Aislinn's PoV
/March 20/
"I'm sorry squishcake" paghingi ng patawad ni Logan. Kanina ko pa kasi siya hindi pinapansin kasi naiinis ako.Ang sarap kasing kutusin panay ngiti sa mga babaeng nagpapakyut sa kanya.
"Tumahimik ka Logan kung ayaw mong mainis ako sayo!" inis kong bulyaw sa kanya.
Nandito kami ngayon sa may park ng MU yung maliit na park na minsan lang daanan ng mga tao.Ito yung park na may big heart,naikwento ito sa akin ni Tita Althea.Dito daw sa park na ito siya tumambay nung unang Pre-Senior Ball niya.Sabi pa nga ni tita sa akin ay sobrang dami nang nagbago sa park na ito.May tatlong park yung MU they are named after the three successor of MU.The name of the three park are Trisha's Park,Sharia's Park and Althea's Park.
"You're obviously angry" makahulugan niyang sambit.Nag init ang ulo ko dahil sa pangungulit niya kaya ipinagpatuloy ko ang pag iwas sa kanya.Alam kong maluhaluha na siya ngayon.Ayaw niya kasing nag aaway kami.Lalo na at ang tingin niya sa akin ay tunay niyang girlfriend.Kagaaya ito ng character niya sa Wanted Boyfriend.Misyon niya ay paibigin ang babaeng bumili sa kanya.
"Isa!Alis kana!" I need to be strong right now.Ayoko magpadala sa paawa effect niya.Naiinis kasi talaga ako dahil hindi lang naman yung pag ngiti niya yung kinaiinisan ko.Pinatahan pa niya si Maria na umiiyak kanina.Halata namang hindi totoo yung iyak ng babaeitang iyon.Nagpapansin lang yun kay Logan.Bakit pa kasi kailangan niyang tulungan yung babaeng kaaway ko?Alam naman niyang hindi maganda ang relasyon naming dalawa ni Maria.
"I won't leave until you forgive me" pagpupumilit niya.Niyakap niya ako pero inilayo ko siya at ipinagpatuloy ang hindi pagpansin sa kanya.
"Don't ask for forgiveness if you didn't do anything" ani ko at tiningnan siya sa mata na may blangkong ekspresyon.The moment our gaze laid on each other,I see through his eyes the sadness.I suddenly had the urge to hug him and tell him that I'm okay.That it's okay.That everything will be okay.
"If I really didn't do anything to make you angry then why act like this?" Halata sa boses niya ang lungkot.
"I'm just tired" sambit ko sa kanya habang di parin nagbabago ang blangko kong ekspresyon.
"Tired because of me" bigla akong natamaan sa sinabi niya. Hindi dahil napapagod ako sa kanya kundi dahil nasasaktan ako.Naapektuhan ako ng marinig ko ang tono ng pananalita niya na puno ng kalungkutan.Pero ewan nauunahan ako ng galit!Naiinis ako--Nagseselos!
"Yes,because of you!You're annoying!So please get out of my sight!" Napapikit ako habang sinasabi ko ang mga yun.
"Okay" walang emosyon ang mukha niya nang sabihin niya iyon.Sa kabila nun ay ramdam na ramdam ko ang lungkot sa salitang binitawan niya.Napapikit nalang ako nang kumirot ang puso ko.Pagdilat ko ay tila nawala nalang si Logan na parang bula.Napatingin ako sa may bench na kinauupuan ko.Nagulat ako ng bigla ko ulit makita ang libro ng Wanted Boyfriend.Pero akala ko ba nasa kamay na ito ni Logan.
Tatayo na sana ako nang biglang may isang paruparung dumapo sa halamang nasa gitna ng park.Bigla itong nagbago ng anyo at napaawang ang bibig ko nang maaninag na ang mukha ng babae.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]
Fantasy✏My Boyfriend is a Fictional Character[Second Installment of Heiress Series] ✒Si Aisllin Agasthi Sley Leight ay anak ni Sharia Sley Leight at Miguel Sley Leight na isa sa mga nagmamay ari ng Sley Empire. Siya ay mahilig sa pagbabasa ng kahit anong l...