Sumakay ng taksi ang dalawa. Dala ni Rosal ang manila paper na sinulatan niya kanina. Nagsasalita lang siya. Si Grace, di siya magawang sagutin.
“Alam mo bang napakabait ng batang iyon?”
“Sayang nga at di ko naparamdam ang pagmamahal ko.”
“Pero di bale, babawi ako.”
“Ano kayang paborito niyang kulay? Sa tingin mo?”
Patuloy lang siya sa pagsasalita, si Grace tinitignan nalang siya ng awa. Kung siya rin ang nasa kalagayan ni Rosal, baka maging ganoon din siya.
Nakarating sila sa isang ospital. Nagtaka si Rosal.
“Bakit dito? Ahh! Siguro ay binisita ni Kelly ang isang umiidolo sa kanya noh? Ang anak kong yun talaga, napakabait.”
Dire-diretso lang si Grace habang nakasunod lang si Rosal. Huminto sila loob ng isang kwarto. May mga puting kurtina. Nasa tapat sila ng isang kurtina. Binuksan iyon ni Grace. Tumambad ang isang kama. Lumapit roon si Rosal. Tinanggal ang kumot na nakatakip sa isang katawan. Tinitigan niya lang ang isang bata. Umupo siya sa tabi nito. Hinaplos haplos ang buhok.
“Kaninang pauwi kami, excited siya na maipakita sayo yung trophy. May nakita siyang isang babaeng patawid, masasagasaan, suot ang kaparehong damit na suot mo ngayon. Sumigaw si Kelly ng ‘Mama’ at tumakbo. Tinulak niya yung babaeng inakala niyang ikaw palayo sa parating na van. At siya yung tinamaan. Patawad, pero… patay na siya.”
Pumatak ang sunod sunod na luhang kanina pa pinipigilan ni Rosal. Walang imik-imik. Binuhat niya ang katawan ng anak at niyakap ito.
“Hanggang sa huli, mahal mo ako anak ko. Dito na si Mama. Yayakapin kita anak ko. Mahal ka ni Mama, Kelly, anak ko. Anak ko… Anak ko…” Umiiyak na sabi ni Rosal habang yakap ang bangkay ng anak.
“Dito na si Mama anak. Kantahan mo kong uli anak ko. Anak, gumising ka na. Sige na oh. Gusto ko marinig uli yung magandang tinig ng maganda kong anak na si Kelly. Dali na anak. Bukas ieenroll kita sa school, anak. Diba gusto mo yun, anak? Pero bago yun anak ko, uuwi muna tayo. Bumili ako ng pansit at puto. Kainin natin ng sabay anak ko. Icelebrate natin yung pagkapanalo mo at ang kaarawan mo. Proud ang Mama sayo, alam mo ba yun? Happy Birthday anak. Anak gising na. Gumalaw ka naman oh.” Tuloy tuloy ang pagpatak ng luha ni Rosal pero inaayos niya ng pilit ang mga sinasabi para maintindihan siya ng anak.
Nilalayo na ni Grace na kanina pa umiiyak si Rosal na nakayakap parin sa anak.
“Ano ba!!! Gusto ng anak kong mayakap ko siya!!!”
“Pero patay na siya! Hindi ka na niya mararamdaman at maririnig!”
“Hindi !!! Pagod lang siya at nagpapahinga, mamaya ay gigising din siya!”
“Huli na ang lahat. Patay na siya. Huli na Rosal.”
Napabitaw ng dahan dahan si Rosal sa anak. Bumaba sa pagkakaupo at saka lumuhod sa sahig. Iniuuntog ang sariling ulo sa bakal na gilid ng kama.
“Di ko man lang napagbigyan ang hiling niya. Di ko man lang siya natawag na anak. Di ko man lang naparamdam sa kanya ang tunay na yakap. Di ko man lang naibigay sa kanya ang pagaaruga at pagmamahal ng isang ina. Patawad anak. Patawad.” Paulit ulit na binanggit ni Rosal ang salitang patawad.
Lumakas ang iyak at sigaw niya kasabay ng lakas ng paguntog niya sa sarili. Dumugo na ang nuo niya. Hinarang na ni Grace ang kamay niya sa nuo ni Rosal at nilagay ito sa balikat niya. Hinagod hagod ang likod ng inang umiiyak ng pagsisisi. Nagsidatingan ang mga staff ng ospital. At ginamot si Rosal. Pero sa ibang ospital narin siya dinala.
Nawalan ng anak at katinuan si Rosal. Pagsisisi, panghihinayang at ang damit niyang sinuot ni Kelly na suot niya narin at ayaw ipatanggal ang naiwan sa kanya. Nasa kwarto lang siya paulit ulit na binabanggit ang pangalang ‘Kelly’ kadugtong ng mga salitang ‘Patawad anak ko.’ habang yakap ang tropeo ng anak sa patimpalak.