaga kami sa dati pero ngayon, mas intimate at mas masaya. Pakiramdam ko wala ng hahadlang sa amin at magiging masaya na kami habang buhay.

But right now, I need to meet someone.


Maggie's POV

Namimili ako dito sa grocery at lahat ng mga gusto ni Caleb ay nilalagay ko sa cart. I know he's tired from work and this is the only thing I can do for him. I want to be a good wife.

My Life's Biggest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon