"Ikatatlumpung Pahina"

205 7 0
                                    

Aislinn's PoV

"VODA FE FANTASTIA" sigaw ng mga gwardiya at katulong ng lumitaw ang isang magandang babae. Halata sa suot nito na isa siyang makapangyarihang nilalang.

"Tahan na" bulong ko kay Vangie na ngayon ay umiiyak at nababalot ng takot.

Biglang may malakas na enerhiyang humatak sa akin at nagulat ako nang hawak na ako sa leeg ng Voda Fe Fantasia. Sa pagkakaalala ko siya ang diyos ng mga nilalang dito sa Terra. Napaluha ako dahil sa higpit nang pagkakahawak niya sa leeg ko.

"Ano ang iyong nais bakit kayo nandito?" sambit ng isang tinig sa isipan ko. Tumingin ako sa mukha ng Voda Fe Fantasia at napansin ko ang nagliliwanag niyang mata. Wari ba'y kinakausap ako ng liwanag na iyon.

"Bakit ka nandito? Sumagot ka!" muling may nagsalita sa utak ko pero hindi ko talaga alam kung sino ito. Ang Voda Fe Fantasia ba ito?

"Hindi mo sasabihin kung  bakit kayo andito! Gusto mong bawian ko ng buhay ang mortal na ito" nagngingitngit sa galit na sambit ng boses sa utak ko. Biglang umangat si Vangie sa ere kasabay nang pagkakasabi niya. Parang may sumasakal kay Vangie dahil nakikita ko kung paano siya nahihirapan.

"Sasabihin kona" bulalas ko sa isipan ko. Nasilayan ko ang nakakatakot na ngisi na nabuo sa mukha ng Voda Fe Fantasia na ngayon ay nasa harapan ko.

"Sabihin mo!" doon kolang napagtantong ang tinig na nakakausap ko sa utak ko ay walang iba kundi ang Voda Fe Fantasia.

"May kailangan kaming iligtas. Kailangan namin makuha ang Potión de la vida---Para sa---Para sa taong mahal ko." nagmamakaawa kong sambit. Mangiyak ngiyak na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa mahigpit na pagkakasakal niya sakin.

"At sa tingin niyo ibibigay ko iyon!?" sigaw niya. Isang malakas na pwersa ang bumangga sa katawan ko dahilan para tumilapon ako. Nabangga ako sa mga kabinet na kinalalagyan ng mga potion at dumaosdos pababa. Nakaramdam ako ng sobrang sakit, nakita ko kung paano magwala si Jhon Rey.

"Bitawan niyo ako! Huwag niyo siyang sasaktan!" pagmamakaawa niya. Agad siyang binugbog ng mga gwardiya.  Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita kong namimilipit sa sakit si Vangie. Nakita korin na may mga sugat siya sa kaniyang katawan. Gumapang ako papalapit sa kaniya. Hindi ko maigalaw ang paa ko kahit anong pilit kong igalaw ito. Ang pakiramdam ko ay nabaldado ako. Ito na ba ang katapusan namin? Lalong lumakas ang kabog ng puso ko nang makita kong papalapit sa amin ni Vangie ang Voda Fe Fantasia.

"Katapusan niyo na!" bulalas nito. Nagpalabas siya nang sobrang lakas na enerhiyang bumalot sa buong silid. Napapikit nalang ako inaalala ang mga masasayang pangyayari na nangyari sa pamilya ko. Naalala ko kung paano kami nagkakilala ni Logan. Kung paano ako nahulog sa kanya. Napangiti nalang ako nang mapait. "Sorry Ma,Sorry Pa" sambit ko sa aking isipan. Atleast kung mamatay ako maaring makita ko si Logan. Napatawa nalang ako may kaluluwa ba ang isang fictional character? Akala ko katapusan na namin. Nang minulat ko ang mata ko, nagulat ako nang biglang nagiba ang anyo ng Voda Fe Fantasia.

"Anastasia" gulat na sambit ko.

Oo, nagbago ang anyo ng Voda Fe Fantasia at siya ay naging si Anastasia.Naguguluhan ako---so ibig bang sabihin---Kalaban si Anastasia?Sumilay ang matamis na ngiti sa mukha ni Anastasia at lumapit sa amin. Hinaplos niya ang mukha ko.

"Tapos na ang paghihirap mo. Makakapiling muna ang nilalang na pinakamamahal mo" ani niya. May hindi kapanipaniwalang enerhiya ang dumaloy sa buong katawan ko. Nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Naghilom ang lahat ng sugat ko. Naayos rin ang mga sira sa buong silid. Dahan dahan akong tumayo. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga nilalang na nasa silid. Tiningnan ko si Anastasia at may luhang pumatak mula sa mata ko. Niyakap ko siya nang mahigpit. Doon na ako humagulgol sa balikat niya.

My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon