"Ang Kwento ni Anastasia (Part II)"
Third Person Point of View
Naging tanyag si Anastasia sa buong kaharian ng Terra.Inatasan ng mga Conselio de Majika[1] si Anastasia bilang pinuno ng Guardia De Fantasia[2].Ang mga Guardia De Fantasia ang nakatalaga upang pangalagaan ang mga vilamajika at panatiliin ang kapayapaan sa Kaharian ng Terra.
Isang araw naglilibot sina Anastasia at ang iba pang Guardia de Fantasia sa Gubat Tebris[3].Isang hindi kapanipaniwalang pangyayari ang naganap.Gamit ang kaniyang punyal iwinawasiwas ni Anastasia ang mga punong humaharang sa dinadaanan niya.Nasa Gubat Tebris siya ngayon ang pinakadelikadong kagubatan sa buong Fantasia.Madalas itong paglagian ng mga tulisan at mga banditong tikbalang.
Ang Gubat Tebris ang siyang naghihiwalay sa kaharian ng Terra Fantasia at kaharian ng MalusFidem.Ang MalusFidem ay isa sa limang kaharian sa Fantasia,ito ang itinuturing sentro ng Fantasia.Isa sa pinakatanyag at ang tanging paaralan sa Salidaria ay makikita sa Malusfidem ito ang Academia El Mahika[4].
"Aaaaahhhhhh!!!!" Napahinto si Anastasia sa sigaw na umalingawngaw sa buong kagubatan.Agad niyang hinanap ang pinanggagalingan ng ingay.Sa kaniyang paghahanap napadpad siya sa Batis ng Buhay.Nagulat siya ng may makita siyang isang mortal na namimilipit sa sakit.May isang panang nakabaon sa dibdib ng lalaking mortal.Nakaluhod ang lalaki sa buhangin at sumisigaw sa sobrang sakit na nadadama niya.
Dahan dahang lumapit si Anastasia sa mortal.Agad na napaatras ang mortal nang makita niya si Anastasia.Itinutok ni Anastasia ang kaniyang punyal sa lalaking mortal.Maaninag sa mukha ng mortal ang hirap na dinadanas nito.Hindi maikakailang may taglay na kagwapuhan at kakisigan ang lalaking mortal.Hindi naiwasang humanga ni Anastasia sa lalaki.Wala sa sariling ibinaba niya ang kaniyang punyal.Nagulat ang lalaki ng lumapit sa kaniya si Anastasia at hinawakan ang panang nakabaon sa kaniyang dibdib.
"Aahhhhhhhh!!!" Halos mawalan ng boses na sigaw ng lalaki nang biglang hugutin ni Anastasia ang panang nakabaon sa dibdib nito.Namimilit sa sakit ang binata kaya dali daling naglabas ng bote si Anastasia na naglalaman ng tubig mula sa Batis ng Buhay.Walang pagaalinlangang ibinuhos ni Anastasia ang mahiwagang tubig mula sa Batis ng buhay sa sugat ng mortal habang nagbibigkas ng isang engkantasyon.
Ilang segundo lang ang lumipas naghilom ang sugat sa dibdib ng lalaki.Gulat na gulat ang lalaki sa nasaksihan,paulit ulit niya pang kinakapa ang kaniyang dibdib para maramdaman kong may sugat pa siya.
"Salamat" nahihiyang sambit ng lalaking mortal.Nagliwanag ang paningin nito ng hubarin ni Anastasia ang kaniyang takip sa ulo.Lumitaw ang nakakabighaning ganda ng dalaga.Tila napako ang mata ng binata sa dalagang si Anastasia.
"Anong pangalan mo?" pautal utal na lintaya ng binata
"Anastasia" nakangiting sambit ni Anastasia na mas lalong nagpabighani sa puso ng binata.Dinala ni Anastasia nang palihim ang lalaking mortal sa kaniyang tirahan sa bayan ng El Flores[5],isa sa mga bayan ng Terra.
Nagkakilala si Anastasia at ang binatang mortal na kalaunan ay nagpakilalang bilang si Eduardo.Doon sa bahay ni Anastasia nagpagaling ang binatang mortal.Lumipas ang maraming araw at nagkagustuhan ang dalawa.Ramdam na ramdam ang kanilang pagmamahalan,ñ ngunit wala ni isa sa kanila ang umaamin lalo na si Anastasia na alam ang maaaring kahinatnan kung magkataong magtapat siya ng pag ibig o kung magtapat man ang mortal sa kanya.
Labag sa batas ng Salidaria ang pakikipagrelasyon sa isang mortal.Magugulo ang balanse ng mundo pag pormal nilang ipahayag ang kanilang nararamdaman.Ngunit walang sekretong maitatago sa Salidaria.Lahat nabubunyag!
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]
Fantasy✏My Boyfriend is a Fictional Character[Second Installment of Heiress Series] ✒Si Aisllin Agasthi Sley Leight ay anak ni Sharia Sley Leight at Miguel Sley Leight na isa sa mga nagmamay ari ng Sley Empire. Siya ay mahilig sa pagbabasa ng kahit anong l...