Chapter 11 - Mr. Fortune Teller

3.2K 79 0
                                    

(New Version)

Chapter 11
Mr. Fortune Teller

Third Person's Point of View

Kasalukuyang nagwawalis si Dhelvin sa harapan ng maliit at simpleng bahay na kanyang tinitirahan sa bundok ng Kerofha. Isa sa mga bundok na mahiwaga na nasasakupan ng Pantheon Academy.

Nang bigla syang makarinig ng matinding pagsabog sa loob ng tahanan.

Dali-dali itong pumasok pero hindi pa man sya tuluyang nakakapasok sa dinning table ay may narinig na syang usapan, pinakiramdaman nya din ang paligid. Alam nyang hindi lang silang dalawa ni Tata Arotare ang nasa loob ng bahay.

"Ilabas mo ang libro ng propesiya!"

"Hindi lalabas ang libro ng propesiya kung ang isang katulad nyo ang magpapalabas non."

"Kaya nga ikaw ang pinagpapalabas namin!"

"At sa tingin nyo naman gagawin ko?"

"Tanda, baka nakakalimutan mong nasira namin ang barrier na ginagawa mong pangharang samin."

"Inaasahan ko na yan."

At maya-maya ay naramdaman na ang pagyaning ng lupa. Mabilis syang nagtago sa pagitan ng dalawang cabinet na may dilim.

Alam nya ang kapangyarihan na iyon, ang kapangyarihan ni Tata Arotare. Ang portal. Mahigpit syang humawak sa pagitan ng cabinet dahil sa isang malakas na enerhiya na tila hinihigop sya palabas ng kanyang pinagtataguan. At maya-maya ay nakarinig sya ng isang sigaw.

"PIGILAN NYO SYA!"

Hindi nya makita ang pagkakagulo ng mga nilalang na sumugod sa kanila sa labas. Pero rinig ang pagkakabasag ng ilang gamit. Ang pagsabog ng mga ilang potion na nagsama-sama at ang pagliwanag ng paligid dahil sa mga spells na nililikha ng matanda.

"Tama nga ang kasabihan. Na kapag tumatanda, humihina na din ang kapangyarihan."

Rinig ni Dhelvin ang usapan ng isang nilalang at ng kanyang Tata Arotare. Maya-maya ay biglang tumigil ang ingay.

"Hindi pwedeng mapasa-kamay mo ang propesiya."

Hindi marinig ang pangalawang tinig dahil ito ay napakahina. Tila isang bulong...

"Hinding hindi ko ibibigay sa inyo kahit kapalit pa ang buhay ko!"

Matatag na sabi ni Lord Arotare, habang pinapalibutan sya ng mga nilalalang na nakaitim nacloak.

Mula sa kumpulan ay humakbang pa-abante ang isang nilalang na nakacloak at ibinaba nito ang kanyang hood.

At iniluwa nito ang isang babaeng nakaputi at tila hindi nadadaluyan ng dugo ang kulay dahil sa kaputian nito.

Nanlilisik na mapulang matang tinitigan ng babae si Lord Arotare. At di rin nagtagal ay namula ang mata ni Lord Arotare at walang seremonyang bumuka ang bibig nito at nagpakawala ng isang kulay pulang usok.

My Twin Is A Demon AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon