Nagtagumpay ang planong pagtakas. Nanirahan sina Rosal at Kaloy sa Malabon. Naging maluho ang pamumuhay nila. Palibhasa ay sobrang laki ng naipon nila. Oras-oras sila kung manigarilyo, gabi-gabi kung magpainom. Nagpapakain ng masasarap kahit kanino. At dumating ang araw na kumagat sila sa alok na droga ng kapitbahay nila. Pero di gumamit si Rosal. Tanging si Kaloy lang. Naging ganoon ang pamumuhay nila, wala sa kanila ang nagtatrabaho, tanging ang ipon na nababawasan at di lumalago ang gamit nila.

Di nagtagal, naubos ang pantustos sa luho ng dalawa. Si Kaloy na lulong sa droga, nagbenta ng mga binili nilang gamit makabili lang ng droga. Nakaramdam na ng paghihirap si Rosal.

“Kaloy, mauubos na yung gamit natin. Baka naman pwedeng itigil mo muna yung pagdodroga? Wala na tayong makakain bukas.” Mahinahong sabi ni Rosal habang minamasahe ang lutang na asawa.

“Anong sinabi mo ?” Sinakal bigla ni Kaloy si Rosal at sinandal to sa pader ng bahay.

“Nasa—sak—tan ako—Ka—Kaloy !” Hirap na hirap na pagsasalita ni Rosal dahil sa higpit ng paghawak ni Kaloy sa leeg niya.

“Ang ayoko sa lahat, pinagbabawalan ako! Naiintindihan mo ba yun?” Nanlalaki ang malalalim at mapupulang mata ni Kaloy na sumigaw kay Rosal.

Takot na takot si Rosal at wala na siyang magawa kundi ang tumango at sumang-ayon sa asawa. Binitiwan na siya ni Kaloy pero may sinabi pa ito.

“Bukas aalis tayo. Hindi pwedeng hindi ka sumama.”

Kinabahan si Rosal. Di niya alam kung sasaan sila pupunta at bakit sila aalis. Kinabukasan, maagang gumising si Kaloy, ginising niya agad si Rosal at pinaligo. Pagtingin ni Rosal sa kama ay may nakahanda ng mga damit. Lalong kinabahan si Rosal. Mga maiiksi at kulang nalang ay maghubad si Rosal sa gustong ipasuot sa kanya ng asawang si Kaloy. Pero walang magawa si Rosal kundi ang sumunod dala narin ng takot.

Nakarating ng Ermita sina Kaloy at Rosal. Umupo silang dalawa sa loob ng isang mamahaling kainan. Natuwa si Rosal. Date ba ito nilang mag-asawa? Pagbawi ba ni Kaloy to sa nagawang pagsakal sa kanya? Kumain silang dalawa. Tuwang tuwang nakikipagkwentuhan si Rosal habang kumakain silang dalawa. Maya-maya ay nagpaalam si Kaloy at iniwan na saglit si Rosal. Pagbalik ay may kasama na itong dalawang banyagang lalaki. Parehong Koreano. Napakunot ang nuo ni Rosal, pero nung napakilala ni Kaloy ito bilang mga kaibigan, umaliwalas din ang mukha ni Rosal.

Buong maghapon na kasama nina Rosal ang dalawang banyaga. Di niya maintindihan ang mga pinaguusapan ng mga ito. Nakapag trabaho na kasi si Kaloy sa Korea noon kaya nagkakaintindihan sila ng mga banyaga. Pero si Rosal, halos dumugo na ang ilong at sumakit na ang ulo sa kakapakinig ng usapan ng mga ito. Paminsan minsan din ay tumitingin ang tatlo sa kanya. Natatakot siya sa tingin ng mga ito pero di niya na pinansin. Hanggang sa maggagabi na nung pumunta sila sa lobby ng isang mamahaling hotel. Kumuha ng isang kwarto si Kaloy at dinala si Rosal doon. Naiwan ang dalawang banyaga sa lobby.

“Kung gusto mong magsex tayo kaloy, pwede naman sa bahay nalang. Alam kong gusto mong bumawi pero masyado na gastos natin.” sabi ni Rosal habang nililibot niya ang tingin sa malaking kwarto.

“Ano bang pinagsasasabi mo? Galingan mo mamaya ah. Kailangan mapasaya mo yung mga koreano. Mapepera yun, pag natuwa sayo, malaki ibabayad satin.” sabi ni Kaloy na ikinagulat ni Rosa.

“Ibinebenta mo ba ako Kaloy? Ako na asawa mo ??” gulat na gulat na tanong ni Rosal, lahat ng kabang nararamdaman niya kanina pa, tama lang pala.

“Sino ba nagsabi sayong asawa kita? Kinasal ba tayo, huh? At saka, gusto mo ng pera diba? Ayan! Binibigyan kita ng trabaho. At ayusin mo yan, kung ayaw mong pagbabasagin ko ang mga ulo ng mga kapatid mo.”

Doon na mas binalot ng takot si Rosal. Hindi niya kayang isipin na mapapatay ang mga kapatid niya. Dahil kung mayroon pang natitira sa kanya, yung ay ang mga kapatid niya lang. Walang nagawa si Rosal. Akala niya, nakatakas na siya kay Jun, mali pala. Walang galaw galaw na sinamantala si Rosal ng dalawang banyaga. Paulit ulit. Hangga’t di napapagod ang mga ito ay di siya titigilan. Kung ilang oras yun ay di na napansin ni Rosal.

­---------------------------------------------------------------------------------

ThirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon