KABANATA 3

12 1 0
                                    

"Are you free for today?" seryosong pagtatanong ko kay Precious, saka sumandal sa swivel chair sa aking opisina.

"Yes MC, I'm here in cafè with Yasmine. Why?" masayang sagot niya.

"Okay. Wait for me there because I want to talk you about something." simpleng pahayag ko sa kanya.

"Okay, we will wait you here. And I will also prepare your food that you liked." masayang tugon nila.

"Okay, okay, I'll pay for that. Thanks. Bye! See yah~" malumanay na paalam ko.

Nagbuksan naman bigla ang pinto ng opisina ko at sumilip roon si Stephanie.

"Aalis po ba kayo, Miss Chandria?" aniya.

"Oo. Itawag mo na lang sa akin kapag nagkaproblema rito kung saka-sakali." bilin ko pa sa kanya.

"Ah, Miss Chandria," alinlangang pigil niya sa akin.

"Bakit? May problema ba?"

"May bisita po kayo ngayon."

"Sino raw iyan?"

"Valmor Smith daw po. Kaibigan daw ni Sir Keanu. Papasukin ko po ba?"

"Let him in." medyo nagdadalawang-isip kong sagot, saka muling naupo sa aking swivel chair upang maghintay nang bisitang papasok mula sa pintuan.

Matapos itong inihatid ni Stephanie saka lang ito bumati sa akin bago lumapit sa aking lamesa at nailapag ang red rose bouquet.

"What can I do for you?" kaswal kong pagtatanong noong makaupo ito sa harapan ng aking lamesa.

"Well, nabanggit sa akin ni Keanu na photographer ka."

"And?"

"Pwede ba kitang kunin as our photographer for our next billboard for the end of the month?"

"I'm sorry but I can't. Aalis kasi ulit ako sa katapusan dahil may event akong dadaluhan, and I don't know kung kailan ako makakabalik dahil magtatagal ako sa ibang bansa."

"My bad, pero pwede pa din ba akong mag-alok sa iyo ng maging photographer namin kapag nakabalik ka na ulit dito?"

"Let's see kung makaka-Oo na ako riyan next time. Pero sa ngayon ay salamat at sorry na lang muna." nakangiting pahayag ko, saka tumayo sa aking pagkakaupo roon.

"Mukhang aalis ka yata bago ako dumating dito kanina." puna niya nang makitang hawak ko ang aking handbag pati MacBook ko.

"Ah, Oo, may usapan kasi kami ng mga kaibigan ko patungkol sa pag-alis ko sa makalawa."

"Ow, can I offer you a ride then?"

"Sorry, I can manage, Valmor. Dahil dala ko din ang kotse ko ngayon."

"Papayag ka naman na siguro kapag sumabay ako sa iyong tumungo sa basement?"

Napataas naman ang kilay ko sa kanya.

"Papayag ka na ba?" pangungulit pa nito.

"Do I have a choice?" nakangiti kong tugon sa kanya.

Nanguna siya sa pinto upang pagbuksan ako.

"Thanks."

Tumungo na muna ako kay Stephanie upang ibilin ang dalang rosas ni Valmor para sa akin na ilagay sa isang vase.

Natahimik lang kami mula sa elevator hanggang makarating ng basement.

"Thanks for the quiet time with you, Memory." nakangiting pahayag, saka pinagbuksan ako ng aking pinto.

DISGUISE USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon