Nalulugi
Patungo na kami ngayon sa bahay. Nanatili lamang akong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Tama nga ang hinala kong uulan.
Sumasabay na naman siya sa lungkot at sakit na nararamdaman ko. Parang naulit na naman ang ginawa nila noon. Nakakasakit na sila na hindi nila alam. Baka this time, ako na naman ang mawala.
Sa ibang daan kami dumaan dahil nga sa lakas ng ulan mukhang baha na doon sa daanan namin. Hindi na si Mang Jose ang driver kundi si Mang Toni. Mabilis ko siyang nilingon.
"Anong ginawa mo kay Mang Jose?!" matalim ako nitong tinignan. "Tinanggal ko na." aniya at parang gusto ko na naman ulit manampal. Walang masamang ginagawa si Mang Jose.
"Sinabi ko na una pa lang na bantayan ka. Pero ano ngayon, napunta ka sa Baryo Cuesta nang dahil sa kaniya." tinaasan niya ako ng kilay at nakipagpantay sa matatalim niyang titig.
"Bakit mo ba ito ginagawa?!" ani ko at natawa na lamang siya. "Ikaw ang susunod na mamamahala ng ating kompanya, kayo ni Matteo. Kaya mas mabuting maikasal ka sa kaniya." aniya at mabilis na napailing.
"Hindi ko siya gusto!" sigaw ko at mabilis niyang hinigit ang braso ko. "Bakit? Dahil sa isang mangingisda ka nagkagusto?" natatawang sabi nito sa'kin.
"Ano naman ngayon kung mangingisda siya?! Wala siyang masamang ginagawa. Mabuti siyang tao. Sila pa nga ni lola Nenita ang nagsabi sa'king patawarin ko kayo ni daddy." ani ko.
"Talaga bang mabuti siyang tao Vina? Piniperahan ka lang ng isang mangingisdang iyon para yumaman sila." sigaw nito sa'kin at mabilis kong hinigit ang braso ko sa kaniya.
"Hindi ganyang tao si Ismael!" napahagulhol na ako ng iyak. Bakit ba ang bilis manghusga ng tao kahit hindi niya naman alam ang buong pagkatao?
Wala na akong ibang sinabi pa hanggang sa makarating na kami sa bahay. Pinunasan ko ang natitirang luha sa'king mga mata. Pagod na pagod na'ko sa ugali nila. Gumagawa sila ng sariling desisyon para sa ikabubuti ng kanilang kumpanya.
Agad naman akong inalayan ng mga kasambahay. Nakita kong nasa living room sina Matteo tiyak na naghihintay sa amin. Mabilis itong tumayo nang makita ako.
"Alalang alala kami sa'yo ka gabi." aniya at mabilis na nagmano sa parents niya. May kunting respeto pa naman akong natitira.
"Saan kaba nanggaling heja?" nag-aalalang tanong ni tita Daisy at agad niya namang nilingon si mommy.
"Pumunta lang siya sa bahay ng kaibigan niya Daisy." aniya at mabilis akong nilingon na parang sinasabing makisabay ako. "Ibinalik ko na si Mang Jose, anak, nothing to worry. Siya na rin ang magdadala ng kotse mo dito." pekeng ngiti ang iginawad niya sa'kin. Sinungaling.
"Sige na. Alam kong pagod ka. Magpahinga kana muna." sabi pa nito at mabilis akong nagmartsa papuntang kwarto.
Nang oras na para sa dinner ay hindi ako lumabas. Ikinandado ko ang pintuan at tanging boses ni yaya Pusleng ang naririnig ko sa gabing iyon habang sinasabing naghihintay na raw sila sa dining area.
Dahil sa kaiiyak ko sa gabing iyon ay nakatulog na lamang ako. Wala pa namang pasok ngayon dahil Sunday kaya nagbihis agad ako para makahabol sa misa.
Simple lamang ang isinuot ko. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na'ko ng aking kwarto. Nadatnan ko namang nasa living room si mommy at Matteo mukhang nagkakasiyahan.
"Where are you going?" tanong ni mommy at mabilis ko itong nilingon. "Church." tanging nasabi ko. Hahakbang na sana ako ng marinig kong nagsalita si Matteo. "Tamang tama nakabihis na'ko. Sabay na tayong magsimba." aniya at mabilis akong sinundan. Wala na'kong magagawa pa.
"O shit ang sakit ng tiyan ko. Ikaw nalang pala Matteo." ani ko at kumunot naman ang noo niya. "No. Huwag nalang mo na tayong pumuntang church, maybe next Sunday nalang. Mas mabuting magpacheck up tayo." aniya at sinabi ko na lamang na 'wag na dahil baka nalipasan lamang ako ng gutom kaya sumakit.
_
"Heja bukas na papasok sa school si Matteo kaya dapat sabay kayong pumasok." nakangiting sabi ni tita Daisy, tumango naman ako. Nandito kami ngayon sa dining area.
Nang matapos kaming kumain ay napag-isipan kong pumunta sa rooftop. Sa balkonahe sana ako kaso tiyak akong nandoon si Matteo. Pero laking gulat ko ng makita siyang nasa harapan ko.
"Anong ginagawa mo dito Matteo?" ani ko. "Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon natin ngayon. Pero kailangan nating maikasal." aniya at namilog ang mata ko sa sinabi niya. Maikasal? Ayaw kong maikasal sa'yo. Tanging si Ismael lamang ang gusto kong makitang nasa harap ng alar.
"Diba noon pa man Matteo sinabi ko na sa'yong iba ang gusto ko? Hindi naman ako nagkulang na sabihin sa iyong iba ang gusto ko. Bata pa man tayo ay alam mong wala ka nang pag-asa." ani ko at hahawakan na sana ako kaya mabilis akong lumayo.
"Alam ko naman iyon Vina. Kahit masakit sa'kin ay tinanggap kong iba talaga ang gusto mo. Pero ayokong mapunta ka sa isang lalaking hindi ka kayang buhayin." aniya.
"Mataas ang pangarap ni Ismael at alam kong darating ang panahon na maaabot niya iyon." sabi ko ngunit umiling lamang siya. "Walang mararating ang isang mangingisda lamang." mabilis kong itinulak ang kaniyang dibdib. Wala siyang karapatang pagsalitaan ng ganyan si Ismael.
"Wala kang karapatang husgahan ang kaniyang abilid Matteo. Lahat tayo may maaabot kung magsisikap lamang tayo. Walang masamang mangarap." ani ko at tumango na lamang siya sa sinabi ko para pagsang ayon.
"Pero Vina alam ko ang lahat ng plano ng ating pamilya." agad na inagaw niya ang aking atensyon. "Gusto nilang maikasal agad tayo sa madaling panahon. Nalulugi na ang kompanya ninyo, hindi ko ito dapat sabihin pero kailangan mong malaman ang lahat. Kaya kami nandito sa Pilipinas dahil dito tayo ipapakasal at pagkatapos ng lahat ay dadalhin tayo sa States para sanaying magsanay sa ating kompanya. Iyon ang narinig ko sa kanila Vina." mabilis niya akong dinalohan at agad na napahikbi. Magagawa nila iyon sa sarili nilang anak? Hindi na nila inisip pa kung anong mararamdaman ko. Dahil ang tanging iniisip nila ay kung paano mapalago ang aming kompanya.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
RomanceHer world was a messed after her brother died. Will she choose to stuck in the sorrow or she will choose to be better?