Third's Person Point of View
*Prisión de Bandit*
(Bandit's Prison)"AHHHHHHHHHH" umalingawngaw sa buong silid ng Prisión de Bandit ang nakakabinging sigaw nina Aislinn.
Agad na iwinagayway ng lalaki ang hawak nitong patpat at itinutok sa tatlo. Kasabay nang paglabas ng isang puting ilaw mula sa patpat ay ang biglaang pagtigil ng tatlo aa ere. Mahihinuha sa mga mukha nila ang gulat at kaba nang mapagtantong lumulutang ulit sila sa ere. Kinontrol ng lalaki ang pagbaba ng tatlo. Nang makababa na ang tatlo ay agad silang nilapitan ng lalaking tumulong sa kanila.
"Kailangan na nating umalis" ani ng lalaki habang nakatingin sa tatlong batang kinokontrol ang sarili nila mula sa kaba.
"Kuya?" gulat na bulalas ni Jhon Rey nang makita niya ang mukha ng lalaki.
"Jhon Rey?" sabay na sambit ng lalaki
"Kuya Edward!" sigaw ni Jhon Rey at niyakap nang mahigpit ang lalaking tinawag niya sa pangalang Edward.
"Bakit ka andito?" takang tanong ng lalaki nang makawala ito sa pagkakayakap kay Jhon Rey.
"Sino siya?" naguguluhang tanong ni Aislinn. Napatingin sa kanya si Edward, kapatid ni Jhon Rey
"Siya yung sinasabi ko sayo Aislinn--si kuya! Siya yung writer ng Wanted Boyfriend." pagpapaliwanag ni Jhon Rey. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Aislinn dahil sa narinig niya.
"WHAT! AS IN? WAAAAAHHHHHHH~ Hello po!---Ako po si Aislinnn. WAAAAAAAAHHHHHH~ Fan na fan niyo po ako" naeexcite niyang sambit. Paulit ulit siyang nagtatatalon sa tuwa habang kinakamayan si Edward.
"Ang ingay! Tama na iyan. Hello kuya!Saan dito ang daan paalis?Paano tayo makakaalis? Kung pwede lang bilisan natin? Ayoko na magstay dito!" singit ni Vangie na naiirita na.
"Vangie?---Vangie Mayne" gulat na sambit ni Edaward nang masilayan niya si Vangie.
"Yes? Why do you know me?" pagtataray ng dalaga.
"Totoo ba itong nakikita ko?--Buhay ka?---Paano?" hindi makapaniwalang bulalas ni Edward.
"What are you talking about? Duh!- Buhay talaga ako, matagal na!" iritableng sambit ni Vangie.
"Pero bakit ganun? Bakit kamukhang kamukha mo si Vangie Mayne? Ikaw ba talaga yan, Vangie? " nagtatakang ani ng binata. Hawak hawak niya ang kaniyang sintido at inoobserbahan ang bawat kilos ng dalaga
"Yes, I'm Vangie Mayne. What's wrong with my name? You're aware that you're acting weird right? I can't understand a single thing you're saying." naweweirduhang ani ng dalaga
"Kuya, siya ba yung nasa libro mo" singit ni Jhon Rey kaya inismiran siya ni Vangie.
"Vangie---Kasi--Yung totoo---Isa ka lang fictional character" singit naman ni Aislinn.
"What? Anong fictional? Are you out of your mind? Nakikita mo ako hindi ba? Nababaliw kana talaga." naiiritang lintaya ni Aislinn.
"Nabuhay ka dahil kay Logan. I mean dahil sa amin ni Logan." paliwanag naman ni Aislinn habang seryosong nakatingin sa dalawang mata ng dalaga.
"What the hell! Sa tingin mo maniniwala ako sayo." inis na sambit ni Vangie. Ayaw niyang maniwala na isa lamang siyang kathang isip--na isa lamang siyang likha ng imahinasyon---likha nang makulit na imahinasyon ng isang tao.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]
Fantasía✏My Boyfriend is a Fictional Character[Second Installment of Heiress Series] ✒Si Aisllin Agasthi Sley Leight ay anak ni Sharia Sley Leight at Miguel Sley Leight na isa sa mga nagmamay ari ng Sley Empire. Siya ay mahilig sa pagbabasa ng kahit anong l...