Wakas

355 17 9
                                    

Napatili naman si ate Kath sa sinabi ko. Ikweninto ko kasi sa kaniya ang nangyari kahapon.

Masayang masaya siya para sa'kin. Mabilisan naman ang pag uwi ng parents ko dito. At talagang ipanakuha sila ng chopper ni Ismael.

"Paano ba 'yan botong boto ang parents mo kay Ismael. Tara na lumabas na tayo baka hinihintay na nila tayo sa labas. Breakfast is ready, baby."

Natatawang sabi ni ate Kath kaya napailing na lamang ako sa kaniya. Hindi ko maiwasang maalala kung anong pinagdaanan namin ni Ismael five years ago.

Lumabas na rin naman kami sa kwarto ni ate Kath. At doon nga silang lahat, naghihintay sa amin. Labis akong natuwa nang makitang nandito si lola Nenita.

"Lola Nenita." isang napakahigpit na yakap ang iginawad ko. Napangiti naman siya sa'kin. "Umupo kana sa tabi ni Mael at tiyak akong gusto kana niyang makatabi." mapang-asar na sabi ni lola sa'kin at mabilis kong nilapitan si Ismael.

Tumayo naman agad siya para paghilaan ako ng upuan. "Kumain na tayo." nakangiting sabi ni mommy.

Sinandukan naman ako ni Ismael ng kanin. At ang mga mata nila ay nasa aming dalawa ni Ismael.

Masaya naman naming inalala ang nangyari noong lumipas na limang taon. Humingi na rin ng tawad si mommy sa lahat ng sinabi niyang masasakit kay Ismael.

"Kaya ko po kayo pinapauwi rito sa Pilipinas ay gusto kong pakasalan ang inyong anak na si Divina." nakangiting sabi ni Ismael at laking gulat ko nang bigla itong lumuhod sa akin.

"Divina Gracia for how many years of waiting. Wala akong ibang nakikitang babae na katabi sa altar kundi ikaw lamang. Will you spend the rest of your life with me? Divina, will you marry me tomorrow?" aniya at walang pag-aalinlangan sinagot ito at tuluyan nang napaiyak.

"Yes... I will marry you, Ismael. Ikaw lamang ang lalaking gusto kong makasama hanggang sa pagtanda." at mabilis siyang tumayo para yakapin ako. Nagpalakpakan naman silang lahat. Pumunta mo na kami sa puntod ni kuya Roque para sabihin ang magandang balita. Ganoon din ang ginawa ni Ismael sa puntod ng magulang niya.

Maayos na ang lahat para sa kasal namin ni Ismael. Pinagplanohan niya na talaga. "I am very excited spending my life with you baby. Iyong tipong gigising ako sa umaga at mukha mo agad ang bubungad sa'kin. Tapos dadating ako sa bahay galing sa trabaho na may nakahanda nang pagkain. At bubungad sa'kin ang matamis mong ngiti at bigla na lamang akong yayakapin ng ating mga anak." aniya at mabilis akong hinagkan sa noo. Mabilis niya naman akong niyakap.

Kumalas ako sa yakap niya at sinabing, "I'm super excited, too... Ismael."

Maayos akong nakaupo sa bridal car at katabi ko naman si mommy at daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngayon. Parang kahapon lang ay sinusungitan pa'ko ni Ismael dahil umupo ako sa tabi niya.

"Anak masayang masaya ako para sa'yo, kami ng daddy mo." humihikbing sabi ni mommy at mabilis naman siyang inabutan ng tissue ni daddy kaya natawa kami.

"Mukhang ikaw naman ang bride rito..mahal. Tinalo mo pa sa pag iyak si Vina." nakangiting sabi ni daddy at mabilis ko silang niyakap.

"Kasi naman mahal, pagkatapos ng kasal nila ay si Ismael na ang magmamay-ari ng anak natin." humihikbi pa ring sabi ni mommy kaya mabilis akong napasimangot. "Mommy naman eh pinapaiyak mo'ko." ani ko.

Sinalubong agad kami ng wedding coordinator. "Maaari na po kayong lumabas. Naghihintay na ang groom sa harap ng altar." nakangiti nitong sabi.

Bumilis ang tibok ng puso ko, tuluyan na'kong lumabas sa bridal car. Tuluyan na ring bumukas ang pintuan ng simbahan. Naririnig ko na rin ang malamyos na pagtugtog ng violin.

Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli

I stepped on the red carpet filled with rose and tulips petals. Nakangiti akong lumingon sa parents ko at hinigpitan ni mommy ang pagkahawak sa kamay ko.

Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata

Habang hinahatid ako sa altar ng parents ko ay mabilis kong nilingon si Ismael, na nakangiting nakatingin sa'kin habang nakatayo sa harap ng altar.

At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala

Nandito lahat ng kakilala ko at pati na rin ang buong kakilala ni Ismael. I can see in everyone's eyes that they are genuinely happy for us.

At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama

Tuluyan na'kong ibinigay ni mommy at daddy sa lalaking mamahalin ko habambuhay at kasama ko sa pagtanda. Mabilis namang nagmano si Ismael sa parents ko. Natawa pa nga ako dahil inabutan ni mommy si Ismael ng tissue. Ang pula naman kasi ng mata niya at makikitang galing siya sa iyak.

"Ismael anak ko, pinapaubaya ko na sa iyo ang unica hija ko. Sana'y mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal na ibinigay namin sa kaniya." emosyonal na sabi ni daddy at agad akong napayakap dito.

Tuluyan na kaming humarap sa altar ni Ismael. At nagsimula na ang seremonyas. "Sa haba haba ba naman ng prosisyon ay sa simbahan pa rin ang tuloy." nakangiting ani ni Father Santos at agad kong nilingon si Ismael na nanatili lamang nakatingin sa kabuuan ng aking mukha.

"You may say your wedding vows to each other. Groom?" sabi ni Father at agad na hinawakan ni Ismael ang kamay ko.

"Napaghandaan ko ang lahat para sa kasal pero hindi ko napaghandaan ang wedding vow ko." agad naman akong napasimangot. "Huwag ka nang sumimangot baby. Kasi I don't need to prepare any vow for you dahil ang kailangan ko ay ikaw. Makita ka lang na nandito sa altar ay masayang masaya na ako. Mahal na mahal kita Divina."

Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan

"Ismael.. Unang una sorry kung naging duwag ako noon na hindi kita kayang maipaglaban. Pero walang araw na hindi ako umiiyak noon kasi ayokong masaktan ka. Pero kailangan kong gawin kasi para sa ikabubuti ng lahat pero mali pala ang naging desisyon ko." Ismael wiped my tears.

"Pero ito lang ang masasabi ko, mahal na mahal kita kahit pa mamatay man ako ay ikaw pa rin ang mamahalin at pipiliin ko sa pangalawang buhay. I love you Mr. Brucal."

Mula noon
Hanggang Ngayon

"I pronounced you husband and wife. You may now kiss your wife, Mr. Brucal." sabi ni Father Santos at dahan dahan namang kinukuha ni Ismael ang belo ko.

Mabilis na naglapat ang aming mga labi. At nakangiting nilingon ang naghihiyawang mga bisita pati na rin ang aming pamilya.

Ikaw at Ako

Ismael carefully laid me on the bed at hindi niya man lang pinuputol ang tinginan naming dalawa. Napangiti ako nang hinaplos ko ang kaniyang ilong. Mabilis niya namang hinagkan ang aking noo.

"I love you..." Sabay naming sabi kaya natawa kami parehas. Gusto kong gawin ang lahat ng bagay at ngayon ay pwede na, dahil sa sakramento ng kasal.

Nag uumapaw sa emosyon ang puso ko ngayon. Dahil sa wakas, sabay na kaming bubuo ng pangarap na magkasama.

"I love you so much Mr. Brucal and I am so happy right now."

Puno ng pagmamahal ang bawat salitang aking binibitawan. At mabilis kaming nagtaklob.

"I love you always and forever Mrs. Divina Gracia Brucal."


The end.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon