"Huling Pahina"

312 12 0
                                    

Aislinn's PoV

"Wakas" yan ang huling salitang aking nabasa sa librong aking isinulat. Ang librong yun ay walang iba kundi ang My Boyfriend is a Fictional Character. Oo, lahat ng nabasa niyo ay hindi totoo. Lahat iyon ay parte lang nang aking libro. Walang Anastasia na tumupad sa aking kahilingan. Walang Jhon Rey na laging andiyan kung sakaling ako'y nangangailangan. Walang Maria na kontrabida sa aking kwento. Higit sa lahat walang Logan na minahal ko at minahal ako. Lahat iyon ay katha lamang ng malikot kung imahinasyon. Lahat yun ay kathang isip ko lamang.

"Ma'am ready na po ba kayo?" tanong ng isang staff sa akin, tinanguan ko naman siya bilang sagot. It's been 5 years since natapos kong isulat ang libro. I was highschool that time nung nainspired akong magsulat. Then now, I'm happy na napublish na ang libro ko. Today is the book signing event of my book. After 5 years so much had happened. Naging sikat akong writer pati narin ang libro ko.

"Let's all welcome Aislinn Agasthi Sley Leight the one and only author of MY BOYFRIEND IS A FICTIONAL CHARACTER!" pakilala ng emcee sa akin at umugong ang malakas na sigawan sa loob ng venue.

Umakyat ako ng stage at mas lalong lumakas ang sigawan. Sinisigaw nila ang pangalan ko. Hindi ko maitago ang kagalakan na aking nararamdaman ngayon. Sobrang saya ko na sobrang daming tao ang nakakaappreciate sa akdang nilikha ko. Nagsimula na nga ang booksigning event. Natapos ang sobrang tagal na booksigning event dahil narin sa sobrang daming pumunta. May mga reporter at taong nagtanong sa akin tungkol sa libro.

"Kailan niyo po isinulat ang libro?" unang tanong isa sa mga reporter.

"I started writing MBFC when I was in highschool, exactly 5 years ago." direkta kong sagot

"Many are asking kung bakit naging ganoon ang ending ng MBFC kaya binansagan iyon ng netizen na The Unfinished Story. Ano ang masasabi mo dito?" pahabol na tanong ng reporter

"Actually natatawa ako sa sobrang daming rant na nababasa ko about sa ending ng MBFC. Kung bakit nga daw ganun yung ending ng MBFC at kung yun ba talaga ang ending. Okay to top it all off, yun napo talaga ang ending ng MBFC. Sinadya kong gawin iyon dahil parte iyon ng aking kwento. Actually I had read some articles at tama ang sinasabi nila. Kaya ganoon ang ending ng MBFC kasi yun ang mensaheng gustong ipahatid ni Anastasia. Kung maalala niyo sa huling parte ng MBFC sinabi ni Anastasia na malalaman mo ang mensaheng gusto kong ipahiwatig sa iyo pagmakabalik kana sa mundo niyo." mahabang lintaya ko habang nakangiti sa mga tao.

"Anong mensahe naman iyon?" tanong ng isang reporter na sinang ayunan naman ng iba.

"May mga bagay na kahit mahal mo kailangan mong bitawan pag may ibang taong napeperwisyo." nakangiti kong ani.

"Isa pa pong tanong" ani ng isang reporter

"Ano naman iyon?" sagot ko naman

"Gustong gusto kasi malaman ng mga tagahanga mo kung sino ang naging inspirasyon mo kay Logan. Alam naman kasi ng lahat na may ilang pangyayari sa MBFC na hango sa iyong buhay. Kasama ba sa pangyayaring iyon si Logan?" mapanuksong tanong ng reporter na sinundan naman ng nakakabinging panunukso ng mga tao.

"My intention was to write MBFC based off from my personal experience. The problem was my life was pretty lame. Nothing was quite special that happened in my life. I guess that the only special thing I experience in my life was meeting my husband. My husband---" pabitin kong sagot sa kanila.

/Makalipas ang interview/

Natapos na nga ang interview at kasalukuyan kong  nililigpit ang mga gamit ko.

My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon