19

182 10 0
                                    


Limang taon na ang nakalipas simula ng maikasal si Matteo dito sa States.

Nakakagulat pa rin talaga ang lahat ng nangyayari. Hindi ko na ulit pa nakita si Ismael. Wala na'kong nabalitaan sa kaniya pagdating namin dito.

Alam na nilang lahat ang rason ko kung bakit ko itinuloy ang engagement party.

Unang-una talaga nagalit si ate Kathlyn sa'kin dahil bakit daw ang duwag ko. Kung bakit ko pa raw pinakawalan ang lalaking lubosan kong minahal.

Nalaman ko ring nagsisinungaling lamang si Mika kay Ismael. Pero okay na 'yon, naka move on nako sa ginawa niya kay Ismael.

Dito ko na rin ipinagpatuloy sa States ang pag-aaral ko.

Ngayon naman ay isa na akong ganap na flight attendant. "This is your captain speaking. Thank you for flying with us." ani ni Captain Juarez at mabilis ko namang inalalayan ang isang matanda.

Pilots are regularly tested to ensure they know how to avoid colliding with another aircraft mid-air.

Masayang-masaya ako dahil natupad ko na ang hinihiling ni kuya Roque para sa'kin. Napangiti naman ako nang maalalang, bibili raw ng eroplano si Ismael para sa'kin. Pero mukhang alaala na lamang iyon. Baka nga may asawa't anak na siya ngayon.

Pero sa hindi inaasahan ay nakita ko siyang may hawak na isang bata habang pababa na sa hagdan ng eroplano.

Sa likod naman niya ay si Mika.

"Diba si Engineer Brucal iyon?" sabi ng isang co-flight attendant.

Nanatili lamang akong nakatingin sa kanila at may sinabi pa ang bata kay Ismael pero hindi ko na narinig pa.

Masakit pa rin pala talaga.

Nanlumo agad ako dahil sa nakita. Wala na pala akong babalikan sa Pilipinas.

Pero kahit anong mangyari babalik ako. Babalik pa rin ako kung saan kami unang nagkakilala.

Nandito na kami ngayon sa airport ni ate Kathlyn. Ewan ko ba dito nag aya na gusto niya raw magbakasyon sa Pilipinas.

May dalawang anak na si ate Kathlyn, si Semchi at si Savery, dalawang babae.

"Hello Semch." nakangiting baling ni ate Kathlyn sa linya. Tumawag ata ang panganay niya. Mukhang ako yata ang pakay nito.

"Yes anak. Nandito si ninang." aniya at napatingin sa'kin. Mabilis niya namang inabot sa'kin ang kaniyang cellphone.

Mukhang nag aagawan yata ang dalawa.

"Hello ninang," sabay na sabi nilang dalawa. At sinabing pagdating ko raw sa Pilipinas ay dapat kami na raw dalawa ni Ismael. Mga batang iyon.

"Nandiyan na si Mang Jose," ani ni ate Kathlyn at mabilis na kinuha ang mga dala naming maleta. "Kamusta po kayo Mang Jose?" nakangiting tanong ko rito at sinabi naman niyang maayos lang at gusto raw ulit ng dalawa niyang anak na makita ako. Kaya ang sabi ko na lamang ay pupunta ako roon sa Baryo Cuesta.

Dahil nga pagod kami sa byahe ni ate Kathlyn ay napag isipan na lang muna naming magpahinga.

Sa kwarto naman siya nina mommy at daddy tumuloy. Malaki man ang nagawang kasalanan ng parents ko napatawad ko pa rin sila. Iyon naman kasi ang dapat gawin. Hindi raw mabuting magkimkim ng sama ng loob.

"O ang bilis mo naman atang nagising." natatawang sabi ko kay ate Kathlyn. Pero mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko dahil busy siya sa laptop niya. Bumaba na lamang ako para kumain.

"Yaya Pusleng pakitawag nga po kay ate Kathlyn, sabihin mo kumain na kako kami." ani ko at agad naman siyang tumango. Tanging mga kasambahay ang naiwan dito sa bahay simula noong umalis kami at pumuntang States.

Bumaba na rin naman agad si ate Kathlyn.

"Bukas nga pala pumunta tayo sa resort ni Matteo. Ipaparenovate ko iyon." nakangiting sabi niya.

"Akala ko ba bakasyon ang ipinunta natin dito? Pero bakit parang trabaho naman." ani ko at mabilis siyang natawa. Naging maayos din naman ang pakikitungo namin sa isa't isa nang dahil sa nangyari five years ago.

"Sa totoo talaga n'yan Vina ay ang resort ang ipinunta ko rito. Hindi bakasyon, isinama lang naman kita para makauwi ka rito sa Pilipinas." aniya. Naikwento ko na rin sa kaniya na nakita ko si Ismael na kasama si Mika at may dalang bata.

"Okay. For sure naman maaaliw ako sa resort ni Matteo." nakangiti kong sabi at tumango tango naman siya.

Hapon na nang maisipan kong dumalaw sa Baryo Cuesta. Bumili na rin ako ng mga pasalubong para sa pamilya ni Mang Jose. Kay Mang Toni na ako nagpahatid dahil umalis sina Mang Jose at ng isang kasambahay para bumili ng groceries.

"Magandang hapon po." agad namang may lumabas na babae. Si Kiera na ata ito. "Ate Divina?" natutuwang sabi niya at mabilis akong niyakap. Tumuloy naman ako sa loob ng bahay nila. At doon nakita kong may ginagawa si Kiro.

Agad namang napunta sa'kin ang atensyon ni Kiro."Ate Divina mabuti naman at hindi mo kami nakalimutan." natutuwang sabi niya at mabilis na nagpasalamat sa dala kong pasalubong. Wala raw ang nanay nila dahil may binili lang sa kanto.

"Kamusta na pala kayo ni kuya Mael?" aniya at parang kinikilig pa si Kiro. "Wala. Single pa rin ang ate Divina ninyo." natatawang sabi ko. Siguro kong hindi kami umalis, nasagot ko na si Ismael.

"Oo nga pala nasabi ni tatay na umalis kayo papuntang States. Pa'no po kayo naging single eh ang sabi ni kuya Mael ay ikinasal ka sa States?" aniya.

"Hindi natuloy ang kasal Kiro." tanging nasabi ko na lamang. Daldal pala ng anak ni Mang Jose. Natawa na lamang ako sa kanila. At pinagpatuloy na ni Kiro ang ginagawa niya. Hindi naman ako nagtagal doon at sinabing sasabihin sa nanay nila na dumalaw ako.

Papasok na sana ako ng kotse nang makita ko si Ismael na nakasandal sa niyog. Seryoso itong nakatitig sa'kin. Ang laki ng pinagbago niya. Mabilis itong naglakad patungo sa kinaroroonan ko.

Inunahan ko na siya. "Kamusta na pala kayo ni Mika?" nakangiti kong tanong dito at agad namang napakunot ang noo niya.

"Ako nga ang dapat magtanong n'yan sayo Divina. Kamusta kayo ng asawa mong si Matteo?" halos mamilog ang mata ko dahil sa tanong niya. Hindi niya pala alam na sa iba ikinasal si Matteo.

Unbelievable.

"Hindi ko asawa si Matteo, Ismael." agad namang tumalim ang tingin niya sa'kin.

"Hindi nga ba? Eh ano ang nabalitaan ko five years ago na dali dali kayong pumuntang States para magpakasal? Ano ngayon Divina?!"

Saan ba siya nakakalap ng ganoong balita? Maayos naman lahat ng umalis kami ng bahay noon.

Wala siyang kaalam-alam.

......................................................................................................................

nao.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon