Hindi ko mapigilang maluha sa kwento ni lola Nenita.
Sana kagaya rin ako ni Ismael, na kayang tanggapin ang pagkawala ng kuya ko.
Na kaya kong intindihin ang lahat ng nangyayari kong bakit may nawawala, kung bakit tayo nasasaktan.
Halos dalawang taon nang wala si kuya Roque pero bakit sariwa pa rin ang lahat ng sakit. Bakit parang may kulang?
"Hindi man madaling tanggapin pero heja lahat tayo ay may hangganan. Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ito dahil hiram lamang ang ating buhay. Habang nabubuhay pa tayo kailangan nating magpatawad, itama ang lahat ng mali, magpasalamat, at magmahalan. 'Wag tayong makulong sa nakaraan." at dahil sa sinabi ni lola Nenita, doon na tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigilan.
"Lola paano po kapag sobrang nasaktan kana nila. Deserve pa rin po ba nila ang patawad?" nakangiting tumango si lola Nenita.
"Kailangan nating magpatawag apo, dahil ang Panginoon nga nagpapatawad tayo pa kayang tao lamang. Bigyan mo sila pangalawang pagkakataon. Dahil hindi tayo magiging masaya kung palagi mong iisipin ang mga kasalanan, tao lang naman tayo apo, nakakasakit pero pinapatawad pa rin. Kaya kung ano man ang bumabagabag sa'yo harapin mo apo, 'wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Move on from your past apo pero 'wag mong kakalimutan ang mga bagay na natutunan mo." nakangiting sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko at hawak hawak ang kamay ko nang napakahigpit.
"Maraming salamat po lola." sabi ko at niyakap siya.
"Kaya apo, hiling ko sana'y 'wag mong iwanan si Mael, alam kong masungit ang batang 'yon sa ibang tao pero 'wag ka sanang mawalan ng pag-asang lumambot ang puso niya sa'yo. Alam kong mabuti kang tao at gusto kita para sa apo ko. Alam kong darating ang panahon na ikaw ang iibigin ng apo ko." nakangiting sabi niya sa akin at agad akong tumango.
"Opo lola, pangako po!" napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Oh' apo tama na ang ating kadramahan baka dumating si Mael baka ano pa'ng isipin no'n. Maghuhugas lang ako ng pinggan."
"Tulungan na po kita lola." pagpupumilit ko kaya pinayagan nalang din ako ni lola Nenita.
Nang inaayos ko ang mga pinggan ay namataan kong parang may nakamasid sa'kin kaya mabilis ko 'tong nilingon.
"Ismael kanina ka pa ba d'yan?" pumasok din naman siya sa loob.
"Kararating ko lang." Bumaling din naman siya agad kay lola.
"Lola bakit niyo po hinugasan 'yan diba sabi ko ako ang gagawa sa lahat ng gawaing bahay. Lola talaga hindi nakikinig." natawa naman si lola sa kaniya.
"Hindi naman ako ang gumawa n'yan, si Divina ang pagalitan mo, nagpumilit kasing siya na raw ang maghuhugas." sabi ni lola at agad naman akong nilingon ni Ismael. Nginitian ko naman siya, gusto ko lang kasing makatulong.
"Wala kasi akong magawa kaya hinugasan ko nalang habang naghihintay sa'yo." Sabi ko
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yan bisita pa naman kita." nginitian ko na lamang siya, e' ayaw pa magpatalo.
"Nagkita pala kami ni Mang Jose, kanina ka pa niya hinahanap, kaya sinabi kong nando'n ka sa bahay." sabi niya. Ba't ba ang bait niya? Bakit parang wala man lang akong makitang lungkot sa kan'yang mga mata?
"Tapos kana ba d'yan?" tanong niya at mabilis akong nagpunas ng kamay.
"Tapos na." nakangiting sabi ko pero hindi man lang ako nginitian.
"Lola ihahatid ko lang si Divina sa bahay nila Mang Jose, saglit lang po ako." baling niya kay lola habang may tinatahing panyo yata.
"Saglit lang apo, may ibibigay ako kay Divina." mabilis naman itong ibinigay ni lola Nenita sa'kin.
Divina Brucal
"Bakit po Brucal?" nagtatakang tanong ko.
"Lola!" si Ismael."Brucal ang apelyido ng apo ko, naalala mo ba ang sinabi ko kanina?" tumango naman ako.
Alam kong darating ang panahon na ikaw ang iibigin ng apo ko.
"Pero hindi naman po ako ang gusto ng apo niyo lola." sabi ko at nang lingonin ko si Ismael ay parang hindi siya mapalagay.
Kaya sinabi ni lola Nenita na kung ano ang sinabi niya ay magkakatotoo iyon. Dahil ang mama raw ng lolo ni Ismael ay sinabihan rin siya nang gano'n at binigyan ng nakatahing panyo na may nakatahing Nenita Brucal.
---
Nang makarating kami sa bahay ni Mang Jose ay agad ako nitong sinalubong.
"Ikaw talagang bata ka bigla bigla ka nalang aalis pa'no kung 'di ka nakita ni Mael e' baka nga nakidnap kana." agad naman akong humingi ng paumanhin kay Mang Jose at sinabing 'di na mauulit.
"Maraming salamat sa paghatid sa alaga ko Mael." ngumiti naman si Ismael at sinabing 'walang anuman' bago siya umalis ay nagmano muna kay Mang Jose.
"Ismael." tawag ko sa kaniya at mabilis akong nilingon nito.
"Maraming salamat at pakisabi kay lola Nenita na dadalaw ako uli sa susunod na Sabado." nginitian niya naman ako at tumango. Tinitingnan ko lang siya hanggang sa lumiko na siya.
Tinignan ko naman ang panyong ibinigay ni lola Nenita sa'kin. Maraming salamat dito lola, pangako ko pong hindi ko iiwan si Ismael.
"Bakit parang ang saya ng mumunting anak ng pamilyang Gracia ngayon?" agad ko namang nilingon si Mang Jose sa gilid ko. Makikitang masaya siya dahil masaya ako ngayon.
"Ngayon ko lang po kasing maranasan ang maging masaya muli at magkaroon ng bagong pamilyang tanggap ako." masayang wika ko.
"Tanggap ka rin naman ng mga magulang mo." kaya lang dahil sa sinabi ni Mang Jose ay nawala ang ngiti sa'king mga labi.
Sa araw na iyon, nakilala ko ang dalawang maliliit na anak ni Mang Jose. Si Kiera at Kiro.
At nangakong pagbalik ko ay magdadala ako ng mga laruan. Nang pinagsabihan sila ni Mang Jose ay agad kong sinabing hindi ko naman magagamit ang mga larung iyon kaya ibibigay ko nalang sa kanila, except sa paborito naming laruan ni kuya Roque.
"Mang Jose salamat po talaga sa pagpasyal sakin do'n, talaga pong nag enjoy ako sa lugar ninyo. Sa susunod po na pupunta ako sa inyo pwede po bang doon ako matulog?" nakangiti naman siyang tumango.
Nang makapasok na'ko sa kwarto ay mabilis kong inalala ang mga sinabi ni lola Nenita sa'kin.
Miss na miss ko na rin sila mama at papa. Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Agad kong hinawakan ang panyong ibinigay ni lola Nenita sa'kin.
Alam kong darating ang panahon na ikaw ang iibigin ng apo ko.
Sana nga po lola. Dahil nahuhulog na rin po ako sa apo ninyong si Ismael. Hindi naman siya mahirap mahalin, talagang makikita mong napakabuti niyang tao.
He deserves everything. You deserves everything, Ismael.
......................................................................................................................
Dedicated to:
Angelyn Hones
—nao.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
RomanceHer world was a messed after her brother died. Will she choose to stuck in the sorrow or she will choose to be better?