Furious
"Tayo dalawa. Na mayroon nang pamilya at maligayang namumuhay sa Baryo Cuesta." bigla naman akong nakaramdam ng kiliti sa aking tiyan. "Ikaw lang ang babaeng nakikita kong kasama sa hinaharap Divina, wala nang iba pa." mabilis na halik sa noo ang iginawad niya.
"Walang Mika?" nakangiti kong sabi at agad siyang umiling. Kinuha niya naman ang bangka. Hindi mainit sa araw ngayon dahil parang uulan nga yata.
"Ito ba ang ginagamit mong bangka sa tuwing pumapalaot ka?" ani ko at tumango naman siya. Nakarating naman din agad kami sa kabilang isla. Tanging mga puno lamang ng niyog ang aking nakikita at maputing buhangin na nakapaligid dito.
"Isla Cuestas ang tawag dito. Pamana ito ni lolo Basil kay lola, tanging alaalang naiwan sa kaniya." aniya at mabilis akong tinulungan makatayo sa bangka.
Nang pumasok kami sa Isla Cuestas ay may nakita kaming isang kubo. Sumunod naman ako kay Ismael.
"I built this shack for us Divina." nakangiting sabi nito at mabilis akong hinila papunta sa loob. "My husband is not just a fisherman but also a carpenter." nakangiting sabi ko at agad naman siyang namula.
"Don't call me like that Divina. Baka maitali kita rito." aniya at mabilis na napasimangot.
"My wife, your husband soon to be an engineer." nakangiting sabi niya at agad akong napangiti. Bagay. Engineer Ismael Brucal.
"Ikaw ba,anong pangarap mo?" aniya at mabilis akong umupo sa ginawa niyang kama na gawa sa kawayan. "Flight attendant, Ismael. Iyon din kasi ang pangarap ni kuya Roque sa'kin at siya naman ay magiging isang piloto." ani ko. Natahimik naman siya saglit.
"Magiging selfish ba ang tawag sa'kin kapag sinabi kong 'wag ka nang magtrabaho Divina?" aniya. Tinignan ko naman ang kabuuan ng kaniyang mukha, para nga siyang si Adonis e'.
"Pero gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa Ismael. Ayokong umasa sa asawa ko kung magkataon." ani ko at mabilis siyang lumapit sa pintuan.
Agad naman akong napatuyo sa inuupuan ko at nilapitan siya."Gusto kong ako ang magtatrabaho. Ayokong mahirapan ka, mas gugustuhin kong ako ang mahirapan kaysa ikaw." aniya at mabilis kong hinawakan ang kaniyang mukha.
"Gusto ko mang sundin ka Ismael pero iyon ang pangarap namin ni kuya na gusto kong matupad." ani ko at mabilis siyang nag iwas ng tingin.
"Kapag nagkapera ako bibili ako ng eroplano Divina para doon kana magtrabaho pa." aniya at mabilis akong natawa sa sinabi siya.
"Para naman akong tanga no'n Ismael." natatawang sabi ko at mabilis niya akong nilingon. "Gusto ko lang naman na, pagkatapos ko galing sa trabaho ay madatnan kitang nasa bahay na nag-aalaga ng ating mga anak." aniya at mabilis akong namula. Anak na talaga Ismael. Pero napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang swerte ko naman kung nagkataon.
Nanatili mo na kami sandali doon at nagpasya na akong bumalik na. Pupuntahan ko pa kasi ang dalawang anak ni Mang Jose na sina Kiera at Kiro. Mabilis akong inalayan ni Ismael. Pumunta mo na kami sa sasakyan ko para kunin ang mga laruan sa likod.
Hindi ko pa nasasabi ang problema ko kay Ismael. Baka 'pag nalaman niya ay susugod siya sa bahay. Ayokong maging ganoon ang sitwasyon. Ako ang aayos sa lahat.
"Magandang umaga po." nakangiti kong sabi sa asawa ni Mang Jose. Nagsasampay kasi siya ng mga damit mukhang katatapos niya lang maglaba. Nagmano naman agad si Ismael at ganoon din ang ginawa ko.
"Bakit ka naparito heja? Wala dito si Jose." aniya. "Hindi po si Mang Jose ang sadya ko. Ibibigay ko lang po itong mga laruan kina Kiera at Kiro." ani ko at narinig ko namang nagkukulitan ang dalawang anak niya.
"Mga anak nandito si ate Divina ninyo." sigaw niya at abala pa rin sa pagsasampay. Nag uunahan naman silang dalawa na makalapit sa akin. Mabilis ako nitong niyakap.
"Hi kuya Mael." nakangiting sabi ng batang si Kiera. Mabilis namang nginitian ni Ismael ang dalawa.
Ibinigay ko rin naman sa kanila ang mga laruan at tuwang tuwa sila sa natanggap."Maraming salamat po." sabay nilang sabi sa'kin at tumango lamang ako habang nakangiti.
"Nobya niyo po ba si ate Divina, kuya Ismael?" nakangiting sabi ni Kiero at agad naman akong namula. "Hindi pa Kiro, nililigawan ko pa lang si ate Divina mo." nakangiting sabi ni Ismael.
"Sagutin mo na si kuya Ismael, ate Divina." panunukso ng dalawa kaya napailing na lamang ako kahit na kinikilig.
"Ang aga mo atang umuwi Jose." narinig kong sabi ng asawa niya at mabilis namin itong nilingon ni Ismael. Kitang kita ang lungkot sa mukha ni Mang Jose. Hindi nito sinagot ang asawa at tumingin na lamang sa likod. Nakita ko namang naglalakad patungo rito si mommy.
What the hell! May ginawa na naman ba siya? Mabilis ako nitong hinila. Nasasaktan na'ko dahil sa higpit ng hawak niya.
"Madam nasasaktan na po ang anak ninyo." sabi ni Ismael at agad ko siyang nilingon na parang sinasabi kong wag na siyang makialam.
"Sino ka sa tingin mo hejo para pagsabihan ako ng ganyan?" matalim na tingin ang iginawad ni mommy kay Ismael at tinignan ito ulo hanggang paa.
"You're just a fisherman, right?" natatawang tanong ni mommy at tumango lamang si Ismael.
"Huwag na 'wag kang lalapit ulit sa anak ko." sigaw ni mommy at mabilis akong hinila papasok sa kotse. Hindi ko na nilingon pa si Ismael dahil natatakot akong makita kung anong reaksyon niya baka tuluyan ko nang suwayin si mommy.
"What are you doing here mom?!" sigaw ko dito at mabilis akong sinampal. Hindi pa rin ba siya nadadala sa lahat ng sakit na idinulot niya sa aming dalawa ni kuya.
"Ako ang dapat na magtanong n'yan sa iyo Vina! What are you doing here?! Alalang alala kami sa'yo ka gabi pa tapos mababalitaan namin kay Jose na nandito ka sa Baryo Cuesta." matalim na titig ang iginawad niya sa'kin.
"Kaya nilayasan ko kayo ka gabi dahil d'yan sa ugali ninyo-" hindi ko pa natatapos ang sasabibin ko ng sampalin niya ulit ako.
"Sige sampalin niyo pa ako. Baka nakakalimutan ninyong anak niyo pala ako." napahikbi nako. "Kung hindi ko pa kayo pinuntahan ka gabi, hindi ko malalaman ang plano ninyo."
"Huwag mo kaming pahiyain ng daddy mo sa pamilya ni Matteo. Everything was already planned Vina. Wala ka nang magagawa pa." aniya at mabilis ko siyang sinampal. Alam kong mali ang naging kilos ko pero galit na galit ako sa kanila ni daddy.
"Hindi mo man ba aalamin kung anong magiging mararamdaman ko kapag nalaman ko ang lahat ng plano ninyo sa akin. This is so unacceptable mom. Kalimutan mo nang may anak ka pa." sigaw ko dito at nakahawak pa rin siya sa pisngi niya dahil sa natamong sampal.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
RomanceHer world was a messed after her brother died. Will she choose to stuck in the sorrow or she will choose to be better?