"Ikalawang Pahina"

408 21 0
                                    

/Kaharian ng Terra/

Ang kaharian ng Terra ay isa sa mga kaharian sa Mundo ng Fantasia.Ang mga nakatira sa Kaharian ng Terra ay tinatawag na Vilamajika.Ang mga Vilamajika ay mga nilalang na may anyong tao ngunit may mga pakpak.Sila rin ay nagtataglay ng ibat ibang kapangyarihan.Ang kanilang kaharian ay pinamumunuan ng isang magaling at makapangyarihang nilalang na tinatawag nilang VodaFe Fantasia.Minsan lang ito magpakita sa kanila,ngunit pagkatapos ng ilang siglo bumalik siya sa Terra Fantasia para sa isang pangyayaring nagpabago sa takbo ng mundo ng Fantasia.Nagulo ang balanse ng mundo!

~*~

/Mercurians University/

/Febuary 24/

Aislinn PoV

Nasa canteen ako ngayon at umupo ako sa table na malapit sa pintuan.Nakabusangot ako habang hinihintay si Jhon Rey  na nasa practice pa dahil sa malapit na Championship game nila.Pinaglalaruan ko ang pagkain ko ng biglang may tatlong taong pinalibutan ako.Iniangat ko ang aking ulo at tiningnan sila ng walang emosyon na makikita sa aking aking mukha.Tinitingnan ko sila yung tipong sinasabi ko na wala akong ganang makinig sa ano mang sasabihin nila.

"Can we sit here?"tanong sakin ni Maria habang nginingitian ako na halata namang plastic.Diko nalang siya sinagot dahil nakaupo na naman sila.Ano pa sense ng pagtatanong niya diba?Napairap nalang ako sa isipan ko.Yumuko nalang ako at binaling nalang sa pagkain ang atensyon ko.

"Alam niyo ba girls may nasagap ako!"sabi ni Maria na halatang gusto niyang makinig ako sa sasabihin niya.

"Ano yun?"excited na tanong ni Myrione

"May kaibigan yung kaibigan ko then she told me na yung kaibigan niya anak ng isang cheap secret agent.Tas yung mother naman nung kaibigan niya ay dating mahirap feel nga ng kaibigan ko eh kinupkop lang yung mother ng kaibigan niya tas pinaretoke para ara daw kasi magkakamukha sila.How Pathetic!"biglang nagpintig ang tenga ko sa sinabi ni Maria.

"Ano bang problema mo ha!"inis kong sigaw kay Maria dahilan para magtinginan ang nasa canteen sa banda namin.

"Ikaw anong problema mo?Naguusap lang kami dito then para kang baliw diyan na galit na galit"pang aasar niya dahilan para mas makaramdam ako ng labis na inis.

"Wag mokong gaguhin Maria.Di ako tanga!Alam kong pamilya ko yung tinutukoy mo!"inis kong sigaw at nilapitan siya,tumayo naman siya sa pag kaka upo para pantayan ako.

"So?May problema ka totoo naman yun.Right girls?"sabi niya at tumawa naman yung dalawa niyang alagad.

"Well may ikwekwento rin ako sayo Alam mo ba yung kaibigan mo tinulungan lang siya ng pamilya ng kaibigan niya.Pinag aral lang ng kaibigan niya yung ama ng kaibigan mo.Diba ang pathetic rin ng kaibigan mo!Ang lakas pa mang lait ng kaibigan mo sa kaibigan niya diba.WALANG UTANG NA LOOB!"napangisi ako sa kanya dahilan para magbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Papa koba yung sinasabi mo?"tanong niya,halata sa mukha niyang galit na galit na siya dahil namumula na ito.

"So?May problema ka?Totoo naman yun diba?"sabi ko at ginaya yung tono ng pananalita niya.

"I hate you!"sigaw niya at sinabunutan ako.Napa aray ako sa sobrang sakit ng pananabunot niya.Naku,Nagtitimpi lang ako sa babaeng to.Marahas kong tinanggal yung kamay niya sa pagkakahawak sa buhok ko.Inilayo siya sa akin ng dalawa niyang alagad.

"Triggered ka!"sabi ko at tumawa nang nakakainis dahilan para mas lalo siyang mainis sa akin.

"Dont touch me"inis niyang sigaw sa dalawang kaibigan niyang umaawat sa kanya.Binitawan naman siya ng mga kaibigan niya at dali dali siyang tumakbo papunta sa akin at sinabunutan ako.

Walang pag aatubiling sinabunutan ko rin siya.Napahiga kami sa sahig habang nagsasabunutan.Nang bumitaw siya sa akin kinuha ko yung ketchup na nakapatong sa isang table at pinisil ito sa mukha ni Maria.

Narinig ko ang malakas na tawanan ng mga estudyante ng gawin ko yun.Marahas niyang tinanggal yung ketchup sa mukha niya.Kinuha niya naman yung mayonnaise sa isang table at pinisil ito sa akin pero dali dali akong tumakbo.

Binelatan ko naman siya dahil hindi niya ako natamaan.Para kaming nagpapatentero.Ilang beses niyang sinubukang tamaan ako pero hindi niya ito magawa hanggang sa parang nagpalit na yung posisyon namin.Malapit na ako sa may pinto at pinisil ko yung ketchup na hawak ko.

Ayown sapol na naman.Napangisi ako.Ang sama kona ba?Wala akong pake nag eenjoy ako.Mabuti nalang di pa nalalaglag yung eyeglass ko kasi kung nagkataon di ako makaka-aninag ng maayos.

Marahas niyang pinisil ang mayonnaise na hawak niya kaya napayuko ako.Pag angat ko ng ulo ko nakita kong naka awang ang mga mukha nila at nanlalaki ang mga mata nila.Napatingin ako sa likuran ko.

"Tito!?"nanlaki ang mata ko ng makita ko si Tito Prince na nakatayo sa likod ko at may mayonnaise sa mukha.

~*~

"Your parents will know about this!"nasa principal's office kami ngayon ni Maria.Nakayuko ako habang sinesermunan kami ni Tito Prince.I know anytime now pupunta na dito si Mama.I dont know kung anong mararamdaman ko.First time kasing pumunta ni mama dito sa university at ang mas masaya pa sa principal's office ang punta niya.Ang saya lang!

Ilang minuto ang lumipas at bumukas ang pinto.Iniluwa nito si mama na kita sa mukha nito ang galit.Bigla tuloy akong kinabahan.

"Agatshi follow me!"ma otoridad na saad ni mama.Mas kinabahan ako dahil hindi niya ako tinatawag sa pangalawang pangalan ko.

Sinundan ko si mama at pumunta kami sa Sley Room ng University.Hindi siya lumilingon sa akin hanggang makapunta kami roon.Binuksan niya ang pinto ng Sley room at bumungad sa akin ang mga portrait ng mga ancestors namin.

"Do you know what's the common thing about them?"tanong ni mama sa akin habang tinitingnan ang mga portrait sa wall.

Napaisip ako sa isasagot ko sa tanong niya.Tiningnan ko ang mga portrait na nasa harap ko.Parang wala naman?

"The common thing about them is they are all successful why?Because they know how to control their selves"sabi ni Mama at humarap sakin tsaka ako tiningnan ng makahulugan.

"They know when to act violently and when not to.Do you think you did the same thing to what they did?"diko alam pero parang gusto kong umiyak.Oo,madalas ako pagalitan ni Mama pero iba itong galit na to.Feeling ko galit na galit si Mama and she must be dissapointed.Napailing nalang ako upang masagot ang tanong niya.

"And you even act violently infront of so many people.Di mo manlang inisip kong anong sasabihin ng mga tao.A Daughter of the Successor of the Sley Empire,a total Warfreak!Gusto mo bang ganyan yung headline sa newspaper bukas!"sigaw ni Mama dahilan para biglang tumulo ang mga luha sa mata ko.

"I don't fit to be a Sley!"sabi ko at tumakbo paalis sa Sley Room.

Wala akong paki kung may nakakakita sa akin.All I did was to run and to hide somewhere far from the university that my family is owning.

Habang naglalakad ako may nabangga akong babae.Napaupo kaming dalawa dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo namin.Pinilit ko agad tumayo at tinulungan ang babae.

Infairness kay ate dyosa sa ganda pero ang weird ng suot niya.Though weird rin naman yung suot ko pero mas weird yung sa kanya.

"Sorry"paghingi ko ng tawad sa babaeng nabunggo ko.Ngumiti naman siya.Oh my Gosh, natitibo na ata ako ang ganda niya kasi.Sino bato?

*Katapusan ng Pangalawang Pahina*

▪Follow my other Social Media Accounts:

FB:Timothy Jeon

TWT:timothyjeon23

Other Wattpad Account:RA_wizard

My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon