08

222 10 0
                                    

Blessed

"Maaari na ba tayong lumabas?" tanong ni Ismael.

Ang tigas talaga ng ulo, kasasabi nga lang ng doktor na kailangan niyang magpahinga. Pero siya naman ay gusto na talagang umalis, sabi niya kako magsasayang lang daw sila ng pera.

Sinabi ko namang ako na ang bahala sa lahat pambawi ko sa lahat ng tulong nila lola Nenita para sa'kin. Nong una hindi muna siya pumayag pero dahil mapilit talaga ako, wala na siyang nagawa.

"Kainin mo 'to Ismael, dahil nakakadagdag to ng nutrients sa katawan mo." umiling naman siya at agad akong nagtampo.

"Ito naman 'di mabiro." natatawang sabi niya at mabilis ko siyang hinampas sa braso.

"Aray naman Divina!"

Agad ko namang hinawakan ang braso niya at sinabing hindi ko sinasadya.

"Ikaw naman kasi e' yan tuloy." tanging kurot sa pisngi lang ang naiganti niya.

Kinain niya rin naman ang inialok kong prutas sa kaniya.

Lumabas pala si lola Nenita para bumili ng makakain kaya kami lang dalawa ni Ismael ang nandito.

"Kamusta pala ang mga asignaturang itinuro ko sa'yo, naiintindihan mo ba?" agad naman akong napangiti, tinuruan niya kasi ako sa mga asignaturang nahihirapan kong intindihin.

Nag improved na rin ang grades ko. Kahit na hindi ako madaling turuan hindi pa rin siya nawalan ng pag-asang ipaintindi sa'kin ang lahat. Napakamasensyahin niyang tao.

"Syempre naman napakagaling ng tiyutor ko e' talagang maiintindihan ko agad." nakangiti kong sabi.

"Tsaka maraming salamat Ismael, kahit na alam kong may iba ka pang pinagkaabalahan ay tinulungan mo pa rin ako. Kaya ngayon may ipapakita ako sa'yo." agad ko namang kinuha sa bag ang card ko. Kung hindi naman dahil sa kaniya hindi ko magagawa 'to.

Agad niya namang tiningnan at gulat na gulat siya sa resulta ng grades ko.

"Sabi ko na nga bang kaya mo." proud na sabi niya at napangiti naman ako dahil ang saya saya niya nang makitang ang tataas ng grades ko.

"Dahil 'yan sa'yo Ismael kasi ikaw lang ang taong nagsabi sa'king kaya ko. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa'yo."

Pinaupo niya naman ako sa tabi niya at mabilis na hinawakan ang kamay ko.

"Pinapalakas ko lang naman ang loob mo para magising ka sa katotohanang kaya mo at kagaya nga ng bagyo, malalampasan din natin lahat ng pagsubok."

Mabilis niyang hinagkan ang aking kamay. Hindi ko pa rin sinasabi sa kaniya ang tunay kong nararamdaman.

Nang maging okay na ang pakiramdam niya'y pinayagan na kami ng doktor na makalabas. Hindi muna siya pumasok sa eskwelahan ng dalawang araw. Dahil baka raw mahimatay na naman uli siya.

---

Sinabi ko na rin sa dean ang nangyari kay Ismael. Buong klase ay hindi ako nakapagconcentrate dahil iniisip ko ang kalagayan niya ngayon. Kung okay lang ba siya?

Tiningnan ko ang paligid, mukhang uulan ata hindi pa naman ako nakapagdala ng payong.

Nang oras na ng uwian, doon na lumakas ang patak ng ulan. Nanatiling nakaabang ako dito sa waiting shed ng paaralan. Hanggang ngayon wala pa rin si Mang Jose. Siguro baha na ang daanan doon sa amin kaya kung lilipat siya ng daanan ay matatagalan pa siya.

Agad namang may tumabing lalaki sa'kin na hindi ko naman kilala. Hindi ko inexpect na ngingiti siya kaya nginitian ko nalang din siya bilang paraan ng paggalang.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon