"Sinong nagsabi sa'yo ng balitang iyan Ismael?!"
Natawa naman ako sa isinabi ko. Malamang si Mika sino paba?
"Nevermind." akmang tatalikuran ko na siya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Kung hindi ka ikinasal kay Matteo, sino ang pinakasalan niya?" nagtatakang tanong nito. All these years, wala siyang alam kong bakit kami pumuntang States?!
"Si ate Kathlyn.Kaya kami dali daling pumuntang States ay dahil pabagsak na ang kompanya namin Ismael. Inako na lahat ni ate Kathlyn na dapat ako ang ikinasal kay Matteo. But thanks to ate Kath, naisalba niya ang kompanya. And now masayang masaya na siya dahil sa loob ng limang taon natutunan din nilang mahalin ang isa't isa." aniya at mabilis ko siyang tinalikuran. "Tara na po Mang Toni."
Ano bang pakialam niya? Hindi na dapat maging ganoon ang reaksyon niya dahil may asawa't anak na siya. Hindi na siya dapat makialam sa'kin.
_
Mabilis lumipas ang oras. Hindi nga ako makatulog ng maayos dahil kay Ismael sa gabing iyon. Tinatahak na namin ngayon ang resort ni Matteo.
Pagkalabas namin ay bumungad agad ang sariwang hangin at maputi puting buhangin. "Ang ganda naman dito ate Kath." nakangiti kong sabi habang nilibot ang kabuuan ng resort.
"Pagkatapos ba ng renovation ay dito na kayo sa Pilipinas titira ni Matteo?" tanong ko sa kaniya at agad siyang umiling. "Kailangan naming imanage ang kompanya Vina." aniya.
Mabilis naman kaming pumasok sa loob at inalayan naman kami ng isang bellboy sa resort nila.
"Ngayon nga pala dadating si Engineer." nakangiti nitong sabi sa'kin. Inaliw ko nalang mo na ang sarili sa dagat. Nababasa na ng alon ang mga paa ko.
May mga bata pang nagbibinta ng kuwintas na gawa sa kabibi. "Ate ganda bili na po kayo." nakangiting sabi ng bata sa'kin kaya agad ko siyang sinabihan na sumunod.
Binili ko nalang lahat para hindi na sila mahirapan pang magtinda. "Maraming salamat po ate ganda." aniya at mabilis ko siyang nginitian.
"Vina hali kana rito paparating na raw sila." nagtataka naman akong nilingon si ate Kath.
"Sabi mo si Engineer lang?" ani ko. "Iyon din ang akala ko. Pero kakatext niya pa lang na kasama raw niya ang isang Architect."
Sinabihan din naman agad kami ng bellboy na may itim na kotseng paparating. Nagpaiwan na lamang ako sa loob at tanging si ate Kath na ang sumundo sa mga ito.
Narinig ko na agad ang mga yapak nila. "Mabuti naman at maayos kayong nakarating dito Engineer." sabi pa ni ate Kath.
Agad namang may napatawag sa cellphone ko. It's Jerome, kaibigan ko sa States.
"Hello Jerome. Maayos naman kaming nakarating sa Pilipinas." sabi ko rito. Maalalahanin talaga ang lalaking iyon parang praning talaga.
"Sige. Babye. Napatawag lang ako para mangumusta." natatawang sabi niya sa kabilang linya. Agad naman akong napalingon nang marinig ko ang boses niya.
"Medyo pagod lang po sa byahe Miss Gracia." nakangiting baling niya kay ate Kath. "I'm already married Ismael. You can call me Miss Reyes." aniya at mabilis akong nilapitan.
"Vina nandito na sila Engineer." nakangiti nitong baling. At sinamaan ko lamang siya ng titig. Hindi niya man lang sinabing si Ismael pala ang tinutukoy niya.
Nakita ko namang kasama niya si Mika. "This is Architect Mika Salvado his partner for this project, Vina." sabi ni ate Kathlyn sa'kin at tumango na lamang ako.
Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa renovation ng resort. At ako naman ay inaaliw lamang ang sarili sa social media accounts ko.
"Architect Mika Salvado designed this, kasama na ako. Pati ang renovation ng buong Reyes Resort." sabi pa ni Ismael. At sinabi ko na lamang na alis mo na ako sandali dahil wala naman akong ibang gagawin dito.
Nakapagtataka kung bakit Salvado pa rin ang apelyido ni Mika? Gumawa lang ba sila ng anak at hindi man lang nagpakasal?!
Mabilis akong umupo sa buhangin. Hapon na rin naman at gusto kong panuorin ang paglubog ng araw.
"Divina." agad naman akong nagulat ng makitang umupo sa tabi ko si Ismael.
"Wala ka man lang bang sasabihin?" taka ko naman siyang nilingon. "Ano bang gusto mong marinig Ismael?" ani ko at akmang hahawakan niya ang kamay ko nang mabilis ko itong inilayo.
"May asawa kana Ismael kaya hindi kana dapat lumalapit pa sa'kin. Baka anong isipin ni Mika!" I sighed.
"Walang kami ni Mika." sabi nito at mabilis akong natawa. "Eh ano yung nakita kong magkasama kayo habang may dalang bata?"
"Si Jolo anak iyon ni Mika kay Kyle. Kilala mo pa ba? Iyong partner mo sa waltz presentation natin." aniya. Mapaglaro naman talaga ang tadhana.
Nagulat naman ako ng bigla siyang magsalita na hindi ko inaasahang marinig galing sa kaniya. "Limang taon kang nawala Divina. Gusto ko mang magalit sa nalaman ko noon na ikakasal kana sa iba pero hindi ko nagawa kasi mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa'yo. Kahit man ganoon ang nalaman ko ay hinintay pa rin kita. Kasi mahal na mahal kita Divina at patuloy ko pa ring pinaghahawakan ang sinabi kong bubuo tayo ng sariling pamilya." tumulo na nang tuluyan ang luha ko at mabilis ko siyang niyakap.
"Nang sinabi mong hindi ka ikinasal kay Matteo ay sobra akong natuwa Divina." patuloy pa rin ako sa paghikbi sa kaniyang balikat.
"Hinihintay ko lang naman na sabihin mong mahal mo pa rin ako Divina kasi ilang taon akong nangungulila sa pagmamahal mo." aniya at mabilis ko siyang dinampian ng halik sa pisngi. "Mahal pa rin kita Ismael. Mula noon hanggang ngayon hindi iyon nagbago." nakangiting sabi ko sa kaniya at mabilis niya akong niyakap.
"Sorry sa lahat ng ginawa ko Ismael. Hindi kita naipaglaban noon. Kasi-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla niyang tinap ang bibig ko ng darili niya.
"No need to say sorry, baby. Alam ko na.. Sinabi na ni Miss Reyes kanina sa'kin." nakangiti niyang sabi. Mabilis ako nitong inilagay sa mga bisig niya.
"Bukas na bukas gusto kong pauwian mo ang pamilya mo Divina. Mamamanhikan ako." nakangiti niyang sabi at namilog naman ang mata ko.
"Huwag kang mag-alala pinaghandaan ko talaga ang lahat sa oras na bumalik ka rito sa Pilipinas." aniya at parang napipi ako saglit dahil sa sinabi niya.
Mamamanhikan na siya. omg!
......................................................................................................................
— nao.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
RomanceHer world was a messed after her brother died. Will she choose to stuck in the sorrow or she will choose to be better?