07

214 10 6
                                    

"You're free to open up your problems Divina makikinig ako."

Nandito kami ngayon sa bakanteng silid-aralan. Hindi pa naman oras para sa susunod na asignatura kaya napag-isipang dalhin ako dito ni Ismael.

Agad ko naman siyang nilingon, makikitang nalulungkot siya para sa'kin.

"Bakit parang ang lungkot ng mga mata mo?"

Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganyan. Kadalasan kasing nakikita ko sa isang Ismael ay walang bahid na emosyong pinapalabas.

Pero nang magsalita siya ay lubos akong nagulat.

"I was there Divina, no'ng araw na naaksidente kayo ng kuya mo." halos maluha ako dahil sa narinig ko galing sa kaniya.

"I'm so sorry kung wala akong magawa noon, umattend lang naman ako ng graduation ng kuya Roque mo para makita ka."

Para makita ako?

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Before ko sasabihin ito, pwede bang magpromise ka sa'king 'wag kang iiwas?" tumango naman ako sa kaniya at nag crossed my heart.

"I was secretly crushing on you before. Akala ko nga boyfriend mo si kuya Roque, kaya nalungkot ako pero nang malaman kong kuya mo pala siya, naging masigla na naman ulit ako." natatawang sabi niya, and the moment he says those words, I feel so happy.

Pero hinayaan ko muna siyang magsalita.

"Nang matapos na ang graduation ng kuya mo gusto ko sanang batiin siya. Kaso lang nahihiya akong lapitan kayo. Kaya no'ng time na sumakay na kayo sa kotse niyo, mabilis kong kinuha ang bisikleta ko at sinundan kayo. Pero hindi ko akalaing maaaksidente kayo Divina."

Agad namang may tumulong luha sa mata niya, mabilis ko din itong pinunasan at agad na ngumiti ng pilit.

"I'm so sorry Divina, wala akong magawa noon. Lubos akong humihingi ng tawad sa inyo." agad naman akong umiling sa kaniya.

Ngayon ko lang siya nakitang naging emosyonal. Hindi niya naman kasalanan iyon, it was an accident.

"Hindi mo kasalanan iyon Ismael. May rason kung bakit nangyari iyon. Ikaw na nga ang nagsabing hindi man natin maintindihan kung bakit nangyayari ang lahat ng bagay pero kailangan nating maniwala sa Kaniya, diba?" tumango naman siya at ngumiti sa'kin.

Dahil do'n sa nalaman ko napalapit ang loob ni Ismael sa akin. Hindi ko siya iniwasan, kahit na hindi niya pa sabihin iyon, hinding hindi ko pa rin siya iiwasan.

Paano ako iiwas sa taong napalapit na ang loob ko? Paano ako iiwas sa kaniya kung siya mismo ang nagpabago sa sarili kong pananaw? At dahil sa kaniya, tinulungan ko ang sariling makapasa sa lahat ng asignatura. Noong araw na sinabihan niya akong kaya ko, naniwala ako sa kaniya.

Sinabi ko na ring 'wag na kami ang mag organize ng event. Sinabi niyang ako raw ang bahala.

Palagi ko na rin siyang hinihintay tuwing umaga para sabay kaming pumasok. Una pa lang ayaw niyang akong payagan dahil nakakahiya naman daw kung babae ang pinaghihintay niya.

Pero mag i-isang oras na'kong naghihintay dito pero hindi pa rin dumadating si Ismael. Baka ano na ang nangyari sa kaniya.

"Manong guard hindi mo po ba nakitang pumasok si Ismael? Baka po kasi nakalimutan niyang naghihintay ako dito." nagbabakasakaling nakita ni Manong guard.

"Hala heja hindi yata pumasok ang batang iyon dahil wala naman dito ang bisikleta niya." agad ko namang tiningnan at napagtantong wala nga talaga ang bisikleta ni Ismael.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon