Araw ng Linggo.
Napag-isipan kong magsimba dahil matagal tagal na din akong hindi nagpapasalamat sa Panginoon, no'ng araw na namatay si kuya Roque ay nagkulong na lamang ako sa kwarto.
Baka kasi nagagalit na sa'kin si kuya dahil hindi ko tinutupad ang mga pangakong sinabi niya.
Nakasuot ako ngayon ng blue dress.
Tuluyan na'kong pumasok sa simbahan. Nakita ko naman si lola Nenita kaya agad ko siyang nilapitan.
"Mano po lola." nakangiting lahad ko ng kamay.
"Mag isa ka lang ba heja? Nasaan ang mga magulang mo?"
"Ah opo lola, may business trip kasi ang parents ko. Tsaka po ngayon lang uli ako nakapagsimba." sabi ko habang may hinahanap.
"Ah gano'n ba, kami kasi ni Ismael ay palaging nagsisimba. Ito lang naman kasi ang araw na hinihingi ng Panginoon para sa'tin." sabi ni lola Nenita at patuloy ko pa rin nililibot ang paningin ko.
"May hinahanap kaba apo? Si Mael ba ang iyong hinahanap?" opo lola, nasaan naba ang apo ninyo? char.
"Bumili lang ng tubig si Mael nandito na rin 'yon hintayin nalang natin." nakangiting sabi ni lola habang hinahawakan ang kamay ko.
Ang sarap sa pakiramdam kapag hinahawakan ang iyong mga kamay ng walang dahilan dahil pakiramdam mo importante kang tao para sa kaniya.
"Andito na pala si Mael," sabi ni lola kaya agad akong lumingon at nagtama ang aming mga mata.
Para siyang mga talang kaygandang pagmasdan.
Kahit anong tingin mo dito ay hindi ka kailanman pagsasawaan. Ang kaniyang mga ngiting abot langit na akala mo'y isang talang kumikislap.
Agad namang umupo sa tabi ko si Ismael. Suot niya'y kayumanggi na parang polo na may linyang guhit.
"Ngayon ka lang ata nakapagsimba uli?" nagtatakang tanong ni Ismael kaya nagtaka rin ako kung bakit alam niyang ngayon lang uli ako nakapagsimba.
"Mahabang kwento Ismael." pilit na ngiti ang naigawad ko kaya hindi nalang siya ulit pa nagsalita hanggang sa magsimula na ang misa.
Ni minsan minsan tumitingin si Ismael sa'kin pero hindi ko ito napagkaabalahang lingonin. Habang si lola Nenita naman ay tutok na tutok sa sinasabi ng padre.
"God has a reason for allowing things to happen. We may not understand His wisdom, but we simply have to trust His will." wika ng padre.
"Dapat lamang tayo maniwala sa Kaniya hindi man natin maintindihan sa ngayon ang lahat ng nangyayari. 'Wag sanang mawala ang pananampalataya mo sa Kaniya. Kasi minsan dadalhin ka ng Diyos sa sitwasyon kung saan wala kang ibang choice kundi maniwala lamang sa Kaniya." sabi ni Ismael at agad akong napatingin sa kaniya.
Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay nanatiling nakatingin siya sa imahen ng Panginoon.
Tama nga naman si Ismael. Nagpadala kasi ako sa bugso ng aking damdamin kaya hindi ko na iniisip pa ang Panginoon.
Nang matapos ang misa ay nanatiling nakatatak sa'king isipan ang sinabi ni Ismael. At doon ko napagtantong tama siya, dapat maniwala ako sa Kaniya.
Na kaya siguro kinuha na si kuya Roque dahil oras na niya, na kailangan ko lang itong tanggapin.
Nauna na silang umalis dahil dadalawin pa raw nila ang puntod ng ama't ina ni Ismael.
"Miss pabili po ng bouquet." agad niya naman itong inabot at mabilis na nag abot ng pera.
Hindi naman masyadong malayo ang sementeryo.
Hawak hawak ko ang bouquet habang papalapit sa puntod ng namayapa kong kuya Roque.
It was really hard for me before to go to here, dahil hindi ko talaga matanggap na wala na siya. Na iniwan na niya ko.
May bumisita ba sa kaniya dito? Agad kong nilinisan ang mga nalalagas na mga bulaklak at doon may nakita akong sulat.
Pero kahit medyo nabasa ito ay makikitang klaro at mababasa pa rin ang nakasulat.
Sulat kamay ni mama.
Anak ko, patawarin mo kami ng papa mo sa lahat ng pagkukulang namin sa inyo ng kapatid mo. Araw-araw sinisisi namin ng papa mo ang mga sarili namin sa lahat ng nangyayari. Kaya sana patawarin mo kami. Gusto naming maging masaya pero hindi, dahil araw-araw hinahanap ka namin, kami ang dahilan kong bakit wala kana sa tabi namin ngayon. Naging pabaya kaming mga magulang sa inyo ni Vina, no'ng namatay ka hindi na kami kailanman pinapansin ng kapatid mo, lumalayo na siya. Gusto kong sumbatan niya kami, kahit masakit anak, kasi hindi kami magiging masaya ng daddy mo kung araw-araw palaging may kulang. Minsan no'ng pumasok ako sa kwarto ng kapatid mo, nakita ko yung litrato ninyo. Ang saya saya niyo, anak, hintayin mo kami d'yan ha. Mahal na mahal ka namin.
Halos mabasa na ang sulat dahil sa walang tigil na mga luhang patuloy na pumapatak.
"Kuya patawarin mo ako dahil ngayon ko lang napag-isipang dalawin ka. Kasi masakit pa rin, pero tanggap ko na." patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang hinihimas ang puntod niya.
"Kuya makinig ka ah' may ikukwento ako sa'yo. " nakangiting sabi ko at alam kong nasa tabi ko lang siya parati.
"Hindi ko alam kung bakit ngumingiti na ako ngayon pero dahil siguro ito kay Ismael. Napakabuti niya pong tao. Diba po sabi niyo sa'kin noon kapag dumating man ang araw na may lalaking may magpapatibok sa puso ko ay ipapakilala ko sa'yo, kuya Roque si Ismael na po 'yon. Siya po ang nagbibigay ngiti sa'kin." nakangiting kung sabi at naglatad na'ko para humiga. Tiningnan ko ang mga ulap, napakaganda.
Someday matutupad ko rin ang hiling mo para sa'kin kuya.
I was still aiming for the skies kuya Roque.Mabilis lumipas ang oras kaya nagpaalam na'ko kay kuya Roque at sinabing babalik ako.
Araw na naman ng Lunes kaya abala ang lahat para sa magaganap na Acquaintance Party.
At doon may pagkakataong maisayaw ng lalaki ang babaeng gusto nilang maisayaw.
Wala din namang magyayaya sa'kin, siguro hindi nalang ako pupunta.
Hindi rin naman ako ang gusto ni Ismael. Kaya mas mabuti sigurong hindi nalang talaga ako pupunta.
Pero dahil mapilit si yaya Pusleng napapayag niya ako.
Dahil sabi pa niya ang ganoong ganapan ay hindi dapat napapalampas.
Siya kasi noon ay kahit walang pera basta't makadalo lang sa ganoong pagdiriwang ay masaya na siya dahil isang beses lang naman iyon sa high school life niya.
......................................................................................................................
Dedicated to:
Dee Bayn— nao.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
RomanceHer world was a messed after her brother died. Will she choose to stuck in the sorrow or she will choose to be better?