"Ikalabing-apat na Pahina"

202 10 0
                                    

"Ang Kwento ni Anastasia"

Third Person Point of View

Sa kaharian ng Terra,may isang Vilamajika ang biglang lumitaw.Naging tanyag ang vilamajikang ito hindi lang sa Terra kundi sa buong mundo ng Fantasia.Naging kilala siya dahil sa angkin niyang kagalingan at kabutihan.Siya ay si Anastasia.

Walang nakakaalam kung saan nagmula o ano ang pinanggalingan ni Anastasia.Naiiba rin siya sa ibang vilamajika dahil wala siyang simbolo na magpapatunay na siya ay nakatira sa kaharian ng Terra.Ibang-iba ang anyo nito sa mga vilamajikang nakatira sa Terra Fantasia.

~Mercado El Terra~
(Palengke)

Nagkagulo ang lahat ng tao sa Mercado El Terra ng may isang tulisan ang nanggugulo.Hinablot ng tulisan ang isang batang vilamajika na kanina lang ay masayang naglalaro.Nangingitim ang mata ng tulisan at may hawak itong matutulis na punyal.Bali ang isang pakpak niya habang gutay gutay naman ang isa.May putol na baging na makikitang nakagapos sa kaliwa niyang paa.May mga bakas ng dugo sa damit niyang kupas at sa pantalon niyang butas-butas

"Mi Niño!"(my child!) sigaw ng ina ng vilamajikang bata na ngayon ay nasa bingit ng kapahamakan.

"Umatras kayo kundi kikitilin ko ang buhay ng batang ito!" Iwinasiwas ng tulisan ang kaniyang punyal sa mga Guardia De Fantasia na sinusubukang kunin ang batang vilamajika.

"No mates a mi hijo!"(Don't kill my child) pagmamakaawa ng ina.

"Detener!Naririndi ako sa boses mo!" (Stop!) inis na bulyaw ng tulisan kaya tinakpan ng inang vilamajika ang kaniyang bibig upang hindi marinig ng tulisan ang kaniyang mga hikbi.Daan daang luha ang umaagos sa mata ng nag-aalalang ina.Ang mga luhang ito ay unti unting nagiging kristal pagkalaglag sa lupa.

"Bigyan niyo ako ng poción curativa"(Healing potion) sambit ng tulisan at nginisihan ang nga vilamajikang gulat na gulat sa narinig nila.

"Pero ang kastilyo lamang ang mayroong poción curativa!" (Healing potion) takot na sambit ng ina na hindi na natigil sa paghagulgul.

"Wala akong pakialam!Kung hindi niyo ibibigay ang poción curativa mamatay ang batang ito!" sabi ng tulisan at itinusok ang punyal sa palad ng bata.

"Araaayyyy!" mangiyakngiyak na sigaw ng batang vilamajika nang sugatan siya ng tulisan sa palad.Kasabay ng pagsugat sa palad niya ay ang paglitaw ng maganda niyang pakpak.Nanlaki ang mga mata ng vilamajikang nandoon ng makita nila ang paglitaw ng pakpak ng bata.May mga nagsigawan dahil sa takot.Habang ang kahabaghabag na ina ay napaluhod sa sobrang takot na baka masaktan ang kanyang anak.

"Mi niño!Detener!!!Mi niño!!! no mates a mi hijo!!!Detener!"(My child!Stop!My child!Don't kill my child!Stop!) Halos mahimatay na ang ina ng kawawang bata sa sobrang paghikbi nito at sa sobrang takot na nararamdaman niya.Walang magawa ang ibang vilamajikang nandoon kundi tingnan nalang ang nangyayari.Para namang naestatwa ang mga Guardia de Fantasia dahil wala silang magawa.

"Ano!?Hindi niyo talaga ibibigay!?" Kasabay ng nakakatakot na pagsigaw ng tulisan ay ang pagpunit niya sa pakpak ng batang vilamajika.Biglang natumba ang inang vilamajika sa sobrang gulat.Isang nakakakilabot na ingay ang bumalot sa Mercado El Terra.Dahil sa ingay na iyon ay naudlot ang pagpunit sa pakpak ng bata.

My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon