"Ikapitong Pahina"

251 17 0
                                    

Aislinn's Pov

/March 06/


"Nahihibang kana ba Logan!?Paano pag mapahamak ka o hindi kaya aksidente mong mabitawan yung libro then maglalaho ka.Edi magkakaproblema tayo!"galit kong pangangaral kay Logan habang hinihila siya palayo sa kumpol ng mga estudyante.

Pagdating namin sa room nadatnan kong naguusap-usap ang M Girls.Napahinto sila nang makita kaming dalawa ni Logan.Binitawan ko ang kamay ni Logan ng mapagtantong titig na titig dito ang M Girls.

Namayani ang nakakabinging katahimikan kaya napagdesisyunan kong ako na ang bumasag nito.Naglakad ako papunta sa upuan ko at kukunin ko sana ang ilan sa mga gamit kong naiwan kahapon.Napatigil ako ng magsalita si Maria.

"Feeling niya siguro ngayon maganda na siya"parinig niya sa akin na sinuklian naman ng nakakairitang tawa ni Myrione.

"Oo nga Feeling ko nga binayaran lang niya yan para magpanggap bilang boyfriend niya!"natatawang sambit ni Myrione.

"At pinagtritripan lang ata siya nung kaibigan niyang si Jhon Rey"ani ni Maria.Sumusobra na sila pati ba naman si Jhon Rey dinamay pa.

"Dont mind them"bulong sa akin ni Logan kaya medyo kumalma ako.Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy na ang pagliligpit ng gamit ko.Paalis na sana kami ni Logan ng marinig ko na naman silang nagsalita.

"What would you expect!Anak ng mahirap!Yung nanay niya mula sa hirap kaya asal pokpok yung anak niya.Kagaya ng nanay niya feel ko nga nilandi lang ng nanay niya yung tinuturing niyang lolo.Pero yung totoo di naman talaga anak ng lolo niya yung nanay niya!Pokpok kasi"nagpintig ang tenga ko mg marinig ko ang sinabing iyon ni Maria.Hinarap ko sila at dinapuan ng masasamang tingin.

"Huwag na huwag mong idadamay si Mama kasi hindi mo siya kilala"galit kong bulyaw kay Maria na napaatras dahil sa gulat.

"Talaga namang pokpok yang nanay mo!"paninindigan niya kaya diko napigilan ang sarili ko at sinampal siya ng malakas.

"Isa pang sabi ng pokpok sa kalsada ka pupulutin.Tang ina mo!"pananakot ko kay Maria na ngayon ay gulo na ang buhok dahil sa lakas ng pagkakasampal ko.Hinawakan ni Logan ang kamay ko pero marahas ko itong iwinaksi.Wala siyang kibo at nanatili lang sa likod ko.

"Talaga namang pokpok yung nanay mo Aislinn"bigla kong sinampal si Myrione ng magsalita siya.

"Ano gusto niyo pa!?Hindi ako magaatubiling sampalin ulit yang pangit niyong mga mukha kung lalaitin niyo ang Mama ko"sabi ko habang pinipigilan ang mga luha kong pumatak.

"Mas pinapahalata mo lang na totoo ang lahat ng sinasabi namin.Sigurado akong sa Mama mo namana yang pagiging pokpok at pagiging warfreak mo!" Hindi ko na nakayanan ang naririnig ko kaya agad kong sinabunutan si Maria.Hinihila naman ni Melissa si Maria palayo sa akin habang sinasabunutan ako ni Myrione sa kabilang side.Inaawat naman ni Logan si Myrione.

"You deserve it bitch!"

"Warfreak"

"Tama na!"

"Stop it already Maria!"

"Pokpok!"

My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon