12

185 9 0
                                    

Jealousy

Masarap ang sinerve na mga pagkain ng mga kasambahay kaso nga lang nawalan ako ng ganang kumain.

"Excuse me. Magpapahangin lang po." tumango rin naman sila at kitang kita ko ang pagsunod ni Matteo sa'kin.

Mabilis ko siyang hinila. Akmang gusto ko siyang suntukin. "Why are you here?!" isang malaking ngisi ang iginawad niya sa'kin. Kaya mabilis ko siyang sinapak.

"Hindi mo man lang ba ako na miss Vina?" aniya at mabilis na tinalikuran. Kung ayaw niyang sagutin ang tanong ko mas mabuting 'wag na'kong maglokohan pa sa kaniya.

Tinungo ko na ang balkonahe namin. At mabilis na tiningnan ang mga tala.
Ano kaya ang ginagawa ni Ismael ngayon? Wala rin naman kasi siyang cellphone. At hindi man lang kami makapag usap.

"Vina." tawag ni Matteo at hindi ko man lang siya napagkaabalahang tignan.

"Remember those days na dito tayo palagi tumatambay kapag gabi?" aniya. Yes. Alala ko pa rin iyon, kung paano ako umiyak dahil gusto kong tumalon sa balkonaheng ito, just because kinuha ni Matteo ang lollipop ko. Nakakatawa parang lollipop lang.

"Nakakatawa pa nga dahil lang sa isang lollipop gusto mo na agad na tumalon sa balkonaheng ito, Vina." nang tignan ko siya ay nanatili siyang nakatingin sa mga tala habang nakangiti.

"Yes. It was just a lollipop pero regalo ni Miguel sa akin iyon." crush ko kasi noon ang kuya niya at talagang nagpapapansin ako. While, Matteo is just my friend. Closest friend namin ni kuya Roque. At napagkaalaman ko ring may dalawang anak na si kuya Miguel. Ikinasal siya sa States at hindi na'ko dumalo pa.

"Una na pala ako. Good night." dahan dahan lamang ang paglakad ko dahil hindi pa naman ako nakapagbihis.

May pahabol pang sinabi si Matteo at mabilis ko siyang nilingon. "Vina nakita kita kanina sa school niyo. Yung kasayaw mo ba kanina ay... nevermind." natatawang sabi niya at nauna nang umalis.

Tinungo ko na ang kwarto ko. Hindi man lang ako nakapaglinis dahil ang kalat kalat. Sumalampak na agad ako sa kama. I'm so tired. Tuluyan na rin akong dinalaw ng antok.

_

Inagahan ko talaga ang pag gising ko kanina dahil ayaw kong sumama sa kanilang kumain. Nandito na'ko ngayon sa school. At sinabihan ko nalang din si Mang Jose na sabihin kay Ismael na simula sa araw na ito ay 'wag na siyang maghintay sa akin sa labas. At dito na lamang maghintay sa loob ng classroom.

Maaga pa naman kaya napag isipan kong pumunta na lamang sa library. Bukas na pala ako pupunta sa kanila Mang Jose. Nangako kasi akong babalik ako at dadalhin ang mga laruang hindi na ginagamit.

"Ang aga mo ata." sabi sa'kin ng librarian. Sinabi ko na lamang na napaaga lang dahil may gagawin pa'ko.

Nang mapagtantong oras na para sa first subject ay mabilis kong tinungo ang aming classroom.

Pagkaupo ko ay mabilis na inagaw ng aking atensyon silang dalawa ni Mika at Ismael. Ganyan na ba ngayon ang nanliligaw?

Hindi ko nalang sila pinansin pa at nakinig na lamang kay Miss Gracia.
Natapos na rin sa wakas at mabilis akong lumabas. Naiirita ako kay Mika.

"Divina." habol sa akin ni Miss Gracia. Mabilis niya naman akong niyakap. Namilog ang mata ko sa ginawa niya.

"I'm sorry for what I've done to you. Nabalitaan kong dito na raw ipagpapatuloy ni Matteo ang pag-aaral niya." tumango na lamang ako sa kaniya. Bata pa lang naman ay hindi na kami magkasundo ni ate Kathlyn kaya lang nakapagtataka na bigla bigla niya na lamang akong niyakap.

"Nasabi naba sa iyo ni tita Pex kung bakit sila nandito ni tita Daisy?" nagtaka naman bigla ako at ngumiti na lamang siya sa'kin. "Don't mind what I've said to you. Mauna na'ko Vina." tinignan ko lamang siya hanggang sa pumasok na siya sa kabilang classroom. Bakit nga ba kayo nandito sa Pilipinas, Matteo?

Dumiretso na agad ako sa canteen. Ganoon pa rin naman ang order ko. Isang cheese burger. Doon pa rin ako palaging nakaupo sa dulo. Nakasanayan na rin kasi.

"Maaari ba akong umupo sa tabi mo?" nakangiti nitong tanong at agad ko naman siyang inirapan. Akala niya hindi ko nakita kung ano ang ginagawa nila ni Mika. I'm not stupid, Ismael.

Kahit sabihin kung bawal siyang umupo rito ay uupo pa rin naman siya. Walang makakapigil. "Nagseselos kana naman ba kay Mika?" aniya at mabilis kong inubos ang cheese burger.

Aalis na sana ako kaso lang naamoy ko ang ulam niya. Umupo nalang ulit ako. "Saluhan mo na ako." nakangiti nitong sabi at walang pag aalinlangang kinuha ang tuyo.

Habang abala ako sa pagkain ay nanatili siyang nakatingin sa'kin. "Finish your food, Ismael." ani ko.

"Bakit ba galit kana naman Divina? Nagpapaturo lang naman si Mika dahil nahihirapan siya sa isang subject. Wag mo naman sanang bigyan ng malisya iyon." aniya at mabilis na ibinagsak ang kutsara. Matalim ko siyang tinignan.

"Tutor kaba niya Ismael? Diba hindi?" pagalit na sabi ko dito at tinapos na ang pagkain. Nakakawalang gana. Inabutan niya rin naman ako ng alcohol ngunit 'di ko man lang ito tinanggap.

"Ganyan ba ang panliligaw sa ngayon Ismael? Kapag alam mong nagseselos ang babaeng mahal mo 'wag ka nang dikit ng dikit pa. Kapag alam mong nagseselos ako, layuan mo!" sigaw ko at mabilis na iniwan siya roon. Ang bigat bigat ng kalooban ko. Kailangan ko atang pumunta ng comfort room.

Mabilis namang may humawak sa kamay ko. "May dugo ka Divina." nag aalalang sabi niya at agad namilog ang mata.

What the hell! Bakit ngayong araw pa? Mabilis kong tinungo ang comfort room. "Shit bakit ngayon pa'ko nagkaperiod?" nakakainis naman. Wala akong dalang extra ngayon sa locker.

"Divina ayos ka lang ba? Kinakabahan ako. Bakit may dugo?" halata sa boses niyang hindi siya mapakali. "Ismael lumabas ka nga, comfort room ng girls 'to."

"Ayaw ko." nakalimutan kong matigas nga pala ang ulo ng isang 'to. "Ismael period lang 'to huwag ka ngang exxagerated d'yan. Bilhan mo nalang ako ng palda at napkin please." mabilis kong kinuha ang pera sa wallet ko at inabot sa kaniya. Nakakahiya naman kasing lumabas na ganito pa ang nangyari.Ngunit hindi niya man lang kinuha ang pera sa kamay ko at sinabing babalik din siya agad.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon