"Ika-dalawampu't dalawang Pahina"

152 6 0
                                    

Aislinn's PoV

Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong napapaligiran ako ng kadiliman.Wala akong makita ni isang bagay.Sinubukan kong ilibot ang paningin ko ngunit wala parin akong makita.Isang nakakasilaw na liwanag ang lumitaw sa taas.Napatakip ako ng mata.Ilang minuto ang lumipas nakita ko si Logan.Dali dali akong tumakbo papalapit sa kaniya.Nang ilang metro nalang ang pagitan ko sa kaniya huminto ako.

Wala akong makitang emosyon sa kaniyang mukha.Dumaloy ang nakakapanindig balahibong takot sa buong katawan ko.Tila napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw.

"Logan" mahina kong sambit sa pangalan niya ngunit wala paring emosyon ang gumuhit sa mukha niya.

"I'm sorry.Sorry sa lahat ng sinabi ko.Ako ang may kasalanan.I'm really sorry" paghingi ko ng tawad sa kaniya.Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi niya.Bigla akong nabuhayan ng makita ko siyang ngumiti.Excited akong lumapit sa kanya pero singbilis ng kidlat ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon.Nakita kong isa isang naglalaho ang parte ng katawan niya.May isang liwanag na lumitaw sa taas at lumulutang sa liwanag na iyon ang libro ng WANTED BOYFRIEND.Tila hinihigop ng librong iyon ang buong katawan ni Logan.Biglang tumulo ang mga luha sa mata ko at nanginig ang buo kong katawan.


"Logan, huwag mo akong iwan!" pagmamakaawa ko.Napaluhod ako sa sobrang panghihina ng tuhod ko.Isa isa nang kinukuha ng libro ang katawan ni Logan.

"Wake up.Baby wake up!" Naimulat ko ang mata ko ng maramdaman kong may yumuyugyog.Panaginip lang pala ang lahat ng iyon.Napayayakap ako sa taong gumising sa akin.

"Thank you Logan!Thank you that you're here with me again.Thank you that you came back." sambit ko habang niyayakap siya ng mahigpit.

"Baby who's Logan?" inilayo ako ng lalaking gumising sa akin sa pagkakayakap.Kinusot kusot ko ang mata ko at napaawang ang bibig ko nang makita ko si Papa.Niyakap ko siya ulit ng mahigpit.

"I'm glad your back papa!" masigla kong ani habang yakap yakap siya.Inilayo ko ang sarili ko at napatingin kay Papa.Sumilay sa kaniyang labi ang mapang asar na ngiti.

"So who's Logan?" pang aasar niya.Bigla namang namula ang pisngi ko.Naalala ko tuloy si Logan.It's been a week nang dumating sina mama dito.It's been a week since nawala si Logan.Ngunit, ang pinagtataka ko ay nasa akin parin ang libro.And it's in Chapter 34,hindi pa tapos ang libro.Sa pagkakaalam ko kasi hanggang magchapter 35 pa kami magkakasama ni Logan.Pero isang linggo na ang lumipas walang Logan at walang Anastasia na nagpaparamdam sa akin.Hindi ko magawang hindi malungkot.I admit it, sobrang attach na ako kay Logan.And it breaks my heart knowing na wala na siya---na hindi kona siya kasama.

"Anong oras na Aislinn mahuhuli kana sa camping niyo!" natawa kami ni Papa ng marinig namin ang boses ni Mama mula sa baba.

"Bumaba kana bago kapa sermonan ng Mama mo" natatawang sambit ni Papa dahilan para mapangisi ako.We did our secret handshake bago ako naligo at siya naman ay bumaba na.

Pagkatapos ko magbihis ng uniporme ko, dali dali akong bumaba at umupo sa hapagkainan.Nasa harapan ko si Mama,katabi niya naman si Manang.

"Naku Ma!May jowa na ata itong anak natin" singit ni Papa sa usapan namin

"Anong sinasabi ng papa mo?" nakataas ang kilay na tanong ni Mama.

"Naku Ma wala iyon" kinakabahan kong ani at mabilis na pinahiran ang aking pawis.

My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon