14

171 8 0
                                    

Surprise?

Mabilis ko siyang sinapak sa dibdib. Nakakainis naman kasi. Kitang nag-uusap pa kami ni Ismael. Ganito ba ang natutunan niya sa States? "What's wrong with you Matteo?"

Ngunit hindi niya man lang ako sinagot. Nang ipinarada na niya ang sasakyan sa tapat ay mabilis akong lumabas at nagmartsa papasok ng bahay.

"Heja are you okay?" nakangiting tanong sa akin ni tita Daisy. Agad naman akong tumango at ngumiti ng pilit sa kaniya. "Ilang araw po kayo dito tita Daisy?" ani ko at mabilis na kumunot ang noo niya.

"We're staying here heja. Dito na mag-aaral si Matteo. Hindi ba nasabi ng parents mo?" agad naman akong umiling. "Oo nga pala. Malalaman mo rin iyon sa tamang panahon heja." nakangiting sabi nito at sinabing magbibihis mo na ako.

Nanatili mo na ako sa kwarto ko sandali bago lumabas. Kanina pa kasi ako tinatawag ni yaya Pusleng. Sinabing kanina pa raw sila naghihintay sa'kin sa dining area.

Nang makaupo na ako ay nagsimula na kaming kumain. Tungkol na naman sa business ang pinag-uusapan nila.
Katabi kong kumain ay si Matteo at sa kabila ay si mommy.

"How's your school anak?" tanong ni daddy. Mabilis ko namang binitawan ang kutsara at agad siyang nilingon. "It's okay." tanging nasagot ko dito at tumango na lamang siya.

"You are still seventeen heja, right?" tumango rin naman ako sa sinabi ni tita Daisy. "Bakit mo po naitanong tita Daisy?"

"Daisy I already told-" hindi pa natatapos ni mommy ang sasabihin at sumabat naman si tita Daisy.

"I'm just really excited Pex." nakangiting sabi ni tita Daisy kay mommy habang ako naman ay naiwang tulala. May plano ba sila na hindi ko alam? Pagkatapos ng dinner ay pumasok na agad ako sa kwarto.

Hihiga na sana ako nang marinig ko ang boses ni tita Daisy. "I forgot to tell you heja na dito na matutulog si Matteo sa kwarto mo." nakangiti nitong sabi sa'kin. What?!

"But tita Daisy I need privacy." ayokong sumuway ngunit hindi naman pwedeng magsama kami ni Matteo. We're not in a relationship.

"This is for your own good heja. Para sa inyo ito ni Matteo para mapadali ang lahat." iyon lamang ang sinabi niya at nagmartsa nang lumabas ng kwarto. Ano bang nangyayari? Hindi ko na maintindihan. Para mapadali ang lahat?

Mabilis kong tinungo ang kwarto ng parents ko. May hindi ako nalalaman na kailangan kong malaman. Nakita ko naman si Matteo sa balkonahe at mukhang busy sa laptop niya.

Mabilis kong pinasok ang kwarto ng magulang ko. Kalalabas lang ni mommy sa comfort room habang si daddy naman ay nag aayos ng kama.

"Mom hindi mo man lang ba ako sasabihan kung anong nangyayari?! Nalilito na'ko kung bakit kailangang manatili nina tita Daisy dito sa bahay kung pwede namang sa hotel sila. They have a lots of money." inis na sabi ko at agad akong nilapitan nito.

"I just want to surprise you anak. Diba sinabi mo sa'kin noong seventh birthday mo na gusto mo si Matteo." nakangiting sabi niya at agad akong napahawak sa noo ko. "Sinabi ko lang iyon para hindi malaman ni kuya Miguel na siya talaga ang gusto ko at hindi si Matteo."

"But Miguel was already married anak and everything was already planned." taka ko namang nilingon silang dalawa ni daddy.

"Dad anong ibig sabihin ni mommy?" nilapitan ako ni daddy at pinaupo sa kama nila.

"Malapit na ang engagement party ninyo ni Matteo anak." aniya. Unbelievable. Wow. They really surprise me, nasurprised nga talaga nila ako. My body is shaking. Lumabas ako ng kwarto nila na umiiyak. What kind of parents are you?!

Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan ko. Ngayon lang, ngayon lang ulit ako magdadrive. I really needs to go to Baryo Cuesta.

Kahit kinakabahan ako ay nanatiling nakafocus sa daanan ang paningin ko. Are they really my parents?! Hindi man lang nila inisip kung anong mararamdaman ko.

Mabilis akong lumiko at ilang kilometro na lamang ay matatahak ko na ang bahay nila Ismael. Ayokong pumunta sa kanila Mang Jose. For sure, sasabihin niya ang totoo sa parents ko kung nasaan man ako ngayon.

Mabilis kong kinatok ang pintuan. "Tao po." Tanging ilaw na lamang sa labas ang bukas.

Bumungad sa akin si lola Nenita na mukhang nakatulog na yata. Mabilis ko siyang niyakap at doon na ako napahagulhol.

Pinapasok niya rin naman ako sa loob. Pumunta naman siya sa kusina para kumuha ng isang basong tubig.
"Anong nangyari sa iyo heja? Gabing gabi na ah." nag-aalalang sabi niya at tumayo naman siya para sirhan ang pinto.

"May problema lang po sa bahay." ani ko. Pumasok naman kami sa kwarto nila Ismael. "Wala ngayon si Ismael dahil sumama siyang pumalaot. Siguro mamayang ala una ay nandito na iyon." aniya at mabilis na pinapatahan ako sa iyak.

Hindi naman nangulit pang magtanong si lola Nenita. Hanggang sa dinalaw nako ng antok kakaiyak sa mga nangyayari.

_

"May sinabi po ba siya sa inyo lola?" tanong ni Ismael. "Sabi niya'y may problema raw sa bahay nila kaya hindi nalang ako nag-abalang mangulit pa Mael." aniya at mabilis akong napabangon nang mapagtantong dito ako matulog sa bahay nina Ismael at lola Nenita.

"Magandang umaga apo." nakangiting sabi ni lola Nenita sa'kin. Mabilis namang umupo sa tabi ko si Ismael. "Kumain na tayo." aniya kahit alam kong nag-aalala siya sa'kin. Aayusin ko na sana ang hinigaan ko kaso lang sabi ni Ismael na siya na raw ang gagawa mamaya.

Tahimik lamang kaming kumakain. Wala sino man ang bumasag ng katahimikan hangga't nagsalita na si Ismael. "Gusto mo bang pumunta sa kabilang isla?" nakangiting baling ni Ismael at mabilis akong tumango.

Nanatili lamang akong nakaupo rito habang si Ismael ay hinuhugasan ang pinagkainan namin. "Ismael tulungan na kita riyan."

"Sabi ko naman sa'yo diba ayokong nahihirapan ang mahal kong babae." aniya at mabilis na napangiti si lola Nenita sa amin. "Gusto ko lang namang tumulong para makapunta na tayo sa kabilang isla." nakangiti kong sabi.

Nang matapos na si Ismael sa kaniyang ginagawa ay nagpaalam na kami kay lola Nenita, sabi niya'y mag ingat kami. Sariwang hangin ang bumungad sa amin ni Ismael pagkalabas ng bahay.

"Parang nakikita ko na ang future ko Divina." nakangiting niyang sabi sa'kin. "Ha?" ani ko at mabilis niyang hinawakan ang kamay ko ng napakahigpit.

"Tayo dalawa. Na mayroon nang pamilya at maligayang namumuhay sa Baryo Cuesta."

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon