"Mang Jose tapos na po ba kayong kumain?"
Pagkatapos naming kumain ay napag-isipan kong lumabas.
Nakita kong naglilinis si Mang Jose kaya agad ko siyang nilapitan.
Nilingon niya naman ako ng nakangiti. Nakakahawa talaga ang ngiti ng mga taong may mabubuting puso.
"Tapos na'kong kumain sa bahay heja. May lakad po ba kayo?" nagtatakang sabi niya.
"Diba po sabi ninyo kapag umalis na sila mama at papa ko ay ipapasyal mo'ko sa lugar ninyo." sabi ko at nagkamot naman siya ng ulo. Natawa naman ako sa kaniya.
"Bakit po nagpakalbo kayo?" nagtatakang tanong ko kasi okay naman yung hairstyle niya kahapon.
"Naiinitan kasi ako tsaka libre lamang ang gupit samin." nagtaka naman ako, ano bang klaseng lugar ang lugar nila?
"Paano pong naging libre?" tanong ko.
"Hindi kasi nagpapabayad si Ismael at napakabuting bata no'n, parang magkasing edad lamang po kayo heja."
Tama ba ang rinig ko? Binanggit niya si Ismael?
"Mukhang kilala ko ata ang 'yang Ismael na sinasabi mo Mang Jose."
---
"Malayo po ba ang lugar ninyo Mang Jose?" pabalik balik kong tanong. Ewan ko ba, gusto ko lang makita si Ismael. Kung anong ginagawa niya ngayon?
"Malapit lapit lang naman heja, isang liko nalang makakarating na tayo."
Maraming bata ang naglalaro. Mabuhangin ang daanan. At mayroon pang nagbibilad ng hindi ko alam kung ano ba ang tawag do'n.
"Nandito na po tayo heja." nakangiting sabi niya at agad kong nilibot ang paligid. Bakit ang daming tao?
Dinumog naman agad si Mang Jose ng napakaraming tanong. Kung sa kaniya ba daw ang sasakyan? Bakit daw may kasama siya?
At sinagot naman ni Mang Jose. Maraming lalaki ang nakikilingon sa'min kaya agad kong tiningnan ang sarili ko. Bakit ba kasi nakadress ako?
May pumukaw naman agad ng paningin ko. Si Ismael, habang may dala dalang pukot. Isa ba siyang mangingisda?
Agad niya naman akong sinamaan ng tingin at agad na umalis. Anong problema no'n?
"Mang Jose may pupuntahan lang po ako."may sasabihin pa sana siya kaso lang mabilis akong tumakbo. Nasaan na ba 'yon?
May bigla nalang nanghila ng braso ko. At laking gulat ko nang makitang si Ismael 'yon.
"Anong ginagawa mo dito?" masungit na sabi niya. Ba't ba ang init parati ng dugo nito sa'kin? Wala naman akong ginagawang masama.
"Alam mo ba ang lugar na'to?" pagsasalita niya ulit at mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Ano bang pakialam mo kung nandito ako? Tsaka sinabi naman ni Mang Jose na ipapasyal niya 'ko sa lugar niya. At isa pa, bakit ang init init ng dugo mo sa'kin?" Hindi naman siya makatingin sa'kin at tatalikuran ko na sana siya ng bigla niyang hinigit ang braso ko at napayakap ako sa kaniya.
"Sorry." tanging nasabi niya at agad akong napangiti. Alam ko namang mabuti siyang tao 'e.
"Halika sumunod ka sa'kin." sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko. Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao habang dumadaan sa maliit na daanan na pinalilibutan ng mga bahay.
Gawa sa mga nipa at kawayan ang bahay nila. At makikitang malinis talaga at walang bahid na dumi.
"Lola nandito na po ako." nakangiting sabi niya at do'n ko lang napagtantong mas gwapo siya 'pag palaging nakangiti.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
RomanceHer world was a messed after her brother died. Will she choose to stuck in the sorrow or she will choose to be better?