Aislinn's PoV
Puno ng tanong ang utak ko habang tinitingnan ang sulat na ibinigay sa akin ng matandang babae.Iniwaksi ko sa isipan ko ang sulat na iyon at inilagay sa bulsa ko.Binuksan ko ang kasalukuyan kong binabasang libro na pinamagatang "WANTED BOYFRIEND".Ito ang pinakapaborito kong libro sa lahat, because this was the first book na nabili ko with my own money.And this was the first book where I fall inlove with the character.Yes, Im inlove with a character.A Fictional characte.Gwapo,matipono at matalino saan kapa?Wala kanang hahanapin pa.Kaso nga lang hindi siya totoo.He is just a fictional character.
Bigla akong nagulat ng pagbuklat ko ng pahina ng librong aking binabasa ay bigla kong nakita ang sulat na ibinulsa ko kanikanina lang.Dahil sa kuryosidad ay naisipan kong buksan ang sulat.
"Ipikit ang mga mata,buksan ang isip puso't diwa.Dahil ang bawat pahina ng libro ay mahalaga sa pagbuo ng ating kwento"Pagbasa ko sa nakasulat sa papel na ibinigay sa akin ng matandang babae kanina.Biglang may nakakasilaw na ilaw ang lumitaw sa librong aking binabasa.Ilang sandali ang lumipas nawala ang ilaw.Nanlaki ang mata ko ng makita ko SI-SI!-
"Logan?"hindi makapaniwala kong banggit sa lalaking nasa aking librong binabasa.
"Hi I'm Logan and Im your boyfriend"masaya niyang bati at kinindatan ako.
Ako si Aislinn Agasthi Sley Leight 18 years old.Ang nag iisang anak nina Sharia Sley at Miguel Leight.A Student in Mercurians University.Ang babaeng nerd at inlove sa mga pocketbooks.Ang babaeng lonely.Ang babaeng gustong mapag isa.Pero lahat nagbago ng biglang nabuhay ang lalaking mula sa libro.Ang lalaking hindi ko inaakalang magiging totoo.Ang lalaking mula lamang sa imahinasyon ng tao.Si Logan Psyche Myrtelle,ang lalaking mula sa libro na nagpatibok ng aking puso.
©introvert_wizard
Published:OCT. 23,2019
Re-editing:March 07 2021
PS. Even though this is an edited version their might still be errors. Kindly tell me if there are still errors by commenting. Lovelots */sending virtual hearts and hugs
▪Follow my other Social Media Accounts:
FB:Timothy Jeon
TWT: @timothyjeon23
Other Wattpad Account: introvert_wizard
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]
Fantasy✏My Boyfriend is a Fictional Character[Second Installment of Heiress Series] ✒Si Aisllin Agasthi Sley Leight ay anak ni Sharia Sley Leight at Miguel Sley Leight na isa sa mga nagmamay ari ng Sley Empire. Siya ay mahilig sa pagbabasa ng kahit anong l...