Aislinn's PoV
/March 15/
Parang huminto ang mundo nang mapagtanto kong maaaring maglaho si Logan.Hindi pwedeng mangyari iyon dahil maraming makakakita.Kaya dali dali akong bumaba pero huli na ang lahat dahil nahulog ito nang NAKASARA!
Pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko at biglang--
Biglang--
Biglang linamon ng kadaliman ang buong gym mukhang nagbrownout.Hindi ko na iyon pinansin at mabilis kong hinanap ang kinalalagyan ng libro kahit alam kong mahihirapan ako dahil halos wala na akong maaninag.Gusto kong umiyak dahil sa labis na kaba at takot na aking nararamdaman.Kinapa ko ang parte kung saan ko huling nakita si Logan bago pa mahulog yung libro pero wala akong nakapa.
"Aray!" inis kong sigaw ng may tumapak sa kamay ko.
Tumayo ako at saktong umilaw ang buong gym.Napatingin din ako sa taong naka apak ng paa ko na walang iba kundi si Maria.Nanlaki ang mata ko nang makitang may hawak siyang libro kaya dali dali ko itong inagaw at itinago sa likod ko.
"Are you insane Aislinn!Give me back my book!" bulyaw niya sa akin na nagpainit ng ulo ko.
"Kapal mo rin ha.Anong book mo?Book ko!Libro ko ito!" pabulyaw kong sambit habang iginigiit parin na sa akin yung librong hawak ko.
"Wow!Ako pa.Ako pa talaga!Naku Aislinn wag kang magmalaki na isa kang Sley dahil kayang kaya kitang patulan!" buong tapang niyang lintaya sa akin at halata sa mga mata at sa mukha niya ang inis.
"Then do it!" matapang kong sagot at pinantayan ang tangkad niya.
"Wag kang mag inarteng maganda.Hindi porket ikaw yung Prom Queen ngayon lalaki na yang ulo mo.Im still the Queen!Me!MARIA LYCON!" pagdidiin niya sa pangalan niya.
"Queen mo mukha mo!Uulitin ko akin tong librong ito at hindi sa iyo!"pagdidiinan ko at hinarap sa kanya ang libro para mapagtanto niyang akin nga ang librong ito.
"Anong sayo!Akin nga!" sabi niya ng makita ang libro at dali daling inagaw iyon sa akin.
"Ano ba ibalik mo yan!"singhal ko.Pag ako hindi makapagpigil sa babaeng ito.Isusungalngal ko sa bibig niya yung libro.
"Tingnan mo oh!Pangalan ko.Pretty Maria yung nakasulat.Hindi ugly Aislinn.Huwag bulag!" pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa nang makita ko ang pangalan niya sa likod ng cover page ng libro.Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko ng mapagtantong hindi iyon ang libro kong Wanted Boyfriend.
"Pretty?Demonyetang Maria kamo.Edi sorry." napipilitan kong paghingi ng tawad sa kanya.
"Sorry your a$$!" bulyaw niya sa akin kaya napataas nalang yung kilay ko.
Biglang dumilim ulit ang buong gym at sa isang banda lang may ilaw.Ang lahat ng tao ay napatingin doon sa may nakailaw.Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Logan.He was in the center of the crowd standing in a platform a meter above the floor.He was holding a mic.
"Do you love the rain? Does it make you dance
When you're drunk with your friends at a party?
What's your favorite song? Does it make you smile?
Do you think of me?
When you close your eyes
Tell me what are ya dreaming?
Everything, I wanna know it all" sa unang verse palang ng kanta niya alam kong 10,000 hours na iyon nina Justine Bieber,Dan and Shay.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]
Фэнтези✏My Boyfriend is a Fictional Character[Second Installment of Heiress Series] ✒Si Aisllin Agasthi Sley Leight ay anak ni Sharia Sley Leight at Miguel Sley Leight na isa sa mga nagmamay ari ng Sley Empire. Siya ay mahilig sa pagbabasa ng kahit anong l...