“Gagawin mo o ipapabugbog kita?” pagkasabi ni Jun nun ay saktong nagsipasukan sa kwarto ang dalawang lalaking malalaki ang katawan. Nabalot ng takot si Rosal. Pero mas pinairal niya ang pagiging praktikal.
“Magkano makukuha ko?”
“Kapag bumenta ang bidyu, 40% ng kita ang ibibigay ko sayo. Madalas nakakabenta ako ng 70,000. Pero solo mo ngayon so 80% ng kita ang ibibigay ko.”
Ngayon ay napaisip si Rosal. Malaking pera makukuha niya. Pero, mawawala ang puri niya. Kahit na nagdadalawang isip, sa kagustuhang umangat ang buhay, mas pinili ni Rosal ang trabaho. Tinuruan siya ni Jun kung papaano ang gagawin at tuwang tuwa naman si Jun.
Ang unang bidyu ni Rosal ay kumita siya ng 30,000. Namili siya ng gamit para sa mga kapatid niya at pinadala ito sa baryo nila. Walang pinadala para sa tiyo at ina niya. Kahit na malaki ang kinita ni Rosal ay naroon sa kanya ang pandidiri sa sarili na naramdaman niya rin para sa ina. Pero sa isip niya, hindi sila pareho ng ina. Ang ina niya, binaboy ang sarili sa pagtataksil, siya sa pera. Yun ang pinasok niya sa utak niya hanggang sa magustuhan niya narin ang trabaho ng dahil sa pera.
“Hindi na solo gagawin mo ngayon Rosal. May kasama ka na.” Sabi ni Jun kay Rosal na handang handa na nakahiga sa kama at naninigarilyo pa.
Pumasok sa kwarto ang lalaking si Kaloy. Tinignan siya ni Rosal mula taas hanggang baba. Di maintindihan ni Rosal pero ang lakas ng tibok ng puso niya. Sa isip niya, ito nga ba ang pag-ibig sa unang pagkikita.
Naging madalas ang pagtatambal ni Rosal at Kaloy sa paggawa ng pornograpiya. Hanggang sa di narin nila inaasahang mahulog sila ng tuluyan sa isat’isa.
Isang gabi, parehong lumabas sa magkatabing kwarto sina Rosal at Kaloy.
“Mahal ko, ayoko na nandito pa tayo. Lumipat tayo sa Malabon. Doon tayo manirahan. Malaki na tong ipon natin.” Pagyaya ni Kaloy kay Rosal.
Tatlong taon na sila sa trabahong yun, ilang buwan naring di nakakapagpadala si Rosal sa mga kapatid nito para sa planong pagtakas. Pinatay ni Rosal ang sigarilyong hinihithit at saka tumango kay Kaloy. Bukas ang itutuloy ang plano nila.
----------------------------------------------------------------------
