New Version
KABANATA 36
Kumikinang ang mala-dugong kulay nitong mga mata.
Sa pagkasabik.
Ngunit pagkasabik saan?
Nanginginig ang kamay ni Alesana habang nakayuko sa tapat ni Mal. Bakas sa mukha nito ang takot, pangamba, at pagsisisi. Si Ayuza naman ay nakatingin lamang dito, nagmamasid ng tahimik.
Ito ang isang bersyon na ikinakatakot nilang makita. Lalo na't hindi sa lahat ng oras sa muli nitong pagpapakitang anyo, makikita ang mahaba-haba nitong sungay.
"Si-sinubukan k...kong pangalagaan ang katawan nyo. Ngunit hindi ko inaasahang ganoon ang mangyayari." Nangangatal na sabi ni Alesana. Napabuntong-hininga naman si Mal, habang patuloy na pinaglalaruan ang karayom na malapit dito na hindi malaman kung saan nanggaling.
"Dapat hindi mo sinubukan lang. Dapat pinanindigan mo. Hinayaan mo lang kami, hinayaan mo silang dalhin ang katawang ito sa ikakapahamak nito" Malamig nitong sagot.
Tumikhim si Ayuza, hindi na kinaya ang pananahimik. Hindi na rin maatim ang nakikita.
Lumapit ito sa tabi ni Alesana at nagbigay galang. "Pasensya na, Mahal na Reyna." Nakayuko nitong sambit.
"Nais kong hindi na maulit pa. Ayaw kong mapapahamak muli ang katawang ito." Pahayag ni Mal. Akala nila ay tapos na ngunit ikinagulat nila lalo ang idinuktong nitong pahayag.
"At nararamdaman ko din." Habang nakatitig sa dalawang kanyang napagutusan. "Ang isa pang katawang nakakonekta sa amin. The time is ticking, magagawa na din ang dapat magawa at mangyayari ang nakatakdang mangyari."
Ayuza's Point of ViewMabilis na nawalan ulit ng malay si Mal ng makausap namin ang isang kaluluwa na nasa loob nito. Nakahimlay.
Nagiisip.
Nagmamasid.
At naghihintay ng tamang panahon.
"Nakakatakot." Rinig kong bulong ni Alesana sa aking tabi. Tama nga naman. Hindi sa lahat ng oras, sa tuwing magpapakita iyon ay makikita namin ang napakahaba nyang sungay, na madalas naman nyang hindi ipinapakita. Unang beses ko iyong nasaksihan at masasabi kong,
Hindi nakakatuwa.
Nakakatakot iyon.
Napatingin ako kay Mal nang magmulat ulit ito ng kanyang mga mata.
"Ayuza." She mumbled. I sighed in relief. "Alesana, anong nangyari?" She innocently asked. Mabilis na lumapit si Alesana kay Mal at tila panganay kung umasta.
Panganay na sobrang protective sa bunsong kapatid.
Hindi ko mapaisip habang nakatitig sa kanya. Ano bang itinatagong sikreto ni Lolo at ni Ate?
Alam kong isa syang cursed child ngunit ang ipinagtataka ko. Alam ko rin ang kwento sa kanyang pagkatao, ngunit bakit tila kulang na mahahalagang detalye?
BINABASA MO ANG
My Twin Is A Demon Angel
ActionIhze Chaira Park - Sa simula palang, hindi na normal ang pamumuhay nya. She lives while danger sorrounds her. She is a Queen, and always be a Queen. No one can change the fact that she was born to be a Queen. And no one can replace her. Kahit na an...